CHAPTER 38
ERIC'S POV
Nasa office ako ni Marie, ito na ang naging tambayan ko simula nang nawala sya. Lagi kong binabasa ang diary nya para sa anak namin. Namimiss ko na sya, namimis ko na ang lambing nya at mga kwento nya sa akin.
Gusto ko syang makita, mayakap at mahawakan ang tiyan nya. Gusto ko makita ang pagbola nito at paglaki ng baby sa tiyan nya.
Siguro malaki na ang tiyan nya ngayon, ano kaya ang gender ng baby namin? Yan ang mga naglalaro tanong sa isip ko ngayon. 6 months and 2 weeks na syang buntis ngayon.
Nakatitig ako sa picture nya, yung picture nya na nagpapa-ultrasound sya. Nakangiti sya at nakaturo sa monitor. Masaya sya at makikita ang excitement sa mga mata nya.
"Its been three months Marie, how can you sleep at night without me?" tanong ko sa picture nya.
Until now wala paring update akong nakukuha sa mga inupahan kong detective para hanapin sya. Wala parin akong balita about sa kanya.
"sir, umalis po si mam Amy. Makikipagkita raw sa mga kaibigan nya" sabi ni manang sa akin. Tumango ako at ngumiti.
Napasandal ako sa upuan at napapikit ng mata.
TOOOOOooot! (Message tone!)
Tim:
Mybe you want to join us tonight. Mikel will update us about the bar extension.
Napangiti ako, umiling at tumayo.
Naligo ako at nagmadaling magbihis. Nagdrive ako papauntang resto bar ni Mikel.
Naabutan ko silang apat na nakaupo na at parang may pinag-uusapan.
"buhay ka pa pala?" tanong ni Tim. Nagtitigan muna kami bago ako yumuko at napailing.
"bro, its been awhile!" sabi ni Mikel at napayakap sa akin.
Halos lahat sila nayakap ko, namimiss ko ang mga sira ulo kong utol sa buhay ko.
"iinom ka?" tanong ni Mikel sa akin at tumango naman ako para sagutin sya.
Nakita ko na umalis si Mikel at dumiretso sa counter ng bar nya. Marami na talaga ang mga tumatambay dito. Maingay narin kasi ang unang ginawa naming extension ay disco pub na nasa kabila lang at mas malaki kesa dito sa cafe nya.
Inabot nya sa akin ang isang bote ng beer.
"Ella went home crying and ayaw magsalita kung bakit, wala naman akong naisip na nagawa to make her cry?" sabi ni Luke.
"si Yvet umuwi na maga ang mata" sabi ni Jacob.
"si Joan din" - Tim.
"hindi pa ako nakauwi but Kristy called na baka gagabihin sya kasi may bebesitahin daw syang friend ngayon" relax naman na sabi ni Mikel.
Nakikinig lang ako sa kanila, wala akong masabi kasi until now my wife is still missing!
I texted Amy to go home early kasi maagang darating si Dad, napabigla ako sa pag-uwi nya.
"anong drama meron sila? Ang alam ko magkakasama silang apat kanina" sabi ni Jacob.
"baka naman nagcatfights lang" sabi naman ni Mikel.
"uy hindi umiiyak si Joan sa away lang, iiyak lang yun kung may nakaratay na" pabiro ni Tim na kinatawa namin.
"baka naman nagkapikunan or may nakaaway?" sabi naman ni Jacob. "sabagay, iyakin naman talaga ang asawa ko kaya hindi na bago yan sa kanya. Teleserye nga iniiyakan eh" dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...