Part 33

20.5K 417 5
                                    

CHAPTER 33

JOAN'S POV

Pagkatapos ng nangyari kagabi, ngayon nagkaroon na ako ng inis at galit sa puso ko para kay Eric, how he dares to betray and drop Marie, Marie the perfect wife?

"uy Marz, baka mapudpod ang pasta" pag-agaw ni Kristy ng atensyon ko.

"ay, sorry na carried away lang" sabi ko at inayos ang pagluto ng pasta.

Sunday ngayon at family time naisipan ng lahat na maglunch kami dito sa bahay para din bonding. Pampawala ng inis at pagmeetingan ang paghahanap kay Marie.

"Maam telepono po" inabot ni Inday ang wireless telephone namin sa akin.

"hello" sabi habang inaabot kay Yvet ang sandok.

[hi Jo, its me Sandy] and OB namin lahat.

"hi sandy, napatawag ka? Buntis na ba ako?" masaya kong tanong na nagpalingon sa mga kaibigan ko.

Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya, [nope, not yet dear] sabi nya.

Natawa ako, "sorry excited lang" sabi ko. "napatawag ka?" tanong ko kaagad.

[remember your friend Marie? Nagsend ako ng result sa kanila pero untill now hindi pa sya nakabalik sa akin. Hindi ko rin makontak ang number na binigay nya] - Sandy

"nagkaproblema kasi siya, hinahanap nga namin" nahihiya kong sabi.

[naku, bawal pa naman mastress yun kasi mahina ang kapit ng baby nya tsaka may history sya ng asthma, bawal syang atakihin kasi weak ang heartbeat ng baby nya] nanlaki ang mga singkit kong mata sa sinabi nya.

"OMG!" napasigaw ako. Dali-daling nagsipaglapit ang mga kaibigan ko sa akin.

"anong result ang ibig mong sabihin?" atat kong tanong sa kanya.

[kylangan nyang magpacheck-up ulit, as soon as possible kasi ayon sa huling result nya delikado ang lagay nila ng baby nya, my symptoms ng heart failure si Marie] napaawang ang bibig ko.

Kinuha ni Kristy sa akin ang phone at niloud speaker ito.

[may nakarating na medical records si Marie galing sa Doctor nya sa cardio, two years nang active na nagpapacheck-up si Marie sa kanya. They found out na nagkaroon ng heart enlargement si Marie, that is why im looking for her to follow up her check up] lahat kami napatulala sa narinig.

[the baby is in danger according to her cardio, we need to talk] dagdag pa nya.

"Sandy, kasi si Marie umalis. Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawa nya" sabi ko.

[baka pwede mo syang puntahan or kausapin Jo] - Sandy

"yun nga ang problema kasi hindi namin alam san sya hanapin" sabi ko.

[okay, sana makatawag sya sa inyo. Im worried about her condition] malungkot nitong sabi.

"okay, ill call you when we reach her" sabi ko at sabay na kaming nagbaba ng tawag.

Nabalot kami ng katahimikan.

"she's pregnant?" tanong ni Ella. "why she kept this from us?" nalilito sya sa nangyayari.

"is this her way to surprise us?" tanong ko

Umiling si Yvet, "she's happy to bare a child but she 's worried about how to tell Eric about her condition". "she tried so much to act well in our front, nung nasa getaway tayo, i saw her drinking a lot of med. Akala ko nga addict eh pero puro vitamins at gamot pala yun" disappointed nyang sabi.

"we need to find her!" desididong sabi ni Kristy. Tumango kami para sang-ayunan sya.

"she needed us now, we need to help her" sabi ko.

.......

ERIC'S POV

Nasa office ako binabasa ang proposal ng isang school na gustong magpadonate ng building sa amin. Dito napupunta ang kalahati ng tax ng kompanya namin sa pamimigay ng building sa mga public schools or colleges.

"Sir, tumawag po ang security department nagtatanong kung kelan po ang date para maerase po ang mga videos ng mga cctv" si Rose.

Sasagot na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Tim nung isang gabi.

"She was there, helplessly crying out of your office when you made a decision. She was there when your having fun fucking Monic inside your office. Asshole!"

Napahawak ako sa sentido ko at minasahe ito.

Pinindot ko ang intercom namin ni Rose.

"tell them na ibigay sa akin ang copy ng CCTV dito sa office ko."

"okay po sir" sagot nya.

Hindi nagtagal ang paghihintay ko, pumasok si Rose dala ang isang external na kung saan nandon lahat ng mga video na nakarecord sa CCTV ng office ko at labas ng office ko.

Sinimulan ko nang ifast forward ang ang video, naboard ako kasi ang tagal na ngunit wala akong Marie na nakita sa video.

Im about to press the x button at the top when i saw her standing outside my door. I play the video on its natural speed.

Nakatayo sya hawak ang paper bag. Half open ang pintuan ng office ko and damn, i was there kissing Monic. Nakatingin sya sa CCTV habang nagpupunas ng luha nya.

Napapikit ako, nakokonsensya sa ginawa kong panloloko sa kanya.

I kept on playing the video and sa mahabang pag forward, i play it again when i saw her face again. She was standing in front of my door at peeping. She moved on the side of the door and sit like a child hugging her knees. I saw how many times she wiped her tears.

Ilang besis ko syang nakita nakatayo sa door ng office ko, bakit hindi nya ako pinasok at sinugod? What make her so martyr not to fight for her rights?

I keep on playing the video, i saw her na pumasok sa office ko. I open my own copy of videos ng CCTV sa loob ng office ko, ako lang ang may hawak at makakita nito. Binuksan ko ang same date na pumasok sya sa offie ko. Yung date nito ay nasa cruise kami ni Monic.

Pinagmasdan ko sya sa mga ginawa nya. Naupo sya sa swivel chair ko at nagpaikot-ikot. Inayos nya ang frame ng picture naming dalawa na nakahiga, pinatayo nya ito at napasampa sa table ko para maging kalevel nya ang picture.

Matagl syang umupo lang sa table ko, nagfast forward ako para makita kong ano pa ang ginawa nya sa loob. May nilabas syang maliit na kulay puti galing sa bulsa ng suot nyang coat inilapag nya sa table pero binalikan nya rin at kinuha, naglakad sya papuntang pintuan nang bigla syang napaupo at nasa dibdib nya ang kamay nya.

Matagal syang nakahiga sa sahig at walang malay, nang may pumasok at nabigla nang makita sya sa ganong kalagayan, nabagsak ng lalaki ang dala nyang folder at dali-dali syang binuhat nito at inilabas.

Nilipat ko ang video sa labas na CCTV hoping i can see who's that man who helped her.

Nakita ko na agad syang itinakbo sa elevator pero nakasara ito kaya gumamit sya sa exit, emergensy stairs.

Nirewind ko ang video, at pinahinto sa papalabas na lalaki. Napa-awang ang bibig ko nang makita si George, ang pinsan kong accountant ni Dad.

I play again the video, another scene na nakatayo sya sa labas ng pinto at si Tim ang nakatayo sa likuran nya. So this is last video before she disappeared.

Matagal akong napatitig sa huling video na nakatayo sya sa labas ng pintuan at diretsang nakatitig ang mga mata nya sa CCTV. Malungkot ang mga ito at nasasalamin ko ang awa sa mukha nya.

Napailing ako pero, huli na rin ang lahat.

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon