Part 11

18K 488 3
                                    

CHAPTER 11

MARIE's POV

Magkasama kaming pumasok ni Eric sa loob, maraming mata ang nakatingin sa amin ngunit hindi nalang namin pinansin ang mga ito, umupo kami sa tabi nina Tiyo at Tiya, kami ang nasa pinaka gilid ng upuan.

May naririnig akong mga bunganga na kami ang pinag-uusapan.

'naku nakabengwit na si Mariella ng mayaman, mabuti pa siya pinagpala'

'ganyan talaga basta mabait ka, napakaswerte naman ng lalaking yan mabait na, matalino pa si Mariella'

'oo nga, bagay na bagay silang dalawa'

'nakita ko kanina, sakay sila ng bagong sasakyan siguro mayaman talaga ang kasintahan nya'

'mabuti pa sya mare nakahanap ng mayaman, ang anak ko mas mahirap pa sa amin ang napangasawa, diyos ko'

'naniguro na lang sya para sa kanilang magkapatid'

'sabagay mare kung nabubuhay pa ang mga magulang nila, hindi rin naman sila maghihirap  magkapatid dahil magaling ang ama nya sa pagsasaka at pagpapaikot ng pera'

Napayuko nalang ako at napailing, nakakahiya talaga. Ano nalang ang sasabihin ni Eric sa akin, na mukhang pera ako?

Namumula na ang mukha ko. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Tiya sa aking tuhod.  Alam kong narinig nya ang mga iyon ngunit ang turo sa amin ay huwag naming patulan ito.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at napangiti. Nakita ko ang saya sa mga mata ng Tiyahin ko.

Sa katahimikan namin, sinalikop ni Eric ang kanyang mga daliri sa akin at may binulong sya. "hindi mo nasabi na uso din pala dito ang mga tsismosa?" ramdam ko ang pagpigil nya ng tawa sa sinabi nya.

Napangiti nalang ako at umiling. Sa lahat ng dapat kong pasalamatan, ito yun. ang pagiging open minded nya sa paligid at nakapaligid sa among dalawa.

Nagsimula na ang simba, nakita ko na naglalakad si JB hawak ang isang flag ng cathedral.

"ang gwapo ni JB noh, mana sa kuya" nagpigil ako ng tawa pagkabulong nya sa akin nyan, nakita ko pano sya titigan ng mga dalagita sa bawat upuan na nadadaanan nya.

Malaki na talaga ang kapatid ko at gwapong-gwapo pa. Kung ito nasa syudad na ito sigurado akong mas popogi pa ito.

Tahimik kaming nakikinig ng misa. Maganda ang salita na ibinahagi ng padre. Sa tuwing desperas ng pasko, matagal talaga matapos ang misa, inaabot ito ng halos dalawang oras.

Pagkatapos ng simba, habang hinihintay namin si JB sa labas, kinuha ni Eric ang camera nya sa loob ng sasakyan.

Masaya nyang kinunan ng mga pictures sina Tinay at Boboy na mga pinsan ko. Ganun din sina Nanay at Tatay. Sina Tiya at Tiyo kasama ang maliit na si Igo. Pagkalabas ng simbahan ni JB, agad din kaming nagpicture na dalawa, ganun din kami ni Eric.

Nagpasuyo pa kami sa kakilala para kunan kami ng picture bilang isang buo na pamilya, matagal narin ang huling besis na nagpapicture kami, kaya naman hindi mawala sa mukha ni Nanay ang ngiti.

........

Sa isang pinakamalaki at mamahaling restaurant kami sa bayan kumain, bago ito sa amin kasi kadalasan sa bahay na kami agad diretso. Makulit kasi Eric kaya naman pinagbigyan ko na.

Nabigla naman silang lahat kasi dito kami tumigil at bumaba.

"dito po tayo kakain, baba na po tayo" sabi ko na parang hindi pa sila makapaniwala.

Kilalang mamahalin ang restaurant na pinasukan namin, kaya naninibago sila.

Marami ang inorder ni Eric na pagkain, napatawa lang sila Tatay at Nanay kasi dapat ubusin namin yun lahat.

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon