DALAWANGPU'T SIYAM (UNANG BAHAGI)

1.1K 25 4
                                    

ALEXSANDREA


"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight *** with service from Manila to Paris. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing ___________  Airlines. Enjoy your flight."




Siguro naman hindi na mahirap hulaan kung nasaan kami ngayon diba?
Paris, France here we go!




Sa sobrang excitement ay hindi ako nakatulog ng maayos, wag n'yo ng itanong ang lagay ng katabi ko na naka-sleeping mask na agad.




Ang bongga mag-regalo ni Goliath no? Resort nung birthday ko, tapos may pa date sa yacht, at ngayon naman trip to Paris —
sige lang, okay lang maiinggit haha.





Kaya nga na-pressure ako sa kung ano ang ibibigay kong regalo sa kanya, hindi ko kasi alam kung ano pa ang maibibigay ko sa kagaya n'yang mayaman at halos lahat na yata ay kaya niyang bilhin.





'Wag nating pag-usapan ang Net Worth niya dahil malulula tayong pare-pareho.
Siya yung tipo na kayang itanong sayo yung
'Magkano ka?' oh diba?






Kaya nga ginamit ko lahat ng braincells ko para sa di malilimutang regalo para sa kanya.
Gusto ko yung talagang hindi n'ya malilimutan.
Gusto n'yong malaman?




Ganito kasi yun.




FLASHBACK



Sobrang pinag-isipan ko talaga itong pinaplano kong gawin para sa kanya.
Anniversary namin kaya dapat all - out.
I wanted to do something special to her to show my love and appreciation.




And anong naisip ko? tada—POLE DANCE!



Hindi ko nga lang inaasahan na mapapaaga ang pagsasagawa ng plano, mabuti nalang at naayos naman agad ang lahat.





Kasi naman nasurpresa ako sa pa trip to Paris n'ya kaya deserve ng baby ko ng reward.





Sobrang kinakabahan ako sa gagawin ko, sa totoo n'yan ilang linggo ang naging paghahanda ko para dito. Nag-take pa ako ng pole dancing lessons para perfect ang kalabasan ng mga routine.





Eh nasaan na ba ang magiging VIP audience ko? nasa office pa, nauna akong umuwi para lang dito at kinuntsaba ko pa ang sekretarya ko—deserve talaga ni Kamila ng pasalubong from Paris hahaha!

David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon