KABANATA 11

197 4 0
                                    


Maaga ako nagising kinabukasan. Inaagahan ko talaga pumasok sa kompanya  para hindi naman nakakahiya sa Boss ko at pati narin sa ibang empleyado. Binuhat ko na din ang table ko at inilabas yon sa dating puwesto nito.

Masyado ko dinamdam ang sinabi ni Ayen sa kin. Siguro nga tama siya na baka gusto niya lang ako dahil hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya sa'kin. Mas maganda kong mag-iingat ako para hindi ako masaktan sa huli. Ano naman ang magugustuhan niya sa'kin? Mahirap lang ako,hindi din ako matalino at minsan palapak din ako sa gawain bahay kaya pano niya na sabi gusto niya ako?

Malakas ako napabuntong hininga at pinagpatuloy ang pagencode ko para sa presentation nito mamaya. Eksaktong 7:00 in the morning ay dumating na ang boss ko. Nakasuot to ng black longsleeve na polo habang ang coat niya ay nakasabit sa braso niya. Maaliwalas din ang expression ng mukha niya. Hindi parin nagbabago ang tindig nito dahil halos lahat ng kababaehan ay hinahabol ng tingin  ang bawat kilos niya. Sino bang hindi? Maladyosa ba naman ang lalaki to.

Lahat nang empleyado ay nagsiyuko para batiin siya. Kaya hindi din ako nagpahuli tumayo ako at nakangiti binati siya.

"Good morning Sir" wika ko naramdaman ko natigilan siya tanging black shoes lang ang tanging nasilayan ko. Hindi ko magawang iangat ang paningin ko sa kanya, hindi ko kasi kayang salubungin ang kahel nitong mga mata. Pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko. Iba parin ang epekto niya sa'kin kahit pilit ko itanggi ito.

"In my office Ms. Alvarez" maawtoridad na wika niya kaya agad ako tumayo at sumunod sa opisina niya.

Mabilis ko inilapag sa mesa niya ang laptop maging ang mga copy na ginawa ko para sa Project Proposal nito. Baka siguro pinapunta niya ako dahil dito.

"Here's your schedule sir on this day, you have a meeting with a Board at 10:oo o'clock am nandyan narin ang presentation—"

"Why did you move your table?" Walang emosyon nito tanong. I bit my lower lip before I raised my eyes to him. As usually nanatili parin magkasalubong ang kilay niya. Hindi ko inaasahan dadapo ang mga panigin ko sa namamasa niya'ng labi. Napalunok ako nang ma-alala ko ang mainit nitong halik  sakin mga labi. Maging ang pag-amin nito sa akin. Sa mismong mga labi niya lumabas ang katagang yon!

I like you Dahlia

Tumikhim ako at muling seneryoso ang expression ng mukha ko.

"Ahm, about that, it's for your own goods Sir. Para may privacy po kayo. Hindi naman pwede na nasa loob ako ng opisina niyo. Nakakahiya para s-sa ibang empleyado"

"Take it back" Napakurap ako ng ilan segundo at hindi makapaniwala sinalubong ko ang mga mata niya.

"No sir"Mabilis ako umiling. Lalo namula ang ilong niya na wari bang nagsisimula na ito mainis.

"You don't have a right to refuse me" Tumayo siya sa pagkakaupo at dahan dahan lumapit sakin. Napaayos agad ako ng tayo. Tulad niya ay sinalubong ko din ang mga mata niya.

"Pero Sir"

"Ibalik mo"

"Ayoko"

"Why? I ordering you to take it back"

"Bakit kailangan nasa loob ng opisina mo ang table ko, secretary mo lang ako Sir" Seryoso ko wika. Ilan segundo kami nagtitigan na wari bang binabasa nito ang laman ng isip ko. Kusa siya bumitaw at umiwas ang tingin sakin.

"you may leave" walang emosyon nito utos.

"Ok po Sir" mabilis ang kilos ko palabas sa loob ng opisina niya ramdam ko ang taimtim nito titig kahit pa nakatalikod ako.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon