ALEXSANDREA
NAKAKAINIS!
NAKAKAPIKON!
NAKAKABADTRIP!
Iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa dito sa home office.Opo, dito mismo sa home office at hindi sa kwarto namin ni Goliath.
Bakit?
Siyempre may toyo si Giliana at pinalabas ako na naman ako ng kwarto namin.
Oo nga pala, mga tatlong buwan na din simula nung nagbakasyon kami sa Paris—na huli ko ng nalaman na regalo pala talaga sa'min ni chairman noon.
Sa loob ng ilang buwan na iyon ay mas naging abala kami sa trabaho lalo na at ilang oras lang at malapit na kami sa anniversary event na talagang pinagplanuhan ng husto.
Masyadong espesyal ang ika-25 anibersaryo ng kumpanya dahil ayon mismo kay chairman ay dito niya balak inanunsiyo na magreretiro na siya at ipapasa na ng tuluyan kay Giliana ang pamamahala sa lahat ng negosyo ng pamilya nila.
Sa kasalukuyan kasi ay dumadaan parin sa opisina ng chairman ang mga importanteng desisyon sa kumpanya kahit si Giliana pa ang halos nagpapatakbo nito.
Pagdating ng araw na iyon ay mamimili ang board kung sino na ang papalit naman kay Lia bilang CEO.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit hinihintay ko ang pagdating ng araw na iyon.
May iba pa akong pinaghahandaan bukod sa pagiging chairperson ni Goliath, yun ay ang bilin ni chairman na sa araw na iyon ay mas makabubuti kung umamin na kami sa totoong estado ng aming relasyon.Hindi daw kasi maganda na patatagalin pa namin lalo ang paglilihim lalo pa at hiniling din ni Dad na tulungan ko si Lia sa pamamahala sa kumpanya.
Lalo pa ngayon at mukhang mas magle - level-up ang pwesto ko sa kumpanya.
Opo, tama.Bukod sa Trip to Paris ay binigyan ako ng mag-amang Gomez ng hindi malilimutang regalo, iyon ay ang share sa kumpanya—shareholder na rin ako, pero pormal daw akong ipakikila sa event mismo.
Sobra-sobra ang kaba ko noong ipakita nila sa akin ang papel na naglalaman ng shareholders agreement na may nakasulat na pangalan na sinang-ayunan din ng iba.
Sila mismo ang nag-ayos ng lahat ng dokumentong kailangan para sa pormal na pagsasalin sa pangalan ko ng ilang bahagi ng kumpanya.
Tinanggihan ko talaga 'yan nung time na 'yon kasi syempre nakakahiya, parang ang kapal ng mukha kong magkaroon ng share eh wala akong na-invest. Ibibigay po din naman ang isandaang porsiyento ko sa kumpanya dahil mahal ko ang trabaho ko.
Pero dahil may pinagmanahan si Lia, ay natalo ako sa usapan. Mas maganda daw na kasama ako sa board para mas matulungan ko ang anak niya sa pamamahala.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nasa home office ngayon.
Tinotoyo na naman si lady boss kaya nandito na naman ako.
Take note, na naman!Halos ilipat ko na ang lahat ng gamit ko dito sa home office dahil sa dalas kong manatili dito.
Ilang linggo na kasi kami ni Lia sa away-bati na sitwasyon. Hindi ko alam ang trip n'ya at laging ako ang nakikita. Sabagay, wala siyang choice dahil dalawa lang kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...