TATLUMPU'T ISA (UNANG BAHAGI)

1K 35 5
                                    

ALEXSANDREA

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin.


Inhale.



Exhale.



Sa gabing ito mismo mababago ang takbo ng buhay ko.




Matapos akong ayusan ng Make-up Team na pinadala ng mga Gomez ay nagsi-alis na sila.
Agad naman akong tumawag ng taxi na masasakyan papunta sa event.



Habang daan ay patuloy na naglalakbay sa isip ko ang lahat ng nangyari sa nakalipas na mga taon.





Ang panahon kung paano ako inalok na tulungan ng dean noon sa kolehiyo, hanggang maging intern at maging ganap na empleyado ng kumpanya. 





'Time flies so fast.'





Totoo naman.




Naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ng driver para sabihin na nakarating na pala kami sa venue.




"Andito na po tayo Ma'am"





"Eto po bayad ko kuya, salamat po."
nakangiting ani ko sa kanya at iniabot ang perang pambayad.



"Ma'am sobra po ito."
Akmang iaabot muli nito sa akin ang pera.





"Ok lang po kuya, keep the change na po."
inayos ko ang sarili saglit pagkatapos ay bumaba ng sasakyan.



"Salamat po Ma'am. Mag-ingat po kayo."
pagkasabi noon ay agad itong umalis na.






Hindi pa ako gaanong nakaka-hakbang ay siyang pagtunog ng cellphone ko.




Goliath Calling.......





"Hello— "
wika ko agad pagka - sagot ng tawag.





("Where are you? sabi ni Dad tinanggihan mo yung offer n'ya na limousine.")





"Ah oo, siguradong pag-uusapan kasi ako sa opisina kapag yung napakagandang kotse ang ipanghahatid n'yo."





(" 'Hmkay, By the way, after the event mag-usap tayo, ha?")




"Oo sige?"
Nagtunog patanong din ang naging tugon ko sa kanya.





("I love you, so much")





"I love you too, bye."




Naglakad naman ako hanggang sa entrada ng hotel, may mangilan - ngilan pa ring bisita ang hindi pa pumapasok.



Grabe! Halos tumulo ang laway ko sa sobrang engrande ng setup nila ngayon.

Grabe! Halos tumulo ang laway ko sa sobrang engrande ng setup nila ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon