CHAPTER 10
ERIC's POV
"Magandang gabi po?" bati ko sa Tiya at Lola nya na halatadong naghahanda na ng hapunan.
Ngumiti sila sa akin.
"si Marie po?" Nahihiya kong tanong sa kanila.
"nandyan, umiiyak paki daluhan naman?" ani ng Lola nya sabay turo sa isang pintuan na katabi lang din ng pintuan ng kwarto ni JB.
Tumango ako at kumatok sa pinto. Ngunit hindi ito nagbukas. Nakita kong sumenyas ang Lola nya na pasukin ko nalang.
Pagbukas ko, nakita ko sya nakatayo sa bintana at sa lupa nilang may For Sale naka tingin.
Niyakap ko sya mula sa likuran at pinatong ko ang baba ko sa balikat nya.
"anong problema?" mahina kong tanong.
Umiling sya pero tumutulo parin ang mga luha nya.
"so gusto mo lang umiyak kahit wala kang problema?" sabi ko.
Mahina syang tumawa at hinampas ang mga braso kong naka pulupot sa tiyan nya.
"what?" tanong ko sa paghampas nya.
"im asking you why are you crying hon?" malambing kong sabi.
"wala, nag seself pity lang" sabi nya at humarap na sa akin.
"sige, sabayan na lang kita. Anong drama natin?" natatawa kong tanong.
"kainis ka talaga!" sabi nya at mahina akong hinampas sa dibdib.
"selfish mo naman hon, ayaw mo magpasabay sa drama mo" seryoso kong sabi na kinatawa nya lang.
"he!" kumalas sya sa mga yakap ko. Pulang-pula ang ilong nya at namumugto na ang mga mata nya.
"ang cute mo pala kapag umiiyak ka hon, halika picture tayo" hinila ko sya pero umayaw siya.
"loko-loko ka talaga" sabi nya at umupo na sa bed nya.
Napailing narin ako at tumabi sa kanya.
"kagigising mo lang?" tanong nya habang nakahiga sa bed ang kalahati ng katawan nya.
Tumango ako at nakihiga narin.
"Napasarap ata ang tulong ko" sabi ko.
"maaliwalas kasi ang kwarto ni JB" sabi nya.
Inilibot ko ang mata ko, pareho lang naman ang laki at desenyo ng kwarto nila ni JB, yun nga lang walang palamuti ang kwarto ni JB hindi pareho ng kay Marie.
Nakita ko ang isang malaking portrait nya na may korona at para syang reyna.
"ang ganda naman ng reyna?" sabi ko , dinig ko ang mahina nyang tawa at dinilaan pa ako.
"kelan yan?" tanong ko. "nung 18 pa ako nyan. Hahahah! Nag reyna elena ako dito sa san jose, nakakahiya nga eh kasi first time kong magmukhang ganyan" natatawa sya pero ako gandang-ganda sa kanya.
"gusto na talaga kita makasama sa pagtulog" utas ko habang nagtitigan kami ng matagal.
Pinukol nya ako ng daliri nya sa noo ko at umiling sya. "nasisiraan kana naman ng ulo".
Bigla ko syang niyakap at kiniliti sa baywang. Napuno ng halakhak nya ang buong kwarto, umingay ito.
Bigla kong itinigil at niyakap sya ng mahigpit. "seryoso ako!" sabi at natahimik naman sya.
Hinila nya ako palabas ng kwarto, hindi naman ako umangal at nakiayon nalang ako gusto nya.
Paglabas namin, nakahanda na ang mesa nila. Kakaakyat lang din ng tiyo nyang bagong ligo.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
قصص عامةNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...