CHAPTER 16
MARIE's POV
Pagkatapos ng halos isang oras na umupo si Eric sa opisina nya, ngayon ay papunta naman kami sa bahay nila Tim na kaibigan nya.
Kinakabahan ako kasi first time ko itong makisalamuha sa mga mayayaman na kagaya nila Eric.
Sa isang mamahaling Village ito nakatira, hindi naman masyadong kalakihan ang bahay nila. Pero halatang magarbo ito.
Bumisina si Eric at bumukas ang gate, may ilang car na nakapark roon. Siguro ay nandito na ang ibang bisita.
"hoy sandali!" sabi ko habang kinakalas nya na ang seat belt namin dalawa. Nagulat sya sa paghawak ko ng kamay nya. "kinakabahan ako!" pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. "nahihiya ako, dito nalang kaya ako" sabi ko, sya naman ay natatawa lang.
"huwag ka ngang tumawa!" sabi ko, alam kong namumutla na ako. Bwesit!
"hey, barkada and mga wife lang ang nandito. Gusto ka nilang makita especially the girls" sabi nya habang hawak ang magkabilang pisngi ko.
"huwag mo akong iwan sa ere ha?" sabi ko at tumango lang sya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nina Tim. Tama nga sya, mga kaibigan nyang lalaki ang naroon at may apat na babae akong nakikita. Ito siguro ang mga asawa ng mga kaibigan nya, may mga naglalaro na mga bata at may isang buntis na malaki na ang tiyan at halatadong kabuwanan nya na.
Lumapit sila sa akin at agad akong hinila palayo kay Eric, kumindat lang ito sa akin at tumango, lumapit din ito agad sa mga kaibigan at nakitang kong nakipagyakapan ito sa kanila.
Dinala nila ako sa table, nag-aayos sila sa mahabang dining table.
"merry Christmas!" bati nila sa akin.
"Merry Christmas din " bati ko ring nahihiya sa kanila.
"huwag kang mahiya, magkakaedad lang tayo dito, im Joan and im 26 at asawa ako ni Timmy boy, yun naman ang anak namin" sabi nyang nakangiti. Halatadong chinese ito kasi sa kutis at shape ng mata. Tinuro nya rin ang batang nakaupo sa sahig at naglalaro ng robot.
"ito naman si Yvet kaidad mo sya, asawa sya ni Jacob" pakilala nya sa buntis na babae, morena ito pero maganda siya. Kamukha nya si Lovi Poe. "hi" bati nya at nakipag beso-beso pa sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"ito si Kristy kaidad ko ito, sya naman ang asawa ni Mikel, yun naman ang anak nya" tinuro nito ang batang naglalaro ng lego. Ngumiti ako sa kanya habang sya naman ay excited na nakipag beso-beso sa akin at niyakap pa ako. Maganda din ito at matangkad, kasing tangkad ko siguro. Kulot ang buhok nito at parang modelo ang aura niya.
"huwag mo na ako ipakilala, magkakilala na kami diba Marie?" sabi ni Maam Ella. Asawa siya ng boss kong si Sir Luke. Chinese din ito tulad ni sir Luke. Mabait si Maam Ella, kaya nga nagustuhan ko siya kasi totoo syang tao.
"welcome to the family" bati ni Maam Ella sa akin at niyakap ako.
"salamat po Maam Ella" sabi ko, tumawa lang ito. "Ano kaba huwag mo nga akong matawag na Maam, hindi kana magtatrabaho sa resto, tinanggal ka na namin kasi ayaw na ni Luke sayo" sabi nya, nanlaki ang mga mata ko. "seryoso? Bakit po?" agad kong tanong.
"ayaw na ni Eric, kasi sabi nya nag-aaral kana raw ng culinary arts" sabi nitong nakangiti.
Nangunot parin ang noo ko. Natawa silang apat.
"its a tradition dear, we wont like our mate working under us. Nakakastress yun" sabi ni Joan.
"dont worry maiintindihan mo rin sa susunod" sabi ni Ella. "Feel at home at huwag kang mahiya, starting today friends na tayo kasi kahit ayaw mo sa amin wala kang lusot kasi nakadugtong ang bituka ni Eric sa mga asawa namin" dagdag nya pa.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
Narrativa generaleNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...