KABANATA 26

119 1 0
                                    


Nakatanaw ako sa karagatan habang pinagmamasdan ko siya'ng naliligo mula dito.  Huminga ako ng malalim at naupo sa nakalatag na sapin sa buhangin. Hindi pa gaano kataas ang araw pero ramdam ko na ang init nito sa balat.

"Mia Amor!!"

Napauwang ang labi ko ng umahon siya mula sa tubig wala sa sariling napatayo ako at pagmasdan ang katawan niya.

Damn those abs!

I gulped as my eyes traveled over the image of his body, he flexed his arm to comb his hair to reveal the roped muscles of his arms and to show his hard abs.

Mainit na nga ang sikat ng araw ay mas lalo niya pang pinainit! Nakangiti ang labi lumapit siya sa akin.

"Ayaw mo ba magswimming?" Tanong niya habang hinahawi ang basang buhok niya. Marahan ako umiling habang nakatitig sa abs niya na nang-aakit! Bakit kasi sa tuwing nakikita ko to bigla nalang ako natutulala!

"Then how about foods do you want something to eat?" Napalabi ako at hindi ko maalis ang mata ko sa nakabalandra niyang katawan mukhang alam ko na kong ano ang gusto ko kainin!

Pwede bang siya nalang!

Talandi!

Marahan niya pinisil ang tungkil ng ilong ko kaya nanumbalik ang diwa ko. Hindi ko namalayan pinagnanasahan ko na pala siya.

"Wag mo lang titigan pwede mo rin hawakan" nanunudyung turan niya. Napakurap ako ng ilan segundo bago mag-angat ng tingin ko sa kanya naglalaro ang ngisi sa labi niya pakiramdam ko ay nangangamatis na ang magkabilang pisngi ko.

Tumikhim ako at bumalik sa nakalatag na sapin sa may buhangin. Inilabas ko sa basket ang mga pagkain hinanda ko habang naliligo siya.

"Ahh-ehh gusto mo ba kumain?" Tanong ko ng hindi makatingin sa kanya. Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko.

"How about you do you want to eat something? Or do you want me to prepare myself?" Nakangisi niya'ng wika. Marahan ko siya'ng kinurot sa matigas niya'ng abs.

"Kakain o ihahataw ko tong kutsara sayo?" Nakataas ang isang kilay na wika ko. Tumalima siya agad ng kilos mabilis niya'ng kinuha ang sandwich na nakahanda sa harapan namin.

Napailing nalang ako habang nakangiti. Hanggang sa tumunog ang phone ko. Nagsalubong ang kilay ko ng pangalan ni Ayen.

Bakit naman natawag ang babaeng to bukas pa ang balik namin ah. Hindi naman niya siguro ako papauwiin ng babaeng to!

"Hello?"

("Dahlia...") Nagsalubong ang kilay ko dahil sa panginginig ng boses niya. Mahigpit ako napahawak sa cellphone.

"Bakit Ayen? Anong nangyayare? Ayos ka lang ba?" Mahinahon ko tanong pakiramdam ko ay nagsisimulang mangatal ang labi ko.

Nakagat ko ang labi ko para pakalmahin ang sarili ko.

"Si Sairro... Nawawala si Sairro" Para ako binuhusan ng malamig na tubig ramdam ko ang panginginig ng kamay ko ni hindi ko magawang makakilos.

"Dahlia are you ok?" Rinig ko mula kay Arckeerun pero hindi ko magawang balingan siya ng tingin. Kinakabahan ako at nasisimulang matakot. Si Sairro nalang ang meron ako hindi ko kayang mawala ang kapatid ko.

"Kailangan ko umuwi" wala sa sariling usal ko. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Mabilis na inalalayan ako ni Arckeerun ng muntikan pa ako mabuwal sa kinatatayuan ko. Hindi ko namalayan pati tuhod ko ay nanginginig na din.

DARK DESIRE 1: Please Harder, Sir!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon