KABANATA 38

13 2 0
                                    


Nanatili nakatitig ako sa kawalan habang nasa kaligitnaan kami ng byahe. Maraming bagay na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko maitatanggi naroon parin ang kaba at takot.

Sa pag-alis ni Arckeerun ay yun din araw na umalis ako sa rest house niya tinawagan ko agad si Seinna at kwenento nito ang plano ni Arckeerun. Kung hindi ko lang napakiusapan si mang nando na payagan ako umalis ay panigurado nakakakulong parin ako ngayon sa Rest house ni Arckeerun.

"We're here" baritonong boses ni Caleb ang lutian niyang mga mata ay nakatuon na sa akin. Ngayon ko lang siya nakilala dahil kay Seinna halos lahat ng kaibigan ni Arckeerun ay kilala ko siya lang ang bago sa paningin ko. Isa siyang doctor. Simpleng puting tshirt at black jeans ang suot niya wala siya masyado palamuti sa katawan niya  walang singsing bracelet kwentas o kahit ata relo ay hindi niya hilig pati ito sinasakyan namin ay old car. Akala ko lahat ng kaibigan ni Arckeerun ay mayayaman pero siya lang ang naiiba sa kanila. Napakasimple niya.

"Fuck, kinakabahan ako" naiwika ni Seinna lumapit siya sa akin at pinulupot ang braso niya sa braso ko. Amoy ko ang pinaghalong bubble gum na mint ang flavor at cigarette sa bibig niya. Hindi nakakaoffend ang amoy niya kundi nakakahalina! Ibang klase talaga ng expensive friend ko.

"You should not, you didn't do anything wrong" rinig ko mula kay Caleb nakamulsa ang dalawang kamay niya habang nasa likuran namin siya. Nakangusong lumingon sa kanya si Seinna.

"But I'm  sure he getting mad at me! What if kalbuhin niya ako! Nako it will take a year  to grow back my hair!" Parang batang maktol niya, lihim ako napangiti kahit pakiramdam ko ay kinakain na ko ng takot at kaba. Alam ko naman hindi sasangayon si arckeerun sa plano ko.

"Magwig ka" walang emosyon komento ni Caleb, lihim ako natawa ng lalo nagsalubong ang kilay ni Seinna. Napapailing ako ng magsimula sila mag-asaran.

"Masyado delikado ang plano mo Mr. Genova, hawak niya ngayon ang ina ni Dahlia and he wanted his daughter" that voice aren't familiar for me. Pagmamay-ari ng babae ang boses na iyon. Puno ng kuryisidad ay pinihit ko ang pintuan pabukas.

Bumungad ang isang mahabang mesa naroon ang babae nakasalamin. Napakatapang ng bukas ng mukha nito naroon din sila Azel, Hades and Atty. Darius.

"But, I wouldn't agree to yourplan! Hindi na kailangan masangkot pa siya dito!" It was arckeerun likod pa lang niya ay pamilyar na sakin.

"Why?" Agaw ko ng pansin sa kanila.

Lahat sila ay napahinto pati narin ang lalaki nakatalikod saakin. Halata sa mukha niya ang gulat ng bumaling siya ng tingin.

"Dahlia" His face turned red and I can say he was mad.

"What the fuck Seinna bakit siya nandito!" Singhal niya kay Seinna na nasa likuran ko lang.

"Seinna is out of here. Narinig ko ang usapan nyo kaya nandito ako ngayon para pigilan ka" napasuklay siya sa malambot niyang buhok gamit ang mahahabang daliri niya.

"No!" Tutol niya. Mabilis niya hinuli ang kamay ko at hinila niya ako palabas sa loob ng silid. Hindi ko na inabala ang mga mata nakasunod samin.

Ramdam ko ang bigat ng hawak niya sa pulsuhan ko.  Magkasalubong ang kilay niya at umiigting ang perpekto panga niya.

"Arckeerun ano ba! Saan mo ko dadalhin!" Pilit ako kumakawala sa hawak niya.

"Ibabalik kita sa Rest House you will stay there until I came back" buong pwersa ko hinila ang kamay ko mula sa hawak niya. Napailing ako habang pilit na pinipigilan ang emosyon ko.

"Paano kong hindi ka na bumalik!" Natatakot ako, kilala ko ang ama ko wala siya sasantuhin.

Wala sa sarili napahinto siya, lumamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin.

"Babalik ako" paulit ulit ako umiiling ang emosyon na pilit kong pinipigilan ay kusang lumalabas. Pagdating sa kanya ay nanghihina ako para ako naduduwag na hindi ko maintindihan.

"Alam mo ba kong ano ang pinasok mo arckeerun! Para ka na nakikipag-ligsahan sa kamatayan!" Hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. Wala na ko pakiaalam sa paligid ko kahit magmukha ako tanga dahil para ako batang umiiyak dito, basta ang kagustuhan ko ay maiparating sa kanya ang nararamdaman ko.

"This is the only thing to do Dahlia ! Your safety is important to me! Proprotektahan kita kong kinakailangan para lang masiguro ko ligtas ka" umiiling ako tinulak ko siya ng akma siyang lalapit sa akin.

"Ayoko! Ayoko mapahamak ka! Kong sino man ang dapat humarap sa kanya walang iba kundi ako!"

"Dahlia-"

"Ako ang kailangan niya at ibibigay ko yon sa sakanya"

Puno ng takot ang rumestro sa mukha niya. Takot na mapahamak ako, takot na mawala ako. Alam ko, na hindi lang ako ang nakakaramdam ng takot maging din siya. Subalit kong sino man ang dapat tumapos nito walang iba kundi ako. Ako lang ang dapat tumapos nito.

"No, hindi mo yan gagawin" matigas na sambit niya. Subalit umiling lang ako.

"Ito ang dapat, Pagod na ko magtago Arckeerun! Pagod na ko tumakbo para takasan siya! Ilang tao pa ba ang mawawala ng dahil sa kaduwagan ko to! At ayoko na pati ikaw ay mawala na din!" Natulos siya sa kanya kinatatayuan para lahat ng sinabi ko ay tila ba menumoryado niya. Nagbabadya ang luha sa kahel niyang mga mata.

Kahit nanghihina ay inabot ko ang mga kamay niya at mahigpit iyon hinawakan.

"I can't lose you. Hindi ko kaya. Nakita na kita mag-agaw buhay sa harapan ko at ayoko ng maulit yon. Nagawa mo na ko protektahan nagawa mo ng iligtas ako pero ano ang ginagawa ko" malungkot ako ngumiti sa kanya.

"Tinatakbuhan parin kita ginawa ko ang lahat para iwasan mo ko. Ganon ako kaduwag Arckeerun. Hinayaan ko kainin ako ng takot na to kaya maraming taong malalapit sa akin ang napapahamak. Hindi to matitigil kong hindi ko man lang magawang harapin" marahan ko hinaplos ang pisngi niya ng puno ng luha mula sa kahel niyang mga mata.

"Please,arckeern please nakikiusap ako sayo hayaan mo naman ako protektahan ka, dahil mahal na mahal kita" napakurap ang mga mata niya parang bata niya pinunasan ang mga luha niya mula sa pisngi.

"Y-You loved me?" Nakangiti tumango ako. Mabilis niya kinabig ang bewang ko at mahigpit niya ako hinagkan.

"Please... Say it again" lalo humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Lihim ako napangiti.

"Ang alin?"

"That you love me, gusto ko masigurong hindi ko lang imahinasyon ang salitang yon" panandalian ako dumestansya sa kanya at masuyong sinapo ang pisngi niya. Tumingkayad ako para lang maabot ng labi ko ang mga labi niya.

"I love you keke ko, mahal kita mahal na mahal" buong puso ko sabi sa kanya. Marahan niya pinisil ang tungkil ng ilong ko.

"I love you more mia amore"  kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Wala man ako kasiguraduhan kong ano ba ang wakas ng istorya namin ni Arckeerun. Pero gagawin ko ang lahat para maging happy ending ang kwento namin dalawa.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon