Maaga akong umalis ng bahay ngayon para samahan si Roanne mamili ng bagong sofa. Sa totoo lang, wala naman talaga akong interes sa sofa. Pero hindi ko kayang tanggihan si Roanne. Matagal na kaming magkaibigan, simula pa noong college, at siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay—kasama na ang mga araw na halos hindi ko kayanin.
"Anong itsura ng sofa ang bibilhin mo?" tanong ko habang naglalakad kami sa kahabaan ng mall.
"Aesthetic," maikli niyang sagot.
Napakunot ang noo ko. "Hindi ka na bata para gayahin ang mga bagay na gusto nila."
"Hay, ano ka ba. Mas maganda na iyong nakikibagay tayo sa mga kabataan ngayon," saad niya, sabay takbo papunta sa isang hilera ng mga sofa.
Sinundan ko siya. "Maganda ba itong kulay brown?" tanong niya, hinihimas ang armrest ng isang sofa na halatang bago at mahal.
"Pwede na. Hindi halatang mabilis madumihan. Dugyot ka pa naman," sagot ko, walang kagatol-gatol.
"Hoi! Bunganga mo naman. Maka-dugyot ka, akala mo hindi mo pinunas sa uniform mo iyong sipon mo dati," pang-aasar niya.
Napatawa ako. Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ang isang araw noong college kami—pauwi galing school, malakas ang ulan, pareho kaming walang payong. Basa na kami pareho, at tumutulo na ang sipon ko. Wala akong choice noon kundi ipunas iyon sa uniform ko.
"Siraulo ka," sabi ko, pilit na pinipigil ang tawa.
Tumatawa kami habang tinitingnan ang iba’t ibang disenyo ng sofa. Masaya ang ganitong simpleng tagpo. Pero sandali lang pala iyon.
"Iyan ba iyong jowa ni Jexh?"
Tumigil kami sa paglalakad. Napaangat ako ng tingin sa boses na iyon.
Nagkatinginan kami ni Roanne. Sinenyasan ko siyang magpanggap na wala kaming naririnig. Ngunit mahirap itanggi na masakit ang biglaang pagsulpot ng pangalan niya.
"Girl! Anong nagustuhan niya jan? Tignan mo, napakapayat! Parang isang ubo na lang eh kukunin na siya ng mundo! Hahaha!"
Si Ram iyon. Walang duda. Dalawang beses ko nang narinig ang boses niya—at ang ganitong klase ng tawa.
"Pwede bang mag-ingat ka, baka marinig ka niya," sabi ng isa pang boses.
"Wala akong pakialam kung marinig niya. hindi ko nga alam kung bakit nag titiis pa si Jexh sa kaniya. Tignan mo nga, parang hindi deserving!"
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na huwag pansinin, pero ramdam ko ang mga salita nilang parang kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa puso ko.
"Aldren, ano palang plano mo sa 8th anniversary niyo ni Airo?" tanong ni Roanne, pilit na binabaling ang atensyon ko sa kanya.
Huminga ako nang malalim. "Siguro gagawin ko na lang ulit iyong ginawa ko noon," sagot ko.
"Huwag mong sabihing—"
"Oo, iyon na."
"Hala! Naeexcite ako! Alam mo namang buong school ang napasaya mo nung ginawa mo iyon sa kaniya dati. Diba iyon ang dahilan kung bakit mas minahal ka ni Airo? Hindi nga kayo tatagal ng walong taon kung hindi mo iyon ginawa!"
Napangiti ako, pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. Sa kabila ng mga alaala, ramdam ko ang pagbigat ng loob ko.
"8 years? Sila? Akala ko mag-iisang buwan pa lang!" sabi ng isa sa likod namin.
"Girl, halika na. Hayaan mo na iyan. Baka alam niyang sinusundan natin kaya kung ano-ano ang sinasabi."
Lumingon ako at nakita ko silang mabilis na naglalakad palayo.
BINABASA MO ANG
Everyday, Every moment, Every You.
RomanceLumaki si Aldren sa kasabihang, "Everyday is a new blessing that we should be thankful for." At totoo naman iyon, hindi ba? Araw-araw siyang bumabangon mula sa mga pagod, sakit, at hirap ng mundo. Pinipilit niyang makita ang kagandahan kahit sa gitn...