SPECIAL CHAPTER FOR AMY
Simula nang umalis si JB, natuto na akong tumambay sa bahay, maglinis at magluto. Nagsikap ako sa pag-aaral para hindi ko sya mabigo pagbalik nya.
Magkasama sila ni Kuya Justine pumasok sa isang dorming school sa London. Kumuha ng isa pang major si Kuya Justine habang si JB naman ay malapit nang maging isang ganap na Surgeon.
Halos araw-araw kami kung magskype, kahit hindi nag-uusap dahil nag-aaral kami pareho as long nakaon lang ang skype para makita namin ang isat-isa.
Tulad ng isang long distance relationship, lagi din kaming nag-aaway tapos mamimiss namin ang isat-isa kaya mag uusap na naman kami o magchat.
Gagraduate na ako ngayong katapusan, dahil inspirasyon ko si Heart magtatapos ako ng kursong Business Management with a flying colors. Magna Com Laude ako at wala pa akong sinabihan. Ako ang may highest honor sa College namin kaya binigyan ako ng chance na mag speech bilang salutatorian sa buong batch.
Panay ang ipon ko sa mga grade card kong may Dean's Lister na tatak. Gusto kong isurprise si Dad, si Kuya at Ate Marie, lalong-lalo na si Heart ko.
May isang taon pa si JB sa London, sabi ni Dad kailangan nya ng experience at another practice para pagdating dito hindi sya mahirapan at manibago.
Simula nang gumaling si Ate Marie, naging masaya sila ulit sila ni Kuya. Malaki narin si Chesca at hindi sya tumulad sa akin dahil mabait sya at behave, matalino sya kasi ako ang tutor nya. Madalas kaming magkasamang dalawa, tawag nya sa akin Tita Best kasi sabi nya sa lahat raw ng Tita nya ako ang pinaka the best.
Papasok na kami sa Graduation Hall, suot ko na ang Toga ko. Uupo sila Dad sa likuran kasama nya sina Kuya at Ate, si Chesca at si Kuya Jacob na nagtayo na nang photography school nya.
"ayusin mo ang paglalakad ha? Isang besis kalang aakyat dyan kaya dapat galingan mo ang pagtanggap ng diploma mo. Solong photographer mo si Kuya Jacob mo. Smile ka ha?" kabado si Kuya para sa akin. Masaya raw sya at magtatapos na ako. Hindi nya raw kasi naisip makatapos ako kala nya raw kasi magmomodelo ako o magiging artista.
"no matter what baby, kuya is very proud of you!" niyakap ako ni Kuya at ilang besis nya akong hinalikan sa noo. Natatawa lang and pinaka the best kung ate na 2 months pregnant narin ngayon.
"matutuwa si JB para sa araw na to, finally ang tamad nyang heart ay gagraduate na at on time pa talaga" napapangiti si Ate habang inaayos ang toga ko na kinusot ni Kuya.
"Are you ready?" tanong ni Dad. Kagagaling nya lang sa labas at may kinausap na business partner. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Nangsimula nang mag martsa ang mga graduates, nagtaka sila nung pumasok ako sa Grad Hall na may hawak na flag nang College ko. Napapangiti ako sa mga pagtataka nila.
Pagkatapos nang bigayan ng Diploma, tinawag naman ang mga with honors. Excited ako kung ano kaya ang magiging reaction nila mamaya.
"Amalia Andrea del Blanco-Muniz, College Leadership Awardee, Student Achiever of the Year and Magna Cum Laude" dinig ko ang palakpakan ng mga tao sa loob ng hall. May ilang sumisipol pa at nagchecheer din ang mga kaibigan ko at kabatch ko.
Lumingon ako na naiiyak habang si Dad parang hindi makapaniwala sa narinig nya, nilapitan ko sya para kunin sya sa kinauupuan nya, nakayuko lang sya at nakangiti.
"Dad? Kuya? Pwede sabay kayo?" sabi ko. Tumayo si Kuya at niyakap ako. Tumayo rin si Dad para yakapin ako.
"the first and ever the best surprise you had given me my child, your Mom will surely throw up a fest in heaven" sabi ni Dad na naluluha.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...