CHAPTER 13
MARIE's POV
Umaga na nang matapos ang inuman nila sa labas. Sa akin matutulog si Eric dahil dito natulog ang mga binata kong pinsan na kaedad ni JB, maaga daw silang maliligo sa Talon bukas.
Kumatok sya sa kwarto ko, agad ko na mang pinagbuksan. Kumuha sya ng towel at agad na pumunta ng banyo para maligo.
Pagbalik nya, lumabas ako para makapagbihis sya. Naamoy ko ang body wash ko sa kanya. Pagpasok ko, nakatayo sya sa pinto. Isinara nya ito at nilock.
"matulog kana" sabi ko at inihanda ang unan na gagamitin nya.
Nahiga narin agad sya at ganun din ako.
"merry christmas" sabi nya habang magkaharap kami. "thank you for this vacation" dagdag nya pa. Ngumiti lang ako at tumango.
"i love you so much hon" sabi nya sabay halik sa mga labi ko. Humalik narin ako at niyakap sya. "i love you too".
pinagmasdan ko syang nakangiti ngunit nakapikit ang mga mata sa antok dulot ng kalasingan, namumula ang pisngi nya at magulo ang buhok. Parang malayo sa kinasanayang kong nakikita na laging maayos.
umusog ako palapit sa kanya at ramdam ko ang pagbalot ng braso nya sa beywang ko. tahimik kaming natulog na magkayakap.
........
Kinabukasan, maaga siyang ginising ni JB para maligo sa talon. Excited naman ito masyado. Nagpaiwan ako para ayusin ang mga gamit namin na dadalhin pauwi ngayong araw.
Gamit ang sasakyan nya, maingay na nagsisakayan ang mga pinsan kong binatilyo sa loob, pinagkasya nila ang mga sarili nila kahit masikip na sila.
Lumarga sila kasama ang dalawang bata na sina tinay at boboy. Kasama rin si Tiyo na syang magbabantay sa dalawang bata.
Nagbalot ako ng letsong pabo, patutin at arroz valenciana na buong gabi kong nilagay sa freezer para hindi masira sa byahe. Nagustuhan nya ito kagabi kaya naman nagtabi ako para makain namin pagbalik sa syudad.
Tanghali na nang makauwi sila, ibinaba daw muna nila sa barrio ang mga pinsan namin bago sila umuwi.
Halatang naenjoy sya kasi hindi mawala ang mga ngiti sa mukha nya.
Mag-aalas onse na nang magpaalam kaming aalis na. Nalungkot si JB sa pag-alis namin. Mahigpit ang yakap nya sa akin at kay Eric. Napaluha naman si Nanay sa pagpaalam ni Eric mamimis nya raw ang kagwapuhan nito.
Seryoso naman si Tatay at Tiyo sa pagpapasalamat at pagpapaalam sa kanya.
Buong byahe kaming nagkwentuhan at nag-usap. Nakangiti syang nagmamaneho. Gusto daw nyang bumalik sa kaarawan ni JB sa susunod na buwan. Napailing nalang ako at napangiti.
Siguro any naantig ni JB ang puso niya kasi puro ang kapatid ko ang pinag-uusapan namin.
..........Hindi kami sa bahay bumaba, sa isang mataas na building kami pumasok at sa baba nito sya nagpark.
Pagkababa, kinabahan ako kasi bakit dito kami bumaba. Dinala nya ang mga bag namin at papasok ng building. Nakikita ko na bumabati ang bawat impleyadong madaanan namin. Kakaiba naman itong si Eric dahil nakangiti at nakataas ang isang kamay na parang politician.
Pagpasok ng elevator, may pinindot syang button top ang basa ko. Hinayaan ko nalang sya. Bago pa bumukas ang pintuan ng elevator, hinawakan nya na ang mga kamay ko.
Pumasok kami sa isang malaking pintuan. "welcome to my home" sabi nya at agad akong hinalikan sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Magarang sofa, magagandang paintings, kesami, chandelier at kung ano pa.
Hinila nya ako papasok at nakita ko ang kabuuang ganda nito.
"dito ka nakatira?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya niyakap ako. "dito tayo titira pansamantala" sabi nya. "hanggang matapos ang pinapatayo kong bahay" bulong nya sa tenga ko.
"nakakahiya naman. Pwede sa bahay nalang ako matutulog?" nahihiya kong tanong.
"diba may usapan tayo, sasama ako sayo basta pagbalik, dito ka muna titira hanggang new year?" sabi nya na kina lungkot ko naman.
"ayaw mo ba sa bahay ko?" tanong nya, umiling ako "nahihiya lang ako, masyado ata itong maganda " nahihiya kong sabi.
Umiling sya. "kailangan pa bang magalit ako?" seryoso nyang sabi. Agad ko syang niyakap habang ang mga mata ko ay umiikot. "okay na hon. Dito na muna ako, heheheh" sabi ko, natawa lang din sya.
Inilibot nya ako sa buong bahay, sa kusina at sa veranda. Sa mga kwarto din.
Nauna siyang maligo sa akin kasi nag-ayos pa ako ng mga ulam na dala namin at nilagay ko pa ang mga ito sa lalagyan.
Pagkatapos nya ay sumunod naman ako sa banyo. May inabot sya sa aking bathrobe na may pangalan ko. Natawa ako at kinilig dahil sa surpresang ito. naplano nya nga talaga ang pagstay ko dito. Hehehehe.
Paglabas ko ng banyo agad nya akong hinila sa kama. Hinalikan ng puno ng pagmamahal.
Paulit-ulit syang nagsambit ng "i love you".
Kinalas nya ang bathrobe ko at agad ko naman itong hinawakan. Nakaramdam ako ng takot sa mga halik nya. Alam ko ang gusto nyang mangyari ngunit hindi pa ako handa sa tulad nitong sitwasyon.
Bigla niya akong niyakap ulit mahina nyang sinabi "sorry? Nadala alang ako" at agad akong hinalikan sa noo.
Naiwan akong nakahiga sa kama habang pinapanuod syang lumabas sa kwarto.
Nakabihis na ako, ngunit hindi pa sya nakabalik. Nahiga na ako sa bed nya at nauna nang matulog.
Nagising ako sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. Pagmulat ko ng mga mata ko wala parin sya. Agad akong bumangon para lumabas sa kwarto at hanapin sya.
Alam kong galit sya, did i frustrate him that much na hindi na sya bumalik?
Medyo madilim ang salas, ilaw lang sa deck ng bar nya ang syang nagsisilbing gabay ko para mahanap sya sa dilim.
Nakita ko syang mahimbing ang tulog sa isang parang bench na parang bed na sofa. Nilapitan ko sya at hinaplos ang mga pisngi nya. Napaka gwapo nya talaga.
Idinikit ko ang ilong ko sa kanyang ilong tulad ng lagi nyang ginagawa sa tuwing gusto nya akong gisingin.
Gumalaw sya ng kaunte na sya namang nagpangiti sa akin.
Inulit ko na naman ang pag-lambing ng ilong ko sa kanyang ilong at tsaka lang sya nagmulat ng mata nya.
Ngumiti ako sa kanya. Agad syang napailing at napangiti din sa akin
Niyakap nya ako at tumabi ako sa kanya sa sofa. "sorry" sabi ko at halik lang sa noo ang natanggap ko mula sa kanya.
"its okay, i know your not yet ready for it" sabi nya at hinalikan ako ulit sa noo.
"umiling ako, nabigla lang ako kanina" sabi ko na ikina tawa nya.
...............next week po ulit ako mag-update. Dont worry tapos na ito. mabagal lang talaga ang net. tnx sa pagbasa guys...
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...