TATLUMPU'T TATLO

1.1K 30 16
                                    

ALEXSANDREA



Isang linggo.
Isang linggo na ang nakakalipas ng makalabas ako ng ospital.



BAHAY — TRABAHO yun lang ang schedule ko.
Wala akong oras para magpahinga.



Magmula ng mag-leave si Goliath ay ako na ang sumalo ng trabaho niya bilang CEO.
Si Sir Alfonso naman ay ang acting - chairman habang hindi pa pwede si Goliath.



Actually, kahit hindi na siya nagtatrabaho sa opisina ay sinisigurado niya pa din na updated siya sa mga nangyayari sa kumpanya.



Well, sa pamamagitan iyon ng executive assistant niya na si Ate Mich.
Siyempre, dahil nalipat na ako ng posisyon ay ganun din ang opisina ko. Ako na ngayon ang umokupa ng dating opisina ni Lia, iba na rin ang elevator na gamit ko at higit sa lahat nandito na rin si Kamila na ngayon ay secretary na ng CEO.





"Kamila, please tell Mendez to come here."
Sean Mendez, ang bagong CMO.



Ang totoo niyan ay maraming nag - aakala na ang Department Head ang ilalagay ko sa pwesto, pero nung minsan na nagkaroon ng meeting ay si Mendez ang ginawa kong candidate.





Tamad kasi talaga ang Head na iyon at nakaasa lang sa trabaho ng dati nilang Senior Marketing Manager.




Alam ko ang kalokohan ng Head na yun, sa kanya lahat ng credits kahit hindi n'ya trabaho.
Kaya lang naman hindi maiaalis ang isang iyon sa kumpanya ay dahil nakilala noon ni Chairman Alfonso ang pamilya nito noong nagsisimula palang siya.





"Coffee? Ipagtitimpla kita."
Sabi ni Kamila ng pumasok siya sa opisina.



"Just give me a glass of water and pain killer, Kamila."




Napasandal ako sa aking swivel chair at mariing napapikit. Hindi ko inaakala na ganito pala ang araw-araw na trabaho ni Goliath.






"Miss Rei, pinatawag n'yo daw po ako."
Si Sean.




"Any progress about the reports I asked you to do?"
Diretso ko lang itong tiningnan.




"Well, I still need to do a few revisions but I'll send it today."
Sagot naman nito.





"Great."
Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa taong ito, maasahan sa trabaho. Bukod sa madaling natatapos ay metikuloso din ito, kadalasan ay bahagya na lamang ang mga itinatama ko sa nga inutos ko sa kanya.





"Ma'am?"
Hindi pa ito umaalis sa harapan ko at nag-aalangan pang magsalita.




"Why? you need anything?"
Hindi ako tumitingin sa kanya dahil may mga papeles akong kailangan basahin.





"Ahm, kasi po eh "






"Mr. Mendez, kung may sasabihin ka ay sabihin mo para makabalik ka na agad sa trabaho."





"K-kasi po birthday po ng Mommy ko ngayon, kasabay po nun ay ang kaunting salu-salo para din po sa naging promotion ko...G-gusto po kasi ng pamilya ko na makilala kayo ma'am, pa-thank you na din po."
Nakayuko lang ito at tila ba kinakabisado ang disenyo ng sahig nag opisina.






Sus!




"Thank you for the invitation Mendez, but I am not really sure kung pu - pwede ako, may dinner meeting din ako mamaya na pupuntahan....but please, send my regards to your mother."
Tipid na ngumiti lang ako dito at ibinalik sa mga papel sa harapan ang tingin.





David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon