SIMULA

53.7K 881 13
                                    

Marami po ang mali dito, grammar at typos.... sorry ahead. 

SIMULA

Ako si Marie, vocational course lang ang natapos ko sa isang pampublikong unibersidad. Food Processing ang major ko. Mahilig akong magluto kaya naman habang nagtatrabaho ako sinasalihan ko rin lahat ng free tesda training. Marami na akong natapos na training at may NCII na ako sa Bread and Pastry, at NCIII naman ako sa Cookery. Kaya naman kahit vocational lang ang natapos ko madali rin akong nakahanap ng trabaho.

Bente-quatro anyos palang ako ngayon, nagtatrabaho ako sa isang malaking restaurant bilang assistant cook. Taga hiwa at taga handa ng sangkap yan lang ang trabaho ko. Tama lang ang sweldo, nakakaluwag lang ako kung may mga racket kami.

Tulad ngayon may event kami, sinasama ako ni Chef lagi para raw makabisado ko ang lahat sa pagluluto. Isa itong kasal ng kaibigan ng boss namin at kami ang kinuha nila para sa food and beverages.

"ang gara naman nitong kasal na to" sabi ni Alvin na nakatingin sa taas, ang kaibigan kong bakla na isang waiter, mali head ng mga waiters.

"oo nga, kaya lang medyo ang kulang ang decoration sa stage, nabongga ata ang ceiling pero ang stage nakulang" sabi naman ni Grace na magaling sa hall deco, NCII na rin sya dyan.

"hoy, ano ba kayo hali na nga kayo?" hinila ko sila papuntang kusina kung saan kami magluluto. Silang dalawa ang incharge sa food distribution.

"sandali lang, selfie muna tayo" sabi ng baklang si Vince na agad namang binunot ang bago nitong cellphone at pumwesto naman kami.

"yung ceiling lang bakla ang kunin mo huwag yung stage, ang badoy ng arrangement at deco nila" bulong ni Gracia sa bakla naming kaibigan na syang nagpatawa sa kanya.

"oo na, if i know pag-aaralan mo lang naman ito at gagayahin sa susunod" sagot naman nito.

"huwag kang maingay!" agad na saway ni Grace sa kanya.

Nagselfie-selfie kami habang hindi pa kami nag-uumpisa sa pag-aayos. Mamayang gabi ang kasal kaya mamaya pa kami magsisimulang magluluto.

Nakita ko si Chef, agad akong lumapit para tanungin kong ano na ang pwede naming gawin.

"magsimula na tayong magbalat ng mga ricados" sabi nya sa aming apat na dinala nyang assistant pero ang tatlo mga waiter talaga yun, mabilis kasi silang gumalaw kaya dinala narin sila ni Chef.

"ikaw Marie, magsimula kanang magbalat ng shrimp at ihanda mo narin agad ito para mamaya mag piprito nalang tayo" utos ni Chef na syang agad na hinanap ko sa mga boxes na dala namin.

Nabalatan ko na ito kahapon kaya naman ngayon ibabalot ko nalang ito sa flour at bread cramps para gawing sweet camaron mamaya.

Tahimik kaming nagtatrabaho sa kusina nang pumasok si Sir Luke, ang boss namin.

"Chef pwede ba kaming magpaluto ng lunch?' tanong nya kay Chef na busy sa kakatimpla ng sauce.

"oo, para sa ilan Luke?" tanong naman ni Chef pabalik kay Boss.

"for five Chef" sabi nito.

"si Marie na ang magluluto" sabi ni Chef at tinitigan ako at tumango nalang ako. Napalipat ang tingin ko kay Boss na gwapo at ngumiti sya sa akin.

"three dishes Marie" sabi nya at agad na tumalikod. Nakita kong natawa si Chef kaya naman nangunot ang noo ko sa tawa nya.

"that's the reason why i brought you here, kilala ko si Luke ayaw nyang kumain ng hindi nya kilala ang nagluto" at napailing sya.

"chef naman ginisa mo naman ako, anong iluluto ko?" tanong ko kay Chef. Matanda na si Chef at matagal narin syang nagtatrabaho sa restaurant nila Boss simula pa nong bata pa ito hanggang sa ngayong sya na ang nagmana at namamahala nito.

"ikaw anong gusto mong iluto ngayon?" alam na alam ni Chef na mas gusto kong magluto kapag walang utos na putahe. Napangiti ako nang makita ko ang ngiti ni Chef habang naghahalo ng kung anong ingredient sa inihahanda nya,

Naisip ko na itatry ko na ngayon yung bagong nakita ko sa TV last week. Hehehehehe, hindi naman siguro nila alam kung ano yun diba?

Inihanda ko na ang mga sangkap, medyo dinamihan ko ng kunti para din may maulam kami. Nagmadali ako kasi baka maging  malnourished na si Boss kung magpaka feeler chef pa ako.

Nang matapos ko nang ihanda at iplate-in ang tatlong putaheng niluto ko. Ay agad ko ring pinasuyo kay Vince na ihatid itong pagkain kina Bossing sa cottage na tinatambayan nila.

Masaya ako kasi kahit si Chef naimpress sa sarap ng luto ko. 

Please vote and comment!

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon