WARNING:
Mention of Illegal Drugs°°°
ALEXSANDREA
Pinanood ko lang siyang umalis ng parking lot at hindi ako lumapit. Hinintay ko siyang makasakay ng elevator bago ako lumabas sa kinapupuwestuhan ko.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako nakahinga ng maluwag. Sa totoo lang, parang nakalimutan ko pa lang huminga ng hindi ko namamalayan.
Mayroong parte sa akin na napanatag ng malamang pinaalis ni Goliath si Arthur.
Hindi naman nagtagal ay umuwi na din ako sa unit, pagpasok ko palang ng pinto ay nagulat pa ako na nakatayo sa harapan ko si Lia.
"Babe! Oh my Gosh! I'm so worried!"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko gamit ang magkabilang kamay niya at tiningnan ang kabuuan ko na parang nag - iinspeksyon.Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang siya.
"Where have you been? muntik na 'kong magreport sa mga pulis."
"I'm okay....Nagpahangin lang."
Pinilit kong kalasin sa pagkakahawak ang mga kamay niya at dumiretso nasa taas.Anong oras na ba?
Walang lingon akong dumiretso sa kwarto para kumuha ulit ng gamit at dinala iyon sa home office. Nandoon parin kasi sa kwarto ang ibang gamit ko dahil wala akong oras kuhanin at ilipat lahat iyon dahil masyado akong abala sa trabaho.
Parang tanga diba?
Oo alam ko.Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit at napagtanto kong madaling araw na pala.
Buti na lang walang pasok kinabukasan.
Mahaba - haba ang pahinga ko.Kasalukuyan akong nakaharap sa kabinet ng maramdaman ko ang dalawang bisig na nakapulupot na ngayon sa bewang ko.
"Please let's stay like for a moment."
Mahinang pakiusap niya sa akin.
"I badly needed to take a bath."
Sabi ko habang sinusubukang alisin ang mga braso niya." I still hug you, even if you haven't taken a shower for days."
Hindi niya ako pinakawalan, nakayakap lang siya sa likod ko habang naririnig ko ang mahinang paghikbi niya.
"I'm sorry......a— alam kong hindi k— kayang alisin ng isang 'sorry' lang ang lahat ng nararamdaman mo pero s— sasabihin ko parin.....I'M REALLY SORRY!"
Humahagulgol ngayon siya sa likod ko."Goliath."
Masakit.
Masakit para sa'kin na naririnig ko siyang umiiyak — Hindi ko pa rin kaya."Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa'yo, kahit ano gagawin ko para lang bumalik tayo sa dati, Alexsandrea.....b—babe."
Nangilid na ang luha ko ng tuluyan.
Tumingala ako para sana pigilan ang pag - iyak pero nabigo pa rin ako at tuluyan ng naglandas ang mga luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...