CHAPTER 28
MARIE'S POV
Masaya kaming nagdinner, kasama namin ang Dad nila na hindi nagbago ang mukha, gwapo parin at mabait.
"i cant wait to no more, im hoping on my next vacation here ill be busy shopping for my apo's stuff." parinig ng dad nya na kinatawa lang namin.
"sana Dad" tipid na sabi ni Eric.
"hay naku, pano naman kasi kayo makabuo eh, pareho kayong busy noh?" sabat ni Amy bigla.
"soon Amy, just wait" sabi ko na ikinatango lang ni Eric.
Nakita ko ang kamay nya na walang suot na wedding ring namin. Hindi ko nalang pinahalata na napansin ko.
"Marie anak, Amy told me that your going to have an actual presentation on this coming Saturday. Ill be glad if you'll invite me to come and watch you victoriously finished that course?" nakangiting sabi ni Dad.
"Of course Dad, you are cordially invited, please come." masaya kong sabi sa kanya. Napangiti sya sa akin at napatango, "im excited for you" sabi nya.
"ininvite ko na rin ang barkada ni kuya ate at ang mga la liga felipina para maraming magsupport sayo don" sabi ni Amy. Nabigla ako kasi nahihiya akong mang-invite.
"talaga?" nagulat ako. "hindi kaya nakakahiya yun, baka busy sila?" sabi ko pero umiling sya.
"sabi ni ate Elle at Ate Joan, pupunta lahat para suportahan ka" masaya nyang sabi.
Natuwa ako sa suportang binibigay nila sa akin.
Si Eric napansin kong parang walang gana at kanina pa tahimik.
"Hon, kain kapa?" tanong ko sa kanya. Nabigla sya sa pagpukaw ko ng atensyon nya.
"sure" tipid nyang sagot at ngumiti sya sa akin.
Nilagyan ko ang plato nya ng food at ang baso nya ng juice.
"im proud you found a woman so caring like her son" sabi ni dad na ikinatango naman ni Amy.
Ngumiti lang si Eric, "im happy too Dad!" sabi nya.
Napasarap ang chikahan namin at naparami ang kain.
........
ERIC'S POV
Nawalan ako ng gana nang mabasa ko ang text ni Monic bago kami nagsimulang kumain.
'congratulations babe, im pregnant!' - Monic
Halos hindi ako makakibo sa nabasa ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Im dreaming to have a kid but not with Monic.
"hon, dinner na?" tawag ni Marie.
Napatitig ako sa mga mata nyang puno ng kasiyahan at pagmamahal. Nakukunsensya ako sa panloloko ko sa kanya.
Hindi ko na alam ngayon ang gagawin ko. Mas lalo kong ibinaon ang sarili ko sa malaking problema.
Habang kumakain kami, pilit kong tinatago ang nararamdaman kong guilty sa sarili ko.
Nasa kwarto kami, nanunuod ako ng TV habang si Marie naman ay nag-aayos ng mga damit kong bagong laba at plantsa.
"alam mo ba hon, kanina nagdatingan na yong mga bagong makakasama namin sa trabaho na galing Europe. Panay nga ang kilig nina Sim at Jam kasi mga bachelors pa pala ang mga yun"
Napailing sya sa pagkwento.
"natawa nga ako kasi may nagpakilala kanina sa akin, nung naglahad sya ng kamay para sana ishakehand ako binigay ko yung kamay ko na may singsing" natawa sya sa kwento nya.
"nagtawanan kami nung umiba yung reaction ng mukha nya. sabi nya, Oh! Your married? tumango ako sa kanya tapos umalis na sya" masaya si Marie. Kakapromote nya lang kasi as supervisor sa Assessment team nila. Magaling sya magtrabaho at masipag kaya kahit hindi pa sya nag-isang taon ay napromote na sya agad.
"parang tumataba ka ata hon" sabi ko. "you look blooming this past few days" napangiti ako sa kanya.
"panay kasi ang kain namin" nakangiti nyang sabi "tsaka you know inlabiba" kinilig sya. Napatawa ako nung umarti syang kinikilig.
"nasaan na pala ang ring mo?" bigla nyang natanong na kinagulat ko.
"nasa drawer ko sa office, hinubad ko kanina kasi nagchemical testing kami" pilit kong kinalma ang sarili ko.
"ahhh!" tumango lang sya sa akin, at patapos na sya sa pag-ayos ng mga damit namin sa cabinet.
Nabalot kami ng katahimikan.
"you do trust me, right?" tanong ko sa pagbasag ng katahimikan namin.
Nakita ko ang gulat nyang mukha at ngumuso sya sa akin.
"yeah, i do. 100% hon" tumango sya at ngumiti.
Tumayo ako at niyakap sya mula sa likuran. "kahit anong mangyari, sa akin kalang maniniwala. Hindi kita iiwan Hon. Promise" napahigpit ang yakap ko sa kanya. Tumango sya at tumulo ang luha ko.
"trust me, everything will be okay" sabi ko, hinarap nya ako na nakangiti.
"i trust you Ric!" sabi nya. Pinunasan nya ang luha ko at niyakap ako.
"hanggang kaya ko pa, kakayanin ko" bulong nya sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
Matagal kaming sa ganung posisyon.
"kakayanin ko pang magpractice sa pagluto ng dish ko para maka flat 1 ako!" natawa sya at hinalikan at sa labi. "matulog kana!" sabi nya at umiling sa kakatawa.
Napangiti ako at tumango nalang. Akala ko may ideya na sya sa sinasabi ko pero nagawa nya akong kulitin sa gitna ng drama ko.
"matulog kana kasi tatapusin ko pa yung menu book" sabi nya. "good night Hon, love you!" at hinalikan nya ako sa noo.
Lumabas sya sa pinto at naiwan ako sa loob na mag-isa.
.......
MARIE'S POV
Dumiretso ako sa office ko at naglock ng pinto. Hindi ko napigilan ang luha ko sa pag-agos. Hindi ko alam bakit nasasaktan ako ngayon. Nakakaramdam ako ng takot sa dibdib ko ngunit pinipigilan ko.
Hindi ko kakayanin kung bumitaw si Eric sa aming dalawa. Hindi ko alam pano sabihin kay Eric na may anak na kami.
Pilit kong pinigil ang paghikbi ko sa habang nagsusulat sa diary ko.
Halos napuno na ito ng luha ko. Basang-basa na ang papel na sinusulatan ko.
Matagal bago ko nakalma ang sarili ko.
Hindi ko malakas at matatag na tao, ngunit sa harapan ni Eric kayang-kaya kong magpanggap. Kayang-kaya kung ngumiti at magkunwaring masaya ako at wala akong alam sa mga nangyayari.
Gagawin ko ang lahat para sa magiging anak namin. Ayaw ko na danasin nya ang maging ulila sa ama dahil lang sa hindi ako matatag.
Magtitiwala ako kay Eric, malalampasan namin to.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...