CHAPTER 22
ERIC'S POV
Naging mas busy kaming pareho ni Marie, sya sa incoming exams nya at sa trabaho nya. Ako naman sa pagdalas ng mga seminars ko at meeting.
Ngunit kahit pareho kaming busy, nagkakaroon parin kami ng time na nakalaan para sa isat-isa.
Nasa Davao ako ngayon. Isa ako sa investors ng Abreeza Mall. Magkakaroon ng board meeting good for 3 days.
Nakacheck-in ako sa Marco Polo, gusto ko sanang isama si Marie kaso, kakailanganin siya ni JB para sa entrance exam nito.
Mag-isa akong nagtungo ng Davao. Pagkacheck-in ko ng Hotel. Tumambay muna ako at natulog para makabawi sa ilang gabing pagpapagod sa trabaho.
Pasado alas syete na ako nagising. Naisipan ko munang maligo at magpalit ng damit bago bababa at kakain.
Nasa Fine dining nila ako at umoorder ng dinner, nakita ko sa di kalayuan ang isang pamilyar na mukha na sa akin nakatingin.
Nakangiti sya, kumaway ito sa akin at ako naman ay ngumiti lang at tumango.
Lumapit sya sa table ko at umupo sa harapan ko. "its nice to see you here in Davao Ric" bungad nya sa akin. Nabigla ako bakit sya nandito.
"may print ad akong pinuntahan dito, nagresched kasi sila ng photoshoot ko" dagdag nya pa.
Tumango ako para magbigay respeto sa paliwanag nya.
"ikaw what brings you here?" tanong nya sa akin habang malapad ang ngiti nito sa mukha.
"business" matipid kong sagot.
"so where's your wife?" tanong nya, umiling ako at agad na sumagot. "im alone", napatango sya sa akin at napangiti.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pero alam ko na sya ang napapatitig sa akin.
"i have to go Ric, see you around" hinalikan nya ako sa pisngi bago sya tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Yumuko lang ako at naging busy ang mata ko sa wall paper ng phone ko. Si Marie.
Pagkasapit ng gabi, tinawagan ko si Marie para kamustahin, masayang boses ang sumalubong sa akin sa kabilang linya.
"nasa bahay ka na ba?" tanong ko sa kanya.
[yes hon, kanina pa.] malambing nyang sagot sa akin. [ikaw nagstart na ba kayo kanina sa meeting nyo?]
"hindi pa hon, bukas pa" sabi ko, ramdam ko ang malamig na hangin sa dito sa veranda ng suite ko. " i miss you?" sabi ko.
Katahimikan ang sumagot sa akin. [i miss you too hon] sagot nya.
[sana matapos na kayo agad dyan sa meeting nyo para makauwi kana bukas] malambing nyang sabi.
Napatawa ako. "i really love the way you miss me hon, napaka positive mo talaga" sabi ko.
Rinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.
[hon, i invited Amy to sleep here in our room tonight] napangiti ako sa sinabi nya.
"good to hear that Hon at least panatag ako na magkasama ang dalawang prinsesa ng buhay ko" malambing kong sabi sa kanya.
[ang sweet!] natawa sya. [sige na, call me again if your not busy nalang Hon, magpahinga kana diyan. I love you so much!] sabi nya.
"i love you more hon" sagot ko. Tsaka ko binababa ang tawag at nilagay sa bulsa ang phone ko.
Napaisip ako pano isurpresa si Marie sa Anniversary namin, gusto ko gawing masaya ang first celebration namin. Dad told me that girls love to celebrate those kinds of occasion
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
פרוזהNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...