CHAPTER 9
MARIE's POV
Habang abala ako sa pagliligpit ng mga pinamili namin ni Eric sa kusina, sya naman ngayon ay nasa ginawang tambayan nina tiyo sa baba. Isang maliit na papag kung saan madalas Nagkukwentuhan sina Tatay, Tiyo at mga kamag-anak na bibisita.
"JB linisin mo ang kwarto mo, magtatabi kayo ng kuya mo dyan sa pagtulog" sabi ko kay JB na abalang nagpapalit ng mga kumot at balot sa unan.
"ang gwapo naman ng kasintahan mo apo" sabi ni Nanay habang hinuhugasan ang mga mansanas at iba pang prutas.
"oo nga Mariella, hindi kaba natatakot na baka agawin sya sayo?" sabi naman ni Tiya na syang naglalagay ng mga ulam sa freezer.
"ikaw talaga Tiya" napangiti ako. "hindi rin po ba kayo natatakot na agawin ang gwapong si tiyo?" tukso ko rin sa kanya. Mabait si Tiya, mapagpasensya at matalino rin ito. Ang ganda nyang puro pinay ang nagustuhan ko sa kanya.
"aba, syempre naman pero may tiwala ako sa tiyo mo kaya nakampante narin ako" nahihiya nitong sabi na ikinatawa pa ni Nanay.
"ganun din po ako Tiya, maraming nagkakagusto kay Eric pero may tiwala ako sa pagmamahal nya sa akin" ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
"masaya kami apo at nakaranas ka narin magmahal" nakangiting sabi ni Nanay.
"sanay kayo na ang magkatuluyan" sabi naman ni Tiya.
"salamat po" nahihiya ako, pero alam kong tama ang nararamdaman ko para kay Eric.
Nagpatuloy kami sa pag-ayos, masaya si Tiya at marami na syang sabon ng Belo. Pareho sila ni nanay ibinili ko rin sila ng mga damit na pwedeng ipangsimba. Si nanay naman ay masaya rin at may mga bagong daster na syang masusuot sa bahay.
Ganun din ang mga pinsan ko na masayang hawak ang mga pasalubong nila galing sa akin.
Sina tiyo at tatay naman ay parehong may bagong mga damit. Gagamitin nila ito sa pagsimba tuwing linggo.
........
Pagsapit ng alas dos, sabay na umakyat sina JB at Eric, nagpunta na kasi sa palayan si Tiyo para bantayan ito at si Tatay naman sa likuran para magtrabaho narin.
Naabutan nila akong nakikipaglaro sa bunsong anak nina Tiya na si Igo, short from Rodrigo. Pinapatawa ko ito dahil naliligo pa si Tiya.
Umupo sa tabi ko si Eric at pinagmasdan lang akong nakikipaglaro kay Igo. Si JB naman ay nanuod agad ng Tv.
"sana ganyan ka rin ka playful kung magkaanak na tayo" bulong nya sa akin na nagpatigil sa akin sandali. Siniko ko sya at narinig ko nalang ang mahina nyang halakhak.
Binuhat ko si Igo at pinatayo sa harapan ko. Tawa ito ng tawa. Nagmana ito kay Tiyo, maputi at palatawa pero ang makakapal na pilik mata ay kay tiya nya na kuha.
Ginugulat-gulat ko sya para tumawa sya ng tumawa. Sa tuwing tatawa siya ay napapatawa din ako.
Napansin ko may kinuha si Eric sa baba ng mesa naming yari sa narra at salamin. Kinuha nya ang album na may sulat ng pangalan ko.
"Mariella Cassandra T. Artagame" basa niya sa pangalan ko. "ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang full name mo?" mahina nyang sabi.
Binuksan nga ang album ko at nakita nya ang mga pictures ko nung bata pa ako. Medyo kupas na ito pero alaga parin ang mga ito.
Natawa sya nang makita nya ang picture ko na nakasakay ng kalabaw at malungkot ang mukha ko doon.
"anong nakakatawa dyan?" seryoso kung tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...