Part 37

23K 388 7
                                    

CHAPTER 37

AMY'S POV

Nang makapasok na kami sa office ni Kuya Just, agad nyang inoffer sa amin na maupo muna kami, sofa sa office ni Kuya justine na syang pinakakasya namin para makaupo kaming lahat.

May isinabit sya sa wall nya na at ipailaw ito. X-ray ni Ate Marie.

"bago pa ako, mag-iisang taon palang. Pinasa si Marie sa akin ng dating cardiologist namin dito. So may ilang months ko narin syang pasyente. hindi ko alam na in-law ko pala sya" napangiti si kuya Just habang nagkukwento sa amin.

"ito ang heart status ni Marie, may problema sya sa Right Atrium nya. May nakitang maliit na butas sa side na to na kung saan naging dahilan ng problema nya ngayon sa breathing...." nagpatuloy sa pag-explain si Kuya Just.

"my history ba kayo ng heart problem?" tanong nya kay JB.

Nakayuko si JB, tumango sya. "yan ang sakit ng Mama namin" pagkasabi ni JB lahat kami nabigla. "hindi rin nakayanan, yan ang ikinamatay niya" nakita ko ang luhang nakawala sa pagtitimpi nya.

"kylangan kasing kunin ang bata, pareho silang kapos sa hangin." napaupo si Kuya Just.

Nabalot kami ng katahimikan. Walang nagsasalita, lahat kami nakayuko lang at halos hindi alam ang itatanong o isasagot.

"we need to remove the baby inside or else mamatay ito sa loob ng tiyan nya" sabi nya.

"wala na bang ibang paraan kuya Just?" tanong ko.

Napailing sya. "sorry Amy pero yan lang ang solusyon" malungkot nyang sabi.

"the patient suffer too much stress and depression, nakadagdag yun sa palaging pag-atake ng pananamlay nya. If we insist the baby to live, Marie will suffer pain at baka hindi nya na makayanan pa ang kasi ang baby habang lumalaki, malaki rin ang oxygen na kailangan nya sa loob ng tiyan ni Marie." - Kuya Just.

Nakita ko ang sunod-sunod na pag-agos ng luha ni JB sa mga mata nya. Gusto ko syang daluhan ngunit alam ko na galit na sya dahil sa kamaong namumuro na sa kamay nya.

Nakaantay kami sa desisyon na gagawin ni JB.

Umiling sya, "pangarap ni Ate mabigyan ng anak si Kuya eric, kung tatangalin ang baby baka mas ikamatay nya lang lalo yun" umiiyak sya. Nadudurog ang puso ko sa nakikita kong hirap na hirap syang magtimpi.

"hindi ko kayang makita ang ate ko na masasaktan lang at madissapoint. Ayaw kong gumawa ng disisyon na habang buhay kong pagsisisihan" bumitiw si JB at umiyak. Agad na tumayo si Ate Joan at Ate Ella para aluin sya at daluhan, napuno ng iyak ang office ni kuya Just.

Hindi na nagsalita si Kuya Just. Siguro ay nakuha nyang nahihirapan si JB sa gusto nyang mangyari.

Nabalot kami ng matinding katahimikan, hanggang makalabas kami. Nagpaiwan si JB sa hospital para bantayan si Ate.

Pumunta kami sa OB ng hospital para silipin ang result ng latest ultra-sound ni Marie. Pinakita ang result sa amin and its a baby Girl.

Tumulo ang luha ko habang tinitingnan ang ultrasound pictures ng baby na nakahiga sa loob ng tiyan ni Ate. Masaya kami ngunit napapaluha rin.

"ate my barbie na ako" naiiyak kong sabi ky ate Kristy. Niyakap nya ako na natatawa at naiiyak. "may barbie na tayong lahat" sabi ni ate Joan.

Pangarap ni Kuya na babae ang panganay nya dahil puro lalaki ang mga anak ng mga kaibigan nya, gusto nya na maging katulad ni ate Marie ito na maalaga at responsable, minsan lang daw kasing magkaroon ng lalaking matino basta panganay.

Kinuha ko ang picture ng baby bago namin nadisisyonang umalis doon at magpahinga muna habang natutulog pa si Ate Marie.

Umuwi muna ako para kumuha ng mga gamit ni Ate at makadala narin ng pagkain.

...........

ELLA'S POV

Umuwi akong maga ang mga mata ko, nasobrahan ata ang iyakan namin kanina sa hospital.

Mas lalo kaming nag-iyakan nang malaman naming na babae ang anak ni Marie. Our future princess.

Natutulog na si Miles pagdating ko. Buti nalang at hindi pasaway ang anak ko, hindi nagmana sa akin na sakit ng ulo lang ang nabibigay ko kay Luke.

Pumasok ako sa kwarto at naupo sa bed. Naiisip ko parin ang kondisyon ni Marie. Naaawa ako sa kalagayan nilang mag-ina. Both of them is very hard to lose.

"what's the problem sweetie" tanong ni Luke nang makapasok sya sa pintuan namin.

Naabutan nya kasi akong umiiyak kaya agad nya akong dinaluhan.

Umiling ako, hindi ako pwedeng magsalita kasi sekreto namin ang pagtago kay Marie.

Umismid ako at tumayo, "maliligo lang ako" sabi ko at agad na pumasok sa banyo at doon nagkulong.

Naaawa ako kay Marie, mabait sya, maalaga. She dont deserve this things that happening to her. She's too kind hearted to suffer this pains and heartaches.

Dati nung nagtatrabaho pa sya sa Resto, gustong-gusto ko na sya. Halos nasabi ko nga sa isip ko na kung mawala man ako sa mundo gusto sya ang maging asawa ni Luke kasi alam ko na hindi mahihirapan si Luke if ever.

Naiinggit ako sa kanya na naaliw, magaling magluto, maasikaso, maalaga, matalino. Huh! Almost a perfect wife. But then not all perfect is complete whole at full package meron din palang exist baggage na syang sisira sa kanya.

I never thouht na ganito ka sagad ang kapalit ng pagiging perfect wife nya, niloko ng asawa, iniwan sa ere, nabuntis at naglihi na walang alam ang asawa and worst may pagpipilian sya kung sino ang matitira sa kanila ng anak nya.

Fate is being too rude and unfair to her life. She's not deserving to sufffer this.

Iniyak ko lahat sa ilalim ng shower.

Paglabas ko, paismid-ismid ako, alam ko na namamaga ang mata ko dahil sa nangungunot na noo ni Luke sa akin.

"tell me what's happening Sweet?" sabi nya.

Umupo ako sa kama namin at umiling. Nagpunas ng luhang ayaw parin magpaawat.

Napahawak ng sentido si Luke at naiinis. Madali pa naman syang mainis lalo na pagdating sa akin.

"tell me, what happened? Bakit namamaga ang mata mo at bakit ka umiiyak?"

Hindi parin ako nagsalita. Umiling lang ako at nagtaas ng kamay sa kanya para magthumbs up!

Napakamot ng ulo si Luke at nainis.

"lets talk later!" at agad na umalis.

Ganyan si Luke pag-naiinis sya, instead na mag-away kami, mas pipiliin nyang umalis at pumunta sa mga kabarkada nya. That is how settle his own problem.

Nakahiga na ako, nakaidlip ako ng kaunti nang makatanggap ako ng text galing kay Amy.

Lil' Amy:

Ate si Ate Marie, ipapasok na nila sa ICU. They want us to make a decision now.

Agad akong bumangon at nagbihis, buti nalang at wala pa si Luke baka masundan nya pa ako.

Sinilip ko muna si Miles sa kwarto nya bago ako umalis, natutulog na sya at nagtutupi naman ng mga damit nya ang bantay nya.

"pakisabi sa kuya mo, may pinuntahan lang akong kaibigan" pagtango nya ay umalis ako agad at nagmadaling pumunta ng hospital.

My Faithful WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon