Part 24

15K 350 2
                                    

CHAPTER 24

ERIC'S POV

Kinabukasan, nakaleave ako sa office. Gusto kong bumawi sa asawa ko ngayon araw.

Maaga syang nagising ngayon dahil darating raw ang mga kaibigan nya sa bahay para tulungan si Amy sa pag-aayos sa Prom nito.

Naabutan ko si Marie na nagluluto sa kusina habang tinuturuan nya si Manang pano mag-marinate ng bangus.

"hon" tawag ko ng pansin nya.

Ngumiti sya sa akin, "isusunod ko nalang ang coffee mo hon" sabi nya habang pinapanuod si Manang magtanggal ng mga buto ng bangus.

Lumabas ako sa kitchen, papunta ako sa pool side at bitbit ko ang newspaper. Pagdaan ko ng dining room naabutan ko si Amy na naghahanda ng mesa.

Nalaglag ang panga ko sa unang pagkakataon, nagising ng maaga ang kapatid ko para lang maghanda ng mesa? Anong nakain niya?

"good morning Kuya?" bati nya sa akin.

"good morning baby girl" bati ko rin sa kanya. "since when did you learn how to set the dining table?" sumandal ako sa gilid ng wall habang pinapanuod syang naglalagay ng mga plato.

"since i started living here" proud nyang sagot. "Ate told me that i need to learn this in order to be a good wife someday, boys love responsible women and this is the first step!" nakangiti nyang sagot sa akin.

Napatango ako habang nakangiti. "your chocolate moist taste wonderful, im very proud of you!" nilapitan ko sya at niyakap.

"yikez! Did it really taste good kuya?" naluluha nyang tanong sa akin.

"of course, lulukuhin ba kita kung hindi?" natatawa kong sabi sa kanya.

"i wished i could learn more about kitchen thingy" maarte nyang sabi na kinatawa ko. "i enjoy it so much!" dagdag pa nya.

"im so proud of my little princess" sabi ko at hinalikan sya sa noo.

"hon ang coffee mo san ko ilalagay?" tanong bigla ni Marie sa likuran namin ni Amy.

"sa pool nalang side ako magkakape hon" sabi ko at nakita syang naglakad dala ang coffee ko papuntang pintuan ng pool.

"im happy you marry the right girl kuya, hindi ko tuloy naimagine ang buhay mo if ever si Monica ang pinakasalan mo." sabi ni Amy.

Instead na sumagot, ginulo ko nalang ang buhok nya at naglakad na papuntang pool side.

Bago ako nakalabas ng pintuan niyakap ko muna si Marie na pabalik na sa kusina.

Pagkalabas ko ng pintuan, nakita ko naman si JB na tumutulong kay Manong Ben sa paglilinis ng pool. Kinukuha ni JB ang mga dahon na nahulog sa pool gamit ang net.

Napatingin ako sa ginagawa nila at naaliw sa pagtulong ni JB kay Manong Ben.

Alas diyes ng umaga dumating sina Grace at Alvin, kinulot nila ang buhok ni Amy at sinimulan ang pag-ayos ng kilay nito.

Nakita ko pano, inakisako ni Marie ang kapatid ko. Masaya ako na sa importanteng araw ng high school life ng kapatid ko may ate siyang tutulong sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ng lunch, nagsimula nang ayusan si Amy. Gamit ang mga telang binili nila nung isang araw, nagawan sya ng Gown ni Alvin sa mano-manong pagtahi nito sa katawan ni Amy.

Nakita ko ang saya sa mukha ng kapatid ko habang ginagawa ang gown nya.

Pagkatapos ng partial na pag-ayos ng gown nya. Sinimulan na rin ni Alvin ang make-up nya.

Nagmukhang prinsesa si Amy sa gawang gown ni Alvin at Grace, bumagay sa kanya ang kulot nyang buhok at make up nya.

"sinong partner mo sa prom mo?" tanong ko sa kanya ng malapit na syang matapos ayusan.

"wala, ill be alone kuya but dont worry ang importante makaatend ako" sagot nya sa akin.

"diba free kayong magdala ng partner sa prom nyo? Kasi all girls naman kayo right?" tanong ko, tumango sya sa akin.

Napatingin ako kay JB na nakaupo lang at nanunuod din sa pag-ayos kay Amy.

"JB pwede mo bang samahan si Amy sa prom nya?" nagulat si Jb sa tanong ko.

Umiling sya. "naku kuya, kilala ko ang mga kaklase nya puro lahat maarte kasi nakasama na namin sila noon sa Red Cross training, baka makantyawan lang si Amy dahil sa akin."

"hay naku Kuya, namaos nalang ako sa kakaaya na sya ang maging partner ko, hindi nya talaga ako kayang pagbigyan" mataray akong kinausap ng kapatid ko.

"JB ang damot mo naman sa kagwapuhan mo, maawa ka naman kay Amy oh, wala syang partner" sabi ni Grace.

"nakakahiya kasi, baka mas lalong ibully lang si Amy sa school nila pag ako ang partner nya." seryosong sabi ni JB.

"anong bully, baka nga maging popular pa ako kasi partner ko ang crush nila" singit ni Amy, ramdam ko na gustong-gusto nya talaga maging kapares si JB nguniot alam ko na nahihiya lang si JB.

"kahit pumayag man ako, wala lang din akong maisusuot kaya wag nalang" sabi naman ni JB.

"anong wala?" biglang singit ni Marie dala nya ang tuxedong nakabalot pa at halatadong bagong bili. "hahayaan ko ba na magmukha kang kawawa habang kapares ang prensesa ko?" sabi niya na kinatawa namin.

"kaya mo pala ako pinilit na magpagupit, magstay dito at maligo kanina ate?" galit na sabi ni JB sa kapatid.

"ano kaba JB, para-paraan lang yan!" inakbayan sya ni Amy at kinindatan pa ito. "dont worry, kapalit nito ang isang buwan kong paninilbihan sayo bilang tagtimpla ng kape mo this coming summer break" masaya nitong sabi kay JB.

"Che! Wag nalang kung ikaw lang naman din ang magtitimpla!" suplado nyang sabi kay Amy pero natawa lang ang kapatid ko at dinilaan lang sya.

"pag hindi mo paparesan si Amy, hindi ka makakauwi sa atin!" galit na sabi ni Marie sa kanya.

Napailing nalang ako at tinap ang balikat ni JB. Kinuha nya ang dalang tuxedo ni Marie at dumiretso sa vacant room para doon magbihis.

Tinulungan sya ni Marie na ayusin ang bow sa leeg nya.

"infairness bagay kayo!" sabi ni Alvin habang nakatayo silang dalawa at kinukunan ni Marie ng litrato.

"talaga?" masayang tanong ni Amy na kinatawa lang namin. "uyy, bagay daw tayo?" panukso nya kay JB na nagpoker face lang sa kanya.

"JB maging sweet ka naman kay Amy doon ha?" habilin ni Marie sa kapatid nya.

Tumango lang si JB sa kapatid.

"Ate pakisabihan din si JB na isayaw ako baka lamukin kami dun" kinikilig nyang sabi kay Marie na kinatawa rin namin.

"JB narinig mo yun? Pagbigyan mo si Amy ha?" dagdag pa niya sa habilin.

"Ate, pakisabihan si Amy na huwag maging maarte at huwag akong iwan kung saan-saan mamaya sa venue, baka maging gate crasher ang labas ko dun!" sabi ni JB habang si Amy ang kaharap nya.

Lumapad ang ngiti sa mukha ng kapatid ko at naptaas pa ito ng kamay sa harapan ni JB. "dont worry, i wont let you down!" nagwink ito na at napailing lang si JB.

"Rexona ang trip mo?" supladong nyang sabi kay Amy.

"oh, picture ulit para bongga ang remembrance ni Amy" sigaw ni Gracia.

"ipahawak mo naman ang braso mo JB" sabi pa ni Alvin at inayos ang posing nilang dalawa.

"aalis na kami" maarteng nagpaalam si Amy sa lahat.

"good luck! Be happy ha, enjoy your prom" habilin ko sa kanya at hinalikan sya sa noo.

"thank you ate Grace and madam Alvin" sabi nya sa dalawa. "ate thank you!" niyakap nya si Marie.

"JB, kaw na bahala kay Amy ha? Mag-enjoy kayo dun" habilin ko kay JB at tumango lang siya.

Masayang-masaya si Amy sa pagpunta ng Prom nya, si JB naman wala naring nagawa kundi ang pagbigyan ang dalawang babae.

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon