CHAPTER 5
ERIC's POV
Nag-ayos ako ng saliri ko, naka khaki pants ako, black polo shirt at sneaker shoes. Pormang pambinatilyo. Agad akong bumaba at dumiretso na sa parking lot.
Nasa kotse na ako at palabas na nang mabasa ko ang text ni Marie sa akin.
Wife:
Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?
Napangiti muna ako bago nakapag reply.
Ako:
Oo naman, bakit? Bawal ba ang bisita sa bahay nyo?
Hinadi paman ako nakakalayo sa building ay nakareply na agad sya.
Wife:
Pwede naman kaya lang, nandito mga kaibigan ko. Ok lang sau kasabay mo silang kakain?
Ako:
Bakit bawal bang kasabay silang kumain?
Wife:
Hindi naman. Bahala na si Batman!
Napangiti ako, dependent din pala sya ni Batman. Kala ko ako lang ang umaasa kay Batman.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko. Walang pang 15 minutes nasa kanto na nila ako. Mabilis kong naipark ang kotse ko sa harap ng bahay nila.
Bumaba ako at kumatok sa gate nila. Binuksan ako ng isang babaeng palagay ko kay kaidad lang ni Marie.
"nandyan ba si Marie?" tanong ko pagpasok pa lang ng gate. Nakita ko pano nya ako titigan mula ulo hanggang paa.
"oo, nasa loob sila" sagot nya, "hali ka pasok ka. "
Nagtaka ako bakit sila? Marami ba syang kasama ngayon maglunch?
Sumunod ako sa babae at dinala nya ako sa receiving area nila. Malawak na salas at may malaking TV sa gilid. Tanaw narin ang dining table mula dito sa pintuan. Malaki ito at maraming pwedeng umupo.
"Marie may bisita ka" sigaw ng babaeng nagpapasok sa akin at naupo agad sa sofa at nanood na ng TV.
Nakita ko na lumabas ang isang lalaki mula sa kusina, waiter ito ni Luke ah. Dito ba sya nakatira? Agad kong nagtaka kung coed ba itong bahay nila.
"hello sir" bati nya. Ngumiti nalang din ako sa kanya. "upo muna kayo sir, tatawagin ko lang po si Marie" sabi nya at mabilis na itong nagtungo sa malaking pintuan sa dulo.
Umupo ako sa bench na nasa gilid lang at naka dikit sa wall. Nakapatong ang mga braso ko sa tuhod ko at nakayuko. Pagtingin ko sa pintuang nasa dulo kung saan pumasok yung lalaki kanina nakita ko kaagad si Marie na nakatayo.
Tumayo ako at ngumiti sa kanya. Tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa. Maikli ang shorts nya at naka printed pink shirt sya na halatado pa ang basa sa damit nya. Naka slippers ito at nakatali ang buhok na may nakatusok na chopstick.
Napangiti ako dahil sa suot nya at lalo akong napahanga sa kanya. Natural ang ganda nya at maganda rin ang kurba ng katawan nya, bakat Ang hugis nito sa basang damit nya.
Lumapit sya sa akin, "kadarating mo lang ba?" tanong nya agad. Heheheheh hindi na sya galit. Kala ko pa naman ipagtatabuyan nya ako.
"Oo" agad kong sagot habang titig na titig ako sa mukha nya na parang pagod na pagod, may pawis pa ito sa noo.
"sandali lang ha? Tingnan ko lang kung luto na ba yung kanin natin" sabi nya at agad na tumalikod.
Napailing ako nang mapadpad sa likuran nya ang mga mata ko, that butt is amazingly curved.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
Ficção GeralNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...