Airo
Isang buwan. Isang buwan akong nagkulong sa kwarto na parang natutulog ang mundo at ako lang ang naiwan gising. Parang lahat ng bintana ay may kurtinang hindi ko kayang buksan, kahit gusto ko nang makita ang araw. Pero ngayong araw, ibang Airo na ang haharap sa salamin. Hindi na ang takot na Airo, hindi na ang duwag.
Inaayos ko ang buhok ko habang nakangiti sa salamin, parang may sariling cheerleader sa loob ng utak ko. “Kaya mo ‘to, Airo. Tapusin na natin ‘to.” At oo, tinapos ko.
Kanina lang, kinausap ko si Ram. Hindi iyon madaling gawain—parang gusto kong kumaripas ng takbo nung una pa lang niyang makita ako. Pero nang magsalita siya, doon ko lang naramdaman ang bigat ng lahat. Humahagulgol siya. As in, hagulgol na parang bumagsak ang mundo niya.
“Hindi ko sinasadya, Airo…” umiiyak niyang sabi habang nanginginig ang boses. “Patawarin mo ako… kung pwede lang sanang palitan ang nangyari…”
Ramdam ko ang bawat piraso ng pagsisisi sa boses niya. Oo, galit ako sa kanya, pero hindi ko kayang magtanim ng galit habang alam kong nasaktan din siya. Kinausap ko siya ng maayos. Sinabi ko, “Ram, sana matuto ka sa nangyari. Sana hindi mo na ulitin ito kahit kanino pa.”
At doon, parang may natanggal na tanikala sa puso ko.
Pauwi na ako ng bahay. Bitbit ko ang mga grocery bags na parang kampyon sa sarili kong laban. Naghahakbang ako sa bangketa, iniisip ang uulamin ko mamaya—adobo o sinigang kaya? Simple lang ang mga bagay ngayon, pero parang ang gaan-gaan sa loob ko.
Hanggang sa nakita ko siya.
Naka-tayo sa gate si Aldren. Para akong nakalimutan huminga. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman? At anong ibig sabihin ng pagkakatayo niya doon—baka sinadya lang niya o baka… baka naghihintay talaga siya?
Bumilis ang tibok ng puso ko na parang kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot, pero isang bagay lang ang sigurado—gusto ko siyang lapitan.
“A-Aldren…” Napahina ang boses ko nang lumapit ako sa kanya. Pero alam mo ‘yung pakiramdam na kahit simpleng salita lang, parang lahat ng emosyon ay nandoon na?
“Hi,” sagot niya, at sa wakas, ngumiti siya.
Napatingin siya sa akin, medyo nagulat, pero alam kong naramdaman niya ang sinseridad ko. Hindi ito simpleng “sorry” na parang basta na lang sinabi. Ito ‘yung klase ng sorry na hinuhugot sa kaibuturan ng puso—punong-puno ng pagmamahal, pangungulila, at pag-asa.
Ngumiti siya. Isang ngiti na matagal ko nang hindi nakikita, pero palagi kong inaasam.
Pumasok kami sa loob ng bahay, at parang may kung anong liwanag na sumabay sa bawat yapak namin. Simple lang ang kwarto, pero parang naging kumpleto na dahil sa presensya niya. Ang tagal naming nag-usap. Walang humarang sa mga salita—parang isang salamin na basag dati, pero ngayon ay unti-unting binubuo ulit.
Ang daming kong gustong sabihin, pero sa dami, hindi ko na alam kung paano sisimulan. Kaya ang unang lumabas sa bibig ko? “Sorry.”
“Airo,” mahinang sabi niya, pero parang musika sa tenga ko. “Tapos na ang lahat ng pangit. Pwede na tayong magsimula ulit.”
At sa araw na iyon, nagsimula ulit ang lahat.
“Natatandaan mo ba ‘yung unang beses nating nagkita?” tanong niya habang nakaupo kami sa sofa.
“Oo naman,” sagot ko. “Ikaw kaya ang pinaka-maangas na tao sa school natin eh."
Napatawa siya, ‘yung tawa na kay tagal kong hindi narinig. Hindi ko maiwasang tumawa rin, kahit sa gitna ng napakasimpleng pag-uusap.
“Alam mo, Airo,” sabi niya, “hindi ko alam kung paano kita muling makakasama. Pero alam kong ito ang gusto ko.”
Tumango lang ako. Hindi ko na kailangan ng mga komplikadong paliwanag o pangako. Nandito siya, at nandito ako. Sapat na iyon.
Pagdating ng gabi, sabay kaming humiga sa kama. Dati, mag-isa lang ako dito. Nasanay na ako sa katahimikan, sa malamig na unan, sa kuwentong sarili ko lang ang nakakarinig. Pero ngayon, nandito siya.
Pareho kaming nakayakap sa iisang kumot. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko, ang dahan-dahang paghinga niya na parang sinasabi, nandito na tayo.
“Good night, Airo,” mahina niyang sabi, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita.
“Good night, Aldren,” sagot ko, at doon, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, naramdaman kong buo ulit ako.
Hindi ko alam kung ano ang darating bukas, pero isa lang ang tiyak—handa akong harapin ang kinabukasan kasama siya. Magkasama naming aabutin ang pangarap, ang mga araw na puno ng saya at kwento.
Mula sa araw na ito, simula na ulit ang bagong kabanata naming dalawa. At alam kong magiging masaya. Napakasaya.
Parang lahat ng pangit na nangyari ay iniwan na namin sa nakaraan, tulad ng isang lumang aklat na isinara na. Ang sakit, takot, at pagkakamali—lahat iyon naging parte ng kwento, pero ngayon, bagong pahina na ang isusulat.
Kinabukasan, nagising akong naririnig ang mahinang hilik ni Aldren. Isang tunog na dati’y hindi ko aakalain na mamimiss ko ng ganito. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang mukha niya, bagamat pagod mula sa mga pinagdaanan, ay payapa na. Ang init ng araw na sumisilip mula sa bintana ay dumadampi sa kanyang pisngi, at parang sinabi nito sa akin, “Ito na ang simula, Airo. Ito na talaga.”
Naghanda ako ng agahan habang masaya kong kinakanta ang kahit anong maisip kong kanta. Hindi naman ako magaling kumanta, pero parang espesyal ang araw kaya hinayaan ko na lang. Sinangag, itlog, at tuyo—paborito ni Aldren. Nang umupo siya sa mesa, mukhang nagulat siya.
“Wow, may ganito ka palang talento,” biro niya habang nakatingin sa niluto ko.
“Aba, hindi ako nagbibiro sa pagkain,” sagot ko, kunwari’y seryoso. Tumawa siya, at sa sandaling iyon, ang bigat ng nakaraan ay tila naglaho na.
Pagkatapos ng agahan, naglakad-lakad kami sa park na malapit sa bahay. Parang ang gaan-gaan ng paligid—ang hangin, ang sikat ng araw, at kahit ang mga batang naglalaro sa paligid. Nag-uusap kami tungkol sa lahat at wala rin—mga plano, mga pangarap, at mga simpleng bagay na gusto naming gawin.
“Airo,” sabi niya, habang nakahawak sa kamay ko. “Pwede ba tayong magsimula ulit? Alam kong mahirap, pero gusto kong subukan ulit. Gusto kong buuin ulit ‘yung nawala.”
Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa kanya. Sa mga mata niya, nakita ko ang determinasyon, ang pag-asa, at ang pagmamahal na kahit kailan hindi nawala.
“Hindi natin kailangang magsimula ulit, Aldren,” sabi ko. “Ipagpapatuloy natin ito. Hindi na tayo babalik. Ang mahalaga, magkasama tayo.”
Ngumiti siya, at sa ngiting iyon, alam kong tama ang lahat.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang ganitong kasiyahan. Wala namang perpektong relasyon, pero isang bagay ang natutunan ko: ang pagmamahal ay hindi lang tungkol sa tamis ng simula, kundi sa tapang na magpatuloy, kahit mahirap, kahit masakit.
At sa ngayon, sapat na ito. Ang bawat araw na kasama si Aldren ay panibagong pagkakataon para maging masaya, para matutong magmahal ng buo.
Mula sa araw na ito, simula ulit kami. Magiging masaya kami.
BINABASA MO ANG
Everyday, Every moment, Every You.
RomantizmLumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitn...