CHAPTER 8
MARIE's POV
Malapit na kami bahay, nakapasok na kami sa San Jose. Excited na akong mayakap ang pamilya ko lalo na Ang kaatid ko. Nasa bintana ang mata ko habang mahina na kaming nagmamaneho ni Eric.
Napadaan kami sa dating lupain ng mga magulang ko. May nakatukod na itong For Sale na karatula. Agad kong pinahinto si Eric sa pagmamaneho nya para makuha ang numerong nakapaskil.
Napansin ko syang kinunan nya ng litrato ito. "bakit mo kinunan?" tanong ko. "baka kasi mawala mo ang numero mo at least ako meron pang copy, diba?" nakangiti nyang sabi.
Tinaas ko na ang salamin ng bintana ng kotse at nagtuloy na kami sa pagbyahe.
"bibilhin mo?" tanong nya sa akin. Umiling lang ako at yumuko. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Lupain yun ng mga magulang ko, yun ang sakahan namin at yun ang bumuhay sa amin noon, pero nung nagkasakit si Mama, naibenta ang kalahati. Ang kalahati naman ang sumunod rin nung namatay na sya at wala kaming kapera-pera.
Yung lupaing yun lang sana ang pwede nilang ipamana sa aming magkapatid pero hindi na naituloy kasi pagmamay-ari na ito ng iba.
Ganun parin ang barrio namin, tahimik at malinis at puno parin ng mga bagong pananim.
"liko ka dyan hon" tinuro ko ang maliit na pasilyo at sinunod nya naman.
naaninag ko na ang bahay namin, napangiti ako. "liko ka dyan hon, yan ang bahay namin" niliko nya sa nakabukas na gate ang sasakyan nya at saka itinigil at pinatay ang makina.
"dito na tayo!" masaya kong sabi sa kanya.
........
ERIC's POV
"liko ka dyan hon" tinuro nya ang isang nakabukas na gate, sinunod ko naman ito at nakita ang isang ancestral house na hindi naman masyadong luma at hindi rin kalakihan. Halatadong sanay sa alaga ang bahay na ito.
"dito na tayo!" masaya nyang sabi sa akin, before nya kinalas ang seat belt nya ay nagawa ko nang mahawakan ang mga pisngi nya at halikan sya sa labi. "good luck kiss lang!" huminga ako ng malalim at narinig ko ang tawa nya.
Paglabas ng sasakyan, sumulabong sa amin ang isang babaeng may edad na at isang lalaking halos kaidad nya lang.
"tiya" niyakap siya ni Marie at nagmano pa ito. "Tiyo" nagmano rin sa lalaki.
Hinila nya ako nang makalapit ako sa kanila. "ito po pala si Eric, boyfriend ko" pakilala nya sa akin, ngumiti lang ako pero may binulong sya sa akin. "magmano ka dali".
Sinunod ko naman ang sinabi nya at nagmano ako agad. "kamusta po?" magalang kong tanong. This is awkward on my side!
"naku, okay lang kami rito. Kayo kumusta ang byahe nyo?" sabi ng Tiya Anna nya.
"ok naman po Tiya" sagot agad ni Marie.
"oh, hali na kayo at kanina pa nag-aantay sa inyo sila mamang at papang" sabi ni Tiyo ni Marie na halatadong mabait kasi puro ang ngiti nito sa amin. Halatado ring maputi ito na nasunog lang ang balat sa araw. Matangos ang ilong at maawain ang mga mata nito.
"sige po Tiyo, susunod napo kami, ilalabas lang po namin itong mga dala namin" sagot ni Marie sa Tiyo nitong nakangiti parin sa amin.
"tulungan ko na kayo"sabi nya at agad ko naman binuksan ang likod ng sasakyan at binaba na namin ni Marie ang mga pinamili namin kanina.
Pinagtulungan naming dalhin ang mga ito paakyat sa bahay nila.
Pagdating sa pinto, agad na nagtakbuhan ang dalawang bata papunta kay Marie. "Tiya" sabi nila. Isang batang lalaki at babae. May bata ring nasa crib pa at nakatayo.
Nakita kong niyakap rin sila ni Marie at pinaghahalikan. "namiss ko kayo ng sobra" sabi ni Marie.
"tiya sino sya?" tanong ng batang babae sa kanya. "ahh, siya pala ang tiyo Eric ninyo" pagpapakilala nya sa akin, nahihiya ang dalawang bata sa akin ngunit nagmano parin sila.
This premitive style is killing my heart.
"tatay, nanay" sigaw ni Marie nang lumabas galing sa kwarto ang matandang lalaki at sa kusina naman ang matandang babae.
Nagmano muna sya bago ito niyakap isa-isa.
"tay, ito po pala ang sabi ko na boyfriend ko po si Eric" pagpapakilala sa akin ni Marie ay agad naman akong nagmano sa rito. "kaawaan ka ng Diyos" sabi nito at hinawakan ako sa balikat.
"ito naman ang nanay Teresita ko, ganda noh?" pilya nyang sabi, nagmano din ako rito. Maganda nga ang lola niya, halatadong maputi ito dati at mestiza. Siguro ay dito sya nagmana ng kaputian nya.
"oh siya, hali na kayo at kumain tayo" sabi ng lola nya. Nakita ko na pano siya pinaghila ng upuan ng Lolo ni Marie at tinabihan narin ito.
No wonder bakit ganito ka lambing si Marie, may mga pinagmanahan pala.
"Eric kumain ka ng marami, huwag kang mahiya pamilya mo narin kami iho" sabi ng Tiyo niyang nakangiti parin. Tumango lang ako at ngumiti din.
"si JB po?" tanong ni Marie.
"nagmadali yun kaninang makapunta ng bayan para makuha ang librong hihiramin sa kaklase nito" sabi ng Tiya nyang nilalagayan ng mga pagkain ang dalawang anak sa mesa.
Pinagsilbihan din ako ni Marie, sya ang naglagay ng kanin sa plato ko. Siguro ay nakasanayan na nila kasi yun din ang nakikita ko na ginawa ng Lola at Tiya niya.
Maswerte naman ako sa babaeng to, bukod sa maganda, makinis, matalino at mabait. May pamilya pa syang ganito ka kalambing at kababait.
Nasa kalagitnaan na kami ng kainan, nang may umalingawngaw na boses.
"Ate?" sigaw nito mula sa pinto. Matangkad at mestiso ang mukha, mapupula ang pisngi at matangos ang ilong. Kamukha ni Marie, so ito si JB.
Tumayo si Marie at naglahad ng kamay sa kapatid nya. Tumakbo si JB at niyakap si Marie. Wew! Sweet siblings!
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Marie ng makaupo na.
"natagalan ako sa pakikipagkwentuhan sa kaklase ko" sabi nito at umupo narin sa harapan namin na katabi ng dalawang bata.
"ito pala si Eric" pakilala nya sa akin. Naglahad ako ng kamay sa kanya at siya rin. "si JB" at ngumiti ako sa kanya.
"kaninong sasakyan yung nakapark sa baba tiyo?" tanong ni JB sa katabing Tiyo niya.
"yun ang sinakyan nila papunta rito" sagot naman ng Tiyo nya.
"sayo ba yun kuya?" tanong nya sa akin. Ngumiti ako at sasagot na sana nang maunahan ako ni Marie.
"hiniram namin yun, alam mo na? hindi pa kami maka-afford non noh?" mataray nyang sabi na kinabigla ko naman.
"ang bait naman ng nagpahiram, nagtiwala sya sayo?" pilosopong sabi nito.
"oo nga eh, hayaan mo pakikilala kita don para din pahiramin ka nya kung mangaylangan ka sa susunod" nakangiting sabi nito sa kapatid.
"kuya, sa resto ka rin ba na pinagtatrabahuhan nina ate nagwi-waiter?" tanong nya. Napaubo ako bigla sa tanong nya. FUCK! Do i look like a waiter?
Agad na naglahad ng tubig si Marie at hinipo ang likod ko. Napaangat ako ng tingin kay Marie at nag wink lang sya. Ano kaya ang palabas nitong naiisip.
"hindi umalis na ako doon, sa iba na ako ngayon nagtatrabaho" sabi ko at napailing nalang.
Masarap ang mga pagkain na hinanda nila para sa amin. Masarap din kakwentuhan ang mga kapamilya niya. Maliit lang sila sa pamilya kasi dalawang makapatid lang sina Tiyo nya at ang mama nila Marie.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
Ficção GeralNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...