Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin sa kanya. Pasimple nito hinawi ang buhok niya habang nakangiti sa harapan ko."Good night Babe" nakangiwing tumango ako dahil hindi ko maatim na pagmasdan pa siya. Pasado 10 pm na ng gabi nang makauwi kami. Kumain lang kaming dalawa pero hindi ko inaasahan gagabihin kami ng uwi! bakit ba kasi napakalayo ng pinagkainan namin kaya nakailan commute din kami para makauwi, idagdag mo pa ang trapik sa pinas!
"Sige good night" marahan ko siya itinulak para makaakyan na siya kong nasan ang tinutuluyan ng pamilya niya. Second floor ako at third floor naman ang kanila. Nakangiti kumaway siya bago umakyat patungo sa bahay nila.
Malakas ako nagpakawala ng hininga. Patungo ako ngayon sa silid ko. Hindi ko inaasahan dadaanan ko ang tinutuluyan ni Arckeerun wala kahit anong ilaw sa loob kaya nasisigurado ko walang tao.
Nasan kaya ang lalaking yon? Akala niya siguro hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa kotse hiniram ni Darwin! Hindi ba siya nagiisip! Pano kong may ibang taong nakakita sa kanya?! Pwede siya makulong!
Sandali!
"Bakit ko ba inaalala ang lalaking yon? Sa yaman niya salapi lang para sa kanya ang pangpyansa!"
Marahan ako napailing, dapat hindi ko siya iniisip! Tama lang naman ang ginawa ko eh! Dapat lang na gumawa ako ng paraan para kalimutan niya na ko. Kesa naman mapahamak siya ng dahil sa'kin.
"Fuck!" Napaidlag ako sa gulat ng akma ko bubukasan ang inuupuhan ko silid. Madilim na ang paligid kaya hindi ko napansin ang lalaking nakaupo sa tapat ng pintuan ko. Sa kisig ng pangagatawan niya ay agad ko tong nakilala.
Ang lalaking kinababaliwan ko
Arckeerun..Ano na naman ba ang gingawa ng lalaking to dito at bakit parang amoy alak pa ata siya ngayon?
"Anong gingawa mo dyan?" Iritable wika ko. Masama ang mga tingin niya'ng tumayo sa pagkasasalampak sa sahig.
"Bakit ngayon ka lang ? Alam mo ba kong gaano katagal ako naghintay dito!" Napataas ang isang kilay ko kahit madilim pa sa puwesto namin.
"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ko? At pwede ba hinaan mo ang boses mo baka may makarinig sayo" Naku iapapahamak niya pa ko dikit dikit ang kwarto dito!
"Tabi"Inis na hawi ko sa kanya dahil nakaharang siya sa harap ng tinutuluyan ko. Walang imik na pumasok ako sa loob akmang isasara ko na ito ng iharang niya ang paa niya sa pintuan.
"No! Why you're always hurting me!" Gulat ako napaangat ng tingin sa kanya. Ilan segundo ako napakurap na kalaunan ay umiwas din. Hindi ko ata kayang makita ang lungkot sa mga mata niya baka bigla ako bumigay at yakapin siya ng mahigpit.
"Arckeerun nakikiusap ako sayo lubayan mo na ko"
"No let me talk to you Dahlia" Bakas ang pagsusumamo niya habang nakatitig sa akin. Bakit ba pinapahirapan ako ng sitwasyon to.
"Umalis kana dahil wala na tayo paguusapan pa" walang emosyon ko wika subalit hindi siya natinag buong pwersa niya'ng binuksan ang pintuan na pilit ko sinasara.
"No!" Mabilis siya nakapasok sa loob ng kwarto ko at walang pagaalinlangan niya ako hinalikan. Hindi ko inaasahan gagawin niya ang bagay na to. Bago pa ko malunod sa tamis ng halik niya ay buong lakas ko siya naitulak.
"Ano ba!"
Napaatras siya dahil sa pwersa ginawa ko.
"May boyfriend ako Arckeerun at hindi—"
"Fuck it! Don't fool me Dahlia! I know you have feelings to me! Bakit ba tayo naglolokuhan dito! Alam ko ako ang mahal mo! Ano ba talaga ang kinatatakot mo bakit ka nagkakaganto!" Mahigpit niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko. Puno ng emosyon ang nagmumula sa mga mata niya at hindi ko kayang salubungin ito natatakot ako na bumigay ako at masira ang desisyon ginawa ko.
"It's about your father, Dahlia this time I will protect—"
"I loved him" wala sa sariling usal ko. Lakas loob ko siya tinitigan sa mga mata. Bakas ang sakit mula dito. Masyado ko ata siya nasaktan sa binitawan ko salita. Ako ang nagumpisa nito at ako din ang magtatapos.
" Sapat na ba yon para lubayan mo na ko."
Tama nga ba ang desisyon kong to. Tama bang ipagtabuyan at saktan siya. Wala na ko panahon para bawiin ko pa ang lahat ng nasabi ko.
Ilan segundo nagtama ang mga mata namin sa isa't isa, subalit kusa ako bumitaw sa titigan namin dalawa.
"G-ganun ba" wala sa sariling bumaling ako ng tingin sa kanya. Hindi ko inaasahan ang pagbasag ng boses niya. Alam ko pinipigilan niya lang ang emosyon niya.
Malakas siya'ng napabuntong hininga at mabibigat ang mga hakbang tinalikuran niya ako. Mahigpit ako napakapit sa sendura ng pintuan para kumuha ng lakas. Ngayon ko lang nakita ang pagtulo ng luha niya at wala ako magawa ng dahil don wala ako magawa para ibsan ang sakit na nararamdaman niya, pinangungunahan ako ng takot at pangamba.
Kapag nilubayan niya na ko don lang ako makikipaghiwalay kay Darwin. Siguro nga masamang tao na ko.
——-
Ilan araw na bang mulat ang mga mata ko? Hindi ko na alam kong may gabi bang natulog ako. Isang linggo na din mula ng huli namin paguusap. Simula ng gabing yon ay hindi na siya kailan man nagpakita pa. May bigat sa dibdib ko pero pilit ko tong inaalis.
"Kaya mo pa ba Dahlia" mahinang bulong ko sa harap ng salamin. Ngayon kami magkikita ni Darwin para mapagdesisyonan pakikipaghiwalay ko sa kanya. Nakokonsensiya na ko dahil pakiramdam ko ay ginamit ko lang siya para saktan si Arckeerun.
Napalingon ako sa sided table ko nang tumunog ang phone ko. Unknown number ang tumatawag. Agad ko to pinatayan hindi na ko nagabala pa para sagutin pa to. Hindi ko naman kilala ang numero nito. Hindi na din ako aasa tatawagan ako ni Arckeerun matapos ang mga masasakit na salitang binitiwan ko. Subalit hindi pa ako nakakatayo sa kinauupuan ko ng bigla uli ito tumunog. Puno ng kuryusidad ang namutawi sakin. Hindi naman na siguro to tatawag ng dalawang beses kong hindi talaga siya na wrong call hindi ba? Hindi kaya ?
Hayss!
Ayoko umasa pero
"Hello?" Ilan sandali lang ay wala ako narinig na kahit ano mula sa kabilang linya.
"Hello? Sino to?" Napakunot ang noo ko wala talaga sumasagot handa na ko patayan to nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.
"Kamusta na Leandra" Wala sa sariling nabitawan ko ang phone na hawak ko. Ang boses niya, kailan man ay hindi ko makakalimutan ang boses ng ama ako. Sa tagal na ng marinig ko muli to. Bumalik sa ala-ala ko ang lahat pakiramdam ko ay unti unti nito ako pinapatay.
Ilan taon na din gusto ko kalimutan ang lahat kaya nagawa ko palitan ang pangalan ko para kalimutan ang masakimuot ko nakaraan subalit akala ko makakatakas na ko pero hindi pa pala. Hindi parin ako magiging masaya hanggat buhay pa ang tatay ko.
"Leandra matagal tagal na rin anak, hindi mo ba namiss si Papa?" Napahiyaw ako sa takot wala sa sariling sumalampak ako sa sahig. Ang tawa niya ang nakakatakot na tawa niya memoryado parin sa isip ko ang lahat lahat ng mga ginawa niya lahata lahat ng tao pinapatay niya sa harapan ko lahat ng yon ay ang mga taong malalapit sakin.
"Anak? Kausapin mo naman si Papa, pupunta ka ba dito? masyado na kami nababagot sa kakahintay sayo, nasan kana ba?"
Ilan sandali lang ay bigla ito namatay ang ilaw hanggang sa muling Lumiwanag ito at ang pangalan ni Darwin ang nasa screen ng phone ko.
"Si Darwin"
BINABASA MO ANG
DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!
Любовные романыArckeerun is a ruthless businessman whose willingness to hurt others just to get what he wants without mercy, he doesn't allow anyone to maneuver his life. He has everything, fame, money, looks and women who's always begging him just to get attentio...