Lumaki ako sa kasabihan na, “Everyday is a new blessing that we should be thankful for.” At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw akong bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo.
Araw-araw kong pinipilit na makita ang kagandahan kahit sa gitna ng dilim. Kasi iyon ang tinuro sa akin—na kahit anong mangyari, kailangan kong magpasalamat. Dahil ang buhay, sa kabila ng lahat, ay isang regalo.
Ngunit, may mga bagay palang hindi kayang lagpasan ng simpleng pananampalataya at lakas ng loob.
Sabi nila, every moment is a wonderful experience that we should be proud of. Kahit mahirap, kahit tila imposible. Lahat ng karanasan, may aral. Lahat ng hirap, may dahilan. Pero paano kung ang karanasang iyon ang tuluyang magwasak sa'yo? Paano kung ang dahilan ng hirap ay ang taong hindi mo kayang mawala?
Everyday with you was a blessing for me. Noong simula, akala ko totoo iyon. Kasama mo, natutunan kong ngumiti kahit walang dahilan. Lahat ng oras na magkasama tayo, bawat kwentuhan, bawat tawa, lahat iyon, pinanghawakan ko nang mahigpit. Para kang araw—nagbibigay-liwanag sa madilim kong mundo.
Pero ang liwanag mo rin pala ang unti-unting nanunuot, sinusunog ang bawat bahagi ko.
Bakit? Bakit kung kailan masaya na tayo, saka tayo binigyan ng ganitong sakit? Kung kailan natutunan kong ipikit ang mata sa mga problema, kung kailan pinili kong kalimutan ang takot, saka dumating ang pagwasak na ito.
Everyday, sinabi ko sa sarili ko, "Kaya ko pa." Every moment, pinipilit kong maging matatag. Pero paano, kung araw-araw ay nawawalan ako ng dahilan para bumangon? Paano kung bawat moment na kasama kita ay paalala lang ng papalapit na katapusan?
Every you. Ikaw.
Ikaw na minahal ko ng buo. Ikaw na pinangarap kong makasama habangbuhay. Ikaw na nagbigay sa akin ng dahilan para ngumiti, pero siya ring dahilan kung bakit ngayon, hindi ko na magawang ngumiti.
Nanghina ako. Hindi ko na kayang tawagin itong blessing. Ang bawat araw, hindi na regalo. Ang bawat sandali, hindi na karanasan na maipagmamalaki. Ang bawat ikaw, naging pahirap na kailangan kong tiisin.
Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malaman na mawawala ka na, o ang malaman na wala akong magagawa para pigilan iyon. Napipilitan akong tanggapin ang katotohanan na kahit gaano kita kamahal, hindi ka para sa akin. At kahit gaano kita gustong hawakan, kailangan kitang bitawan.
Everyday, every moment, every you.
Sa huli, ang bawat araw ay isang paalala na ikaw ang nawala.
BINABASA MO ANG
Everyday, Every moment, Every You.
RomanceLumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitn...