Part 12

17.1K 428 3
                                    

CHAPTER 12

ERIC's POV

Pagdating namin sa bahay, binaba na namin ang mga dala namin galing sa likuran ng truck.

Agad itong kinuha ni Tatay at hinugasan.

Nakita ko na may pinakuluan silang tubig sa malaking kawa sa tabi. Pagkatapos giitan ng leeg ang pato at pabo ay isa-isa silang nilagay sa kawa at parang doon pinaliguan.

Pagkatapos doon ay nilagay sila sa malaking kawa at sinimulan naman ni JB kunan ng balahibo. Namangha ako kasi mabilis nyang nalinis ang isang pato gamit ang mga kamay nya.

Pagkalagay ni tatay ng isa pang pato, ay ako naman ang nagbalat. Madali lang pala ito kasi hindi matigas kumpara sa buhay ito. Natatawa ako kasi nagagawa ko ang mga ito.

Pagkatapos naming linisin ang mga pato ni JB, at si tiyo naman sa pabo. Hinugasan na ito at si tatay na ang kumuha ng mga laman-loob ng mga ito. may pinaghiwalay siya at may mga tinapon din.

Nakita ko na hiniwa ni Tatay ang mga pato sa malilit at pinaakyat sa akin para daw ibigay kay Marie.

Sa likod ng bahay nila ay may extension itong katumbas ng isang kwarto, ito ang dirty kitchen nila. Dito sila nagluluto. Gawa ito sa semento. Pagkaakyat ko, nakita ko kaagad si Marie na nagluluto.

Inilapag ko sa bakanteng mesa ang mga hiniwang pato. Nilapitan ko syang nakangiti. "halika ka muna may itatanong ako sayo" hinila ko sya papuntang kwarto niya.

"bakit" tanong nya pagkapasok namin.

"wala akong napansin na inumin, anong iinumin natin mamaya?" tanong ko.

"magtitimpla kami ng juice" ani nya.

"bibili nalang kami ni JB ng softdrinks, marami ba kayong bisita mamaya? Tanong ko kasi parang ang dami naman atang handa.

"dito nagnonoche buena ang mga kapatid ni Tatay, kasama ang mga anak nila at apo. Nakasanayan na yan kasi panganay si Tatay sa kanila, parang tatay na nila kaya nagtitipon-tipon kami tuwing pasko" sabi nya na nakangiti.

"ayaw mo ba?" tanong nya bigla. "kung ayaw mo, alis nalang tayo nina JB mamaya punta tayo ng bayan" nakasimangot nyang sabi.

"hell no! Gusto ko nga eh, first time ko to. Alam mo bang ako ang nagbalat ng mga pato?" mayabang kong sabi sa kanya.

Ngumuso lang sya at napangiti.

"gusto kong makilala lahat ng kamag-anak mo. Alam kong tulad mo rin sila hon, mababait so bakit ako matatakot sa kanila?" sabi.

"pahingi ako ng pera para makabili na kami ng softdrinks ni JB" ngumuso na naman sya. "close na ata kayo ng mokong yun ah?" sabi nya habang nilalahad ang wallet nya sa akin.

binuksan ko ito at kumuha ng pera, agad ko rin itong binalik at hinalikan sya sa labi at niyakap. "amoy usok!" sabi ko at napatawa lang sya.

Mas nauna akong lumabas at tinawag ko kaagad si JB na nanonood sa paglilinis ng pabo.

Pinasakay ko sya sa kotse ko at nagstart naring magmaneho.

"san tayo makakabili ng softdrinks?" tanong ko sa kanya.

"ahhh, sa bayan pa kuya" sabi nito.

Agad kong tinahak ang daan papuntang bayan.

Isinabit ni JB ang picture frame namin ng ate nya at natawa. "nagdududa na talaga ako kung kanino ba talaga tong sasakyan na ito" sabi nyang natatawa.

Natawa narin ako at umiling nalang.

"so kung kailangan mo magresearch at mag-encode pupunta kapa sa bayan? Tanong ko sa kanya" tumango sya. "meron din naman sa barrio pero laging punuan kaya kailangang mag-antay pa" sabi nya.

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon