KABANATA 21

195 3 0
                                    


Nanatili nakatitig ako sa ibat ibang kulay at uri ng  bulaklak. Napakaganda ang nito pagmasdan.

"Here" Nag-angat ako ng tingin sa batang lalaki. Nilahad nito ang hawak niya'ng dahlia flower. Bakit hindi ko makita ang mukha niya bakit hindi parin malinaw ang mukha niya. Bakit parati nalang ganto? Alam ko panaginip lang to pero gusto ko parin makita ang mukha niya.

"My mom told me you don't have a name, I think Dahlia it really suits you"  wala sa sariling bumaba ako ng tingin sa hawak nito. Nanginginig ang kamay ko inabot ito hanggang sa unti unti tong nabalutan ng pulang likido at ang batang lalaki ay nakahandusay at duguan.

Napabalikwas ako ng bangon. Ramdam ko ang bigat ng dibdib ko maging ang pagtulo ng pawis ko. Matagal na ng huli ko itong  mapanaginipan.

"Dahlia ayos ka lang?" Pinasadahan ko ang ilan hibla ng buhok ko. Huminga ako ng malalim at marahan tumango sa kanya.

"Nanaginip ka nanaman ba?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko magawang makasagot dahil pakiramdam ko namamanhid ang labi ko.

"Uminom ka na naman ba ng Sleeping pills? Sinabi ko naman sayo nakakasama yan sa kalusugan mo" panenermon niya, pilit ako ngumiti. Para hindi na siya mag-alala pa.

"Hindi kasi ako makatulog" Huminga siyang malalim at hinawakan ang kamay ko.

"Yon parin ba ang panaginip mo"

Marahan ako tumango. Wala parin pinagbago lahat ng nangyare 16 years ago wala ako maalala. I was 10 years old masyado pa siguro ako bata para maalala pa iyon. Pero may mga ilan ilan ako napapanaginipan.

Napalingon ako sa side table ko ng biglang mag ring ang phone ko. Wala sa sariling rumestro ang ngiti sa labi ko ang panginginig ng palad ko ay kusang nawala dahil sa tawag niya ay naging kalmado muli ako.

"Keke ko" Mahina wika ko. Rinig ko ang marahan niya'ng pagtawa. Maging ang pagtawa niya ay nakakaadik pakinggan.

"Ready?" Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang lakad namin ngayon. Mabilis ako umalisa kama.

"Wait lang magaayos lang ako"

"You don't need to, maganda kana kahit wala kang ayos" nakagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig na gusto kumawala sa'kin.

"S-sira m-mas o-okay kong hindi lang maganda mabango pa" Mahina sabi ko. Nasilayan ko pa ang pagirap ni Ayen kaya mas lalo ako kinilig para asarin siya.

Nakangiti ang labi ko pagkalabas ko sa apartment nakita ko ang sasakyan niya habang nakasandal siya dito. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa pagkamangha ko sa kanya. Nakasuot lang naman siya ng puting knitted short sleeve polo shirt na tenernuhan ng itim na pants at black leather shoes. Mas lalong maaliwalas ang mukha niya dahil ang blonde kulot niya buhok ay nakahighlights dahil don mas malinaw ko napagmasdan ang makapal niya'ng kilay at kahel nitong mata.

"Hi" nakagat ko ng mariin ang labi ko para hindi mapatili sa kagwapuhan niya. Halos lahat ng mga kababaehan na nakikiupa sa apartment ay napapahinto para titigan lang siya ang iba ay napapanganga at lalong lumilikot ang mata nila at napapadpad to sa gitna ng mga hita niya. Biglang pumait ang panlasa ko  kaya agad ko pinalupot ang braso ko sa braso niya para malaman nilang taken na to.

Maglaway sila sa inggit.

"Good morning" Malamig ko sabi habang masama  nakatitig sa mga kababaehan panay ang titig sa kanya. Marahan niya'ng pinisil ang tungkil ng ilong ko.

"Let's go"  Anyaya niya pero hindi parin maibsan ang inis ko.

"Halikan mo ko" walang emosyon kong wika. Nalilito ang mukha niya'ng bumaling siya ng tingin sakin.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon