KABANATA 32

71 1 0
                                    


Hindi ko magawang makapagisip ng maayos nanatili nakatulala ako sa duguan ko mga kamay maging ang mansa ng dugo mula sa suot ko damit. Bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na to? Bakit hinayaan ko mangyare to!

Hindi ko inaasahan makikipagkita siya sa ama ko. Bagay na ayaw ko mangyare pero wala ako nagawa nilagay ko siya sa kapahamakan.

Sa kagustuhan ko maging ligtas si Arckeerun ay hindi ko man lang naisip ang bagay na to! inilalagay ko sa panganib si Darwin. Lahat nalang ng bawat desisyon ko ay hindi maganda ang kinalalabasan. Bawat desisyon ko ay hindi nakakatulong. Naging makasarili ako hindi ko man lang naisip ang kaligtasan niya! Ang tanga tanga ko! Hindi man lang ako nag-iisip!

Lahat ng tao malalapit sakin ay napapahamak. Tama nga sila isa ako salot at malas.

"Nasan ang anak ko!" Luhaan ang mga mata ng makita ko ang ina ni Darwin. Mabilis siya lumapit sa akin at walang pagaalinlangan niya ako sinampal. Ramdam ko ang pagkamanhid ng pisngi ko. Nakaagaw iyon ng atensyon ng ibang tao sa loob ng hospital. Hindi na ko nagulat, noon pa man ay nasanay na ko sa ganto sitwasyon.

Lahat ng biktima ng ama ko ako ang laging sinissisi ni minsan hindi nila pinakinggan ang paliwanag ko.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita dito! Anak ka pala ng isang kriminal! Ngayon ang kawawang anak ko ang dinamay mo!" Hindi ko siya masisi sa magiging reaksyon niya. Sinabi ko sa lahat ng pulis ang nangyare. Ito ang bagay na gusto ko takbuhan ang magpakilalang anak ng mamatay tao.

Ngayon na kilala niya ako hindi bilang si Dahlia kundi anak ng isang kriminal.

"P-patawarin niyo po ako" Nanatili nakayuko ako at hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa ginang. Subalit hindi parin naibsan ang galit niya sa'kin. Muli niya ako pinagsasampal at pinaghahampas. Halos mapunit ang blusang suot ko. Tinatanggap ko ang lahat ng galit niya dahil kong sino dapat ang sisihin dito ay walang iba kundi ako.

"Patawarin! Nahihibang kana! Mababalik ba ng sorry mo ang ginawa mo sa anak ko! Kong alam ko lang na anak ka ng isang notorious killer sa tingin mo ba hahayaan pa kita mangupahan sabahay ko! Hahayaan pa ba kitang makilala ang anak ko!"  Umaapaw ang galit niya subalit nanatili nakayuko ako.

"Ang tulad mo salut ay dapat nawawala sa mundo! Sa oras na may mangyare sa anak ko patawarin ako ng dyos baka mapatay pa kita!"  Mariin ko nakagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi nito. Mabilis siyang nagtungo sa kwarto ng anak niya na hanggang ngayon ay wala parin malay.

Ilan taon ng nakakalipas subali hindi ko parin makalimutan ang unang naging biktima ng Ama. Bagay na nagpabago sa mundong ginagalawan ko.

"Hindi mo ba nakita ang tatay mo ng araw na yon" nanatali nakayuko ako habang nasa harap ko ang lalaki.  Nanginginig ako sa takot ni hindi ko magawang makapagsalita.

"Ikaw ang kasama ni Rica ng gabing yon ano ang ginawa ng tatay mo sa kaibigan mo"  Subalit nanatili tahimik lang ako bahagya nakayuko.

Malakas niyang hinampas ang mesa dahilan para mapaidlag ako sa gulat.

"Nakikinig ka ba bat hindi ka magsalita at sabihin ang nangyare!" Nauubos na pasenya wika ng lalaki. Halata sa mukha niya na desperado siya sa sagot ko subalit hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko.

"Makinig ka Bata kailangan namin malaman ang nangyare ng gabing yon! Ang gabing pinatay ng tatay mo ang kalaro mong babae!" 

"Huminahon ka Detective, bata ang kausap mo" Marahan siyang tinapik ng kasama niya at nakngiti lumapit sa akin.

"Iha wala ka bang naalala ng gabing yon?" Nakaluhod ang isang paa niya habang hinihintay ang sagot ko subalit malakas na kumalabog ang pintuan at mabilis  na nakapasok ang matandang lalaki na ama ni Rica. Mabilis ako tumakbo sa sulok at tinakpan ang dalawang tenga ko.

"Nasan ang tatay mo! Sabihin mo kong nasan!"

"Pano nakapasok yan ilabas niyo caparaz!" Singhal ng lalaki mabilis na inawat ng kasama niya ang nagwawala.

"Sabihin mo nasan tatay mo ng mapatay  ko ang hayop na yan!" Patuloy siya pumipiglas para makalapit sakin.

"Alam ko may alam ka nasaan ang ama mong mamatay tao!"  Nang makawala siya sa  hawak sa kanya ay mabilis niya ako hinawakan sa makabilang braso at pilit na niyuyog-yog.

"Sabihin mo sakin pakiusap! Ang anak ko  ang anak ko! Nasan ang ama mo sabihin mo. Kung alam ko lang na mamatay tao ang ama mo hindi ko sana.... hindi ko sana hinayaan makalapit ka sa anak ko ede sana buhay pa siya hanggang ngayon"

Humagulgol ako at wala ako pakialam sa mga tao nadadaanan ko gusto ko ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Nabuhay ako ng hindi humihingi ng tulong ng kahit kanino. Nabuhay ako na may kahihiyan at may kalakip na kamalasan. Nagawa ko magbago ng pangalan para takbuhan ang mapanghusgang lipunan.

Sariwa parin ang lahat. Kahit ilan taon na ang lumipas nanatili parin sa isip ko ang lahat ng ala-ala yon. Ano bang dahilan at hanggang ngayon nabubuhay pa ko? Ano ba ang dahilan ng buhay kong to? Hihintayin ko pa bang may masaktan ulit ng dahil sakin?

Napakasama mo Dahlia napakasama mo. Gusto mo ilayo si Arckeerun para hindi siya mapahamak pero hinayaan mo naman si Darwin ang mailagay mo sa kapahamakan.

Hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ang sarili ko kapag may nangyare masama kay Darwin. Ako ang dahilan kong bakit nag-aagaw buhay siya ngayon!

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling nag-angat ako ng tingin sa tapat ng bahay niya. Nasa may terrace siya habang may kausap sa selpon nito, napakaseryoso ng mukha niya. Mariin ko nakagat ang labi ko, Gusto ko tumakbo para yakapin siya gusto ko maramdaman na hindi ako nagiisa. Subalit natatakot ako.

Pinangungunahan ako ng takot.

Pano si Ayen at ang kapatid ko ? Paano kong mapahamak din sila ng dahil sakin? Hindi ko na kakayanin pa.

Kailangan ko silang protektahan ang mga taong pinakamahalaga sakin ang taong meron lang ako.

Naglakad ako ng naglakad walang hinto hindi ko alam kong saan ba ako dadalhin ng mga paa ko, sapat na siguro masilayan siya kahit saglit lang.

Ang makita ko lang siya ay sapat na. Alam ko na ayos lang. siya at nasa mabuti ok na iyon sakin.

Malakas na bumuhos ang ulan pati ang kalangitan ay dinadamayan ako sa lungkot na nararamdaman ko.

Mapait ako ngumiti sa liwanag ng nagtataasan gusali. Hindi ko alam kong bakit ako dinala dito ng mga paa ko. Ang sariwang hangin ay tila ba tumatama sa akin balat.

Tahimik walang kahit anong ingay maliban sa hangin na sumasalubong sakin.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon