Pagkatapos naming manuod ng movie, napag-usapan namin ni Airo na pumunta sa mall para bumili ng stocks para sa bahay. Tinawagan ko rin si Roanne para sumama sa amin-matagal-tagal na rin simula noong huli kaming nag-bonding.
Matapos maligo at magbihis, lumabas na kami ng bahay. Nakabukas na ang kotse ni Airo, pero mas pinili kong mag-commute.
"Bakit ayaw mo mag-kotse?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa paradahan ng jeep.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Simula noong naging legal kami sa magkabilang panig ng pamilya, mas naging malaya na kami sa public.
"Wala lang. Gusto ko lang ma-enjoy ang byahe," sagot ko habang pumipila kami.
"Babe, ang haba ng pila," reklamo niya.
"Okay lang 'yan. Masusubok ang haba ng pasensya mo," biro ko.
"Pasensya ko o pasensya mo?" sagot niya, bahagyang nakangiti. "Alam nating dalawa kung sino talaga ang mainitin ang ulo."
Pumukol si Roanne ng asar. "Ganiyan ba talaga kapag in love? Ang bilis mairita!"
"Teh, meron ako today, huwag kang makulit," sagot ko nang pasungit.
"Regla?"
"Hindi. Sama ng loob. Kaya please lang, huwag mo akong ini-stress," pagbibiro kong may banta.
Umupo na rin kami pag dating ng jeep.
Pagdating sa school, maghapong mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pag-upo ko sa klase, biglang dumating si Airo at umupo sa tabi ko. Hindi siya nagsalita; hindi rin ako. Naramdaman kong tinitingnan niya ako, pero pilit kong binalewala. Napaka-awkward.
"Okay, class," biglang sabi ng guro namin. "Our teachers already read your essays, and we found two stories that stood out. Of course, nangunguna na naman si Aldren, at sumusunod si Airo."
Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. Naka-titig din siya sa akin, may halong kaba at tuwa sa mga mata niya.
"Please stand up and read your essays," utos ni Ma'am.
Tumayo kami pareho. Kinuha ko ang essay ko mula sa bag, habang naririnig ko ang mabagal na paghinga ni Airo sa tabi ko. Una akong pinatayo ni Ma'am.
"Jar of Aldren."
Malalim akong huminga bago magsimula.
"Labing pitong taon na simula nang lumaki akong mag-isa. Labing pitong taon na hinarap ko ang mundong puno ng problema. Sa loob ng mga taon na iyon, natutunan kong kayanin ang lahat-walang hinihinging tulong kanino man. Sa bawat pagkadapa, pilit kong binubuhat ang sarili ko upang makabangon muli. Kahit naiwan ako ng mga magulang ko dahil sa isang aksidenteng bumago ng buhay ko ay naka gawa parin ako ng rason upang maging matatag.
Sa loob ng mga taon na iyon, nagkaroon ako ng kasanayang ilagay ang bawat problema sa isang pirasong papel. Ang bawat papel, tinutupi ko at inihuhulog sa loob ng isang jar na tinawag kong Jar of Aldren. Para sa akin, ang jar na iyon ay simbolo ng lahat ng pasakit na kinaya kong lampasan.
Ngunit bakit, hanggang ngayon, may natitira pang labing pitong papel sa loob ng jar? Bakit hindi ko pa rin magawang solusyunan ang mga ito?
Sa bawat pagsubok, natutunan kong gumawa ng paraan para ayusin ang lahat. Pero bakit tila ibang klase ang problema sa mga papel na ito? Siguro dahil mas mahirap sagutin ang mga katanungang hindi lang tungkol sa buhay, kundi tungkol sa puso.
Sa bawat papel, isa lang ang paulit-ulit na tanong: 'Kaya ko pa bang magmahal ulit?'
Dati, ang sagot ko palaging 'hindi.' Hindi dahil sa hindi ko kaya, kundi dahil natatakot akong masaktan muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/357197989-288-k96590.jpg)
BINABASA MO ANG
Everyday, Every moment, Every You.
RomanceLumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitn...