CHAPTER 23
MARIE'S POV
Maaga akong nagising, entance exam ngayon ni JB sa malaking University na pangarap nyang pasukan.
"kumain ka ng maayos at magpakabusog ka" sabi ko sa kanya habang kaharap syang kumakain.
"galingan mo mamaya ha? Alam ko naman na makakapasa ka sa scholarship nila eh" sabi ko sa kanya.
"Ate sa lagay mong yan, parang ikaw ata ang kabado at hindi si JB" biglang singit ni Amy sa usapan.
Napangiti ako sa kanya, simula nung namanhikan sila sa amin, nagkakilala na sila ni JB. Naging magkaibigan sila.
"ganyan talaga si Ate, super excited sa lahat ng bagay" sabi ni JB.
Nagtawanan silang dalawa. "pasalamat ka at sinusuportahan kita ha?" sagot ko sa kanya.
"Ate entrance exam lang to, kung makapasa at hindi walang mawawala sa akin noh?" sabi nya.
Umiling ako, "masama bang maging supportive na ate sayo JB?"
"Ate ang drama mo, nakakahiya kay Amy" sagot nya.
Nagtawanan silang dalawa ni Amy habang sa akin nakatingin.
Malaki na talaga si JB marunong na sya mahiya.
"Ate bilisan mo nalang dyang kumain para maihatid nyo na ako" sabi nya na nagputol nang titig ko sa kanya.
"sama ako sa paghatid JB ha?" singit ni Amy.
"huwag na Amy baka makita mo pa pano magdrama si Ate, nakakahiya!" si JB.
"ano kaba JB, pasalamat ka at may Ate kang super love at supportive sayo" nakangusong sabi ni Amy.
"isasama kita Amy para din makahanap na tayo ng isusuot mo para bukas sa Prom mo" sabi ko naman.
"sige Ate, sana makahanap na tayo." sabi nya.
"bakit ba kasi kayong mga babae kailangan talaga bongga ang damit, Prom lang yan kung maganda ka kahit simply lang ang isusuot mo maganda ka parin" nakangusong sabi ni JB.
"gusto ko kasi kahit sa prom lang naman JB maging maganda ako" malungkot nyang sabi kay JB.
"maganda ka naman eh, mas maganda ka nga pag walang kularete sa mukha" sabi naman ni JB. "bakla lang ang may gusto sa make-up Amy, at maganda ka, magandang-maganda" seryoso nyang sabi kay Amy.
Napansin ko ang pagpula ng mga pisngi ni Amy sa sinabi ni JB. Pero ang kapatid ko naman parang wala lang sa kanya ang sinabi nya, siguro ay dahil kapatid lang din ang tingin nya kay Amy.
Nakita ko ang excitement sa mga mata nya na makahanap ng magandang damit. Masaya ako na naging kapatid ko sya kahit papano ay panatag ang mga loob namin sa isat-isa.
Hinatid namin si JB sa University at naghanap narin kami ng gown ni Amy after.
Nag-ikot kami sa mga designer's shop para maghanap ngunit walang magustuhan si Amy, ayaw nya raw na masyadong bongga ang gown nya.
Naisip ko na itext si Alvin para tulungan kami. Ang reply nya ay maghanap kami ni Amy ng magandang tela dahil sya naraw ang bahala bukas, basta ihanda lang raw namin ang mga materiales na tinext nya sa akin.
Nakahanap kami ng magandang black na tela na may mga ready made sequences na. Marami kaming tela na binili para may pagpipilian si Alvin bukas.
Umuwi kami ni Amy right after rin na makabili kami ng shoes nya na gagamitin bukas.
Ngayon ang uwi ni Eric, excited akong makita si Eric halos tatlong araw din kaming hindi nagkita.
Pagkabukas ng gate ni Manang, tumakbo ako papunta sa pintua para salubungin sya.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...