Alas kwatro ng hapon nang tumunog ang bell. Uwian na. Napabuntong-hininga ako habang nag-aayos ng gamit. Si Roanne naman, gaya ng nakasanayan, nagkukwento ng kung anu-ano habang sabay kaming lumalabas ng classroom.
“Teh, nakita mo ba si Airo kanina? May kasama siyang babae. Feel ko, iyon ang girlfriend niya. Alam mo, baka kaya lumipat siya dito para bantayan 'yun,” sabi niya habang naglalakad kami.
“Siguro nga,” sagot ko nang maikli, pilit nilalabanan ang kiliti sa puso na naramdaman ko kanina pa.
“By the way, anong plano mo sa assignment natin? Parang excited ka na namang gumawa ng essay, no?” panunukso niya.
Napangiti ako. Hindi ko man aminin kay Roanne, masaya talaga akong mag-sulat. Sa totoo lang, iyon na yata ang isa sa mga bagay na hindi ko kailanman pinagsasawaan. Sa tuwing may writing contest, ako lagi ang unang pinipili ng mga guro. Sabi nga nila, ramdam daw ang emosyon sa bawat linya ng sinusulat ko.
“Wala pa akong idea, pero baka mamaya kapag nasa mood na ako,” sagot ko, kunyaring walang gana.
“Hay, ikaw pa ba? Alam kong sa huli, ikaw na naman ang magiging bida diyan!” aniya bago kami huminto sa paborito naming fishball stand.
“Usual order niyo ba, Roanne at Aldren?” tanong ni Manong Jay habang tinutusok ang mga fishball.
“Oo, kuya. Dagdagan mo na rin ng kikiam,” sagot ni Roanne.
Habang nag-aantay, napansin ni Manong Jay na tila malalim ang iniisip ko.
“Parang malayo ang tingin mo, Aldren. May problema ba?” tanong niya.
“Manong Jay, bigyan mo naman ako ng magandang title,” sagot ko.
Napailing siya at tumawa. “Ikaw talaga. Tuwing may essay ka, ako agad ang nilalapitan mo. Sige na nga. Tungkol saan ba ang topic niyo?”
“Acceptance daw po,” sagot ko habang iniisip ang tamang anggulo ng kwento.
“Acceptance? Hmm… ano kaya kung gawin mong ‘Jar of Aldren’ ang title?” suhestiyon niya.
“Bakit may pangalan ko?” tanong ko, natawa sa kakaibang ideya.
“Imagine mo, may jar ka kung saan inilalagay mo lahat ng problema mo, mga bagay na hindi mo masabi sa mundo. Pero kahit anong gawin mo, hindi mapuno ang jar kasi natututo kang solusyunan ang bawat isinusulat mo.”
“Ganda nun, Manong Jay! Parang metaphor siya ng journey mo sa pagharap sa buhay,” sabi ni Roanne na halatang natuwa rin.
Napangiti ako. “Salamat, Manong Jay. Mukhang may essay na ako mamaya.”
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami kay Manong Jay. Habang naglalakad pauwi, hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Airo.
“Sabi ni Manong Jay kanina, parang may mabigat na problema si Airo. Napansin mo ba iyon?” tanong ko kay Roanne habang nasa jeep.
“Hmm, baka magaling lang siyang magtago. Pero bakit concern ka?” tanong niya pabalik, patawa.
“Wala. Curious lang.”
Sa may kanto, nakita ko si Airo. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nagpaalam kay Roanne.
“Teh, mauna ka na. May kukunin lang ako,” sabi ko bago bumaba ng jeep.
Tinawag ko si Airo at kinalabit ang balikat niya. “Airo! Uy, ikaw pala.”
“Aldren? Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, halatang nagulat.
“Uwi. Dito ka rin ba nakatira?” tanong ko, pilit sinisimulan ang usapan.
“Oo. Naka-apartment lang ako malapit dito,” sagot niya.
BINABASA MO ANG
Everyday, Every moment, Every You.
RomanceLumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitn...