CHAPTER 7
ERIC's POV
December na, halos tatlong buwan narin kami ni Marie. Maayos naman ang relasyon namin. Gaya ng normal na magkasintahan may away at bangayan din kami. Ako ang seloso at laging nagsisimula ng gulo at sya naman ang gusto ko laging maglambing. Mabait si Marie, never ko syang nakitang pumatol sa galit ko. Tahimik lang sya sa away namin at hindi sya kelan man nagtaas ang boses sa akin. Into yung gusto ko sa kanya submissive sya when it comes sa relationship namin.
Maswerte ako sa kanya kasi masyado syang masunurin at malambing. Marunong syang magdala sa relasyon kahit ako ang first boyfriend nya.
Ngayong pasko, magsasara ang resto ni Luke ng tatlong araw 23- 25 para naman makapag bakasyon ang mga tauhan nya. Kaya naman masaya si Marie na makakauwi nasya sa kanila. Ako naman ang nalulungkot kasi hindi ako makakauwi ng London kasi ayaw kong magtagal doon at parang hindi ko pa kayang iwan si Marie lalo na ngayong inlabibo ako masyado sa kanya.
"anong gagawin mo dito?" tanong nya, nasa loob kami ng kotse ko ngayon. Bukas ang uwi nya at excited na sya, ako naman parang magkakasakit agad sa pag-aakalang tatlong araw ko syang hindi makikita.
"wala, tambay sa bahay" sabi ko habang diretso ang tingin ko sa daan. Nakapark kami sa plaza kung saan maraming display na pailaw.
"gusto mo, huwag nalang akong aalis?" tanong nya na nagpangiti sa akin. Hinawakan ko ang pisngi nya "you wait for this for so long, grab it and ill be fine here" sabi ko.
"do you think sasaya ako doon kung alam kong mag-isa ka lang dito?" sabi nya at nag pout pa. Hindi ako makatiis sa cuteness nya, hinalikan ko sya sa labi.
"ill wait for you here, 3 days lang naman eh, taz sa akin ka naman magnew year diba?" sabi ko habang nakasandal ang noo ko sa kanyang noo.
"are you sure?"nagdadalawang isip nyang sabi.
"yup, ill pick you up pagbalik mo and sa bahay kita iuuwi untill new year" sabi ko habang nakatitig ako sa mga mata nya. Ill be missing these eyes, kaya dapat lubus-lubusin ko na.
"sumama ka nalang kaya sa amin, para maipakilala narin kita kina Tatay at Nanay" bigla syang ngumiti na para bang nakahanap sya ng solusyon.
"nah! Not now hon" sabi ko, nahihiya ako. Natatakot na baka ayawan nila ako.
"sige na, mabait naman sila eh, mas mabait pa nga sila kesa sa akin eh!" para syang bata na namimilit. "tapos si JB gusto kana rin nyang makilala" pahabol nya pa.
"maybe next time hon" hinalikan ko sya sa noo. Ang totoo gusto kong sumama, gustong-gusto ko para makita ko ang kinalakihan nya.
"kapag hindi ka sasama, sige ka? baka makita ko yung crush ko nung high school mainlab ako bigla" parinig nya, para syang bata na nakahalukipkip ang mga braso at nagpapalambing.
"subukan mo lang, baka maheadlines sya ng wala sa oras" matapang kong sinabi sa kanya.
"kahit na, bakit kilala mo ba sya?" masungit nyang sabi.
"ipapahanap ko sya, remember marami akong tauhan" masungit ko ring sabi sa kanya. Natatawa na ako pero gusto ko talaga syang inisin muna.
"kung mahanap mo man sya, sigurado akong nagkiss na kami noh?" taas kilay nyang sabi na nagpangiti sa akin.
"okay lang, sige ako din, maghahanap din ako dito. Hanapin ko yung ex kong laging tumatawag sa akin" pagkasabi ko agad syang lumingon sa akin.
"edi hanapin mo" galit nyang sabi.
"oo nga eh, december pa naman. Malamig masarap yung may kayakap" sabi ko na may diin ang mga salita para inisin sya lalo.
Lumingon sya sakin, at parang galit. "yan ba ang reason bakit ayaw mong sumama sa akin bukas?" seryoso nyang sabi sa mahinang tono.
BINABASA MO ANG
My Faithful Wife
General FictionNaging: #1 richkids #1 poorgirl Anong gagawin mo, kung ang tahimik mong buhay ay biglang ginulo ng isang lalaking ni minsan ay hindi mo nakita o nakasama? Pano kung malaman mo na minahal kalang para makalimutan ang nakaraan? Pano kung napamahal...