Trisha's POV
"Di ba masyado silang natagalan ngayon? Parang antagal nila Claude?" Tanong ko kila Mommy. Syempre nag aalala din ako. Almost 5 hours na sila sa pinuntahan nila.
"No need to worry, Anak. May kasama silang Soldiers dun. They promised me that they're going to protect those 4 with their own lives even though...." napabuntong hininga naman si Daddy. Dad's right. Nag promise sila. Pero dapat talaga hindi kami ang inuna nila.
There's a guilt on me. Dad knows it. There's a time that I want to check their Family but it was too late. Naiiyak nga ako pag naiisip ko na pinili nila kami kesa sa mga pamilya nila. Although not all of them have their own families. We didn't deserve this kind of security kasi mas deserving ang mga pamilya nilang naging Zombies and now eating each other.
"Huyyyyyy...." tawag ng isang boses na nasa likod ko. Tinignan ko ito pero parang may dumapo sa mga pisngi ko.
"Hi ! Kanina pa tulala ang mahal ko. Okay ka lang ba mahal ?" It was Lavi. Napatingin ako sa kanya pero ginantihan niya ako ng isang matamis na ngiti. Di ko mapigilang gantihan ito ng isang ngiti.
"Okay lang ako..." sagot ko sakanya. At tumunganga ulit. Mukhang hindi ito naging satisfied sa sagot ko at tumabi siya sakin.
"Alam mo Mahal... pwede mo namang sabihin sakin kung anong bumabagabag sayo. Masama kasi ang pag kimkim ng feelings. Maiipon yan sa puso mo hanggang sa mapuno. Pag yan pumuno di mo na alam ang gagawin mo. It's either makakagawa ka ng masama o tatanda ka dahil sa pagiisip na yan. HAHAHAH-" Kinurot ko nga sa tagiliran. Bwiset to ah ! Napaungol naman ito sa sakit. Ibang ungol. Kinurot ko ulit siya. Umungol ulit ito. Napatingin ako sa kanya bigla itong ngumiti ng nakakaloko.
"Aba't -" akmang kukurutin ko ito ng pinigilan niya ang kamay ko.
"Aba ! Hinay hinay lang, Mahal ! Hindi porket mahal kita eh. Kukurot - kurotin mo nalang ako ? Yung kagwapuhan ko, Mahal!" birong sabi ni Lavi. Tinignan ko na lamang ito ng masama.
"Gwapo ka ? Kelan pa ?" tanong ko dito. Kunyare mataray muna ako. WAHAHAHA ! Enebeeee. Bigla naman itong nag pout. HAHAHA ! Pabebe amp.
"We're underattacked !!" sigaw ng isang lalaking kasama namin. Nakalimutan ko yung pangalan niya eh. Basta yung bagong lalaki ! Tumingin kami ni Lavi sa direksyon kung san nang galing ang boses.
"Shit." mahinang sabi ni Lavi. Sino ba naman kasing hindi mapapashit kung andami nila ? Like seriously ? Andami nila ! Kasing dami ng damo !
Naramadaman ko naman may humawak sa kamay ko. Tinignan ko. It was Lavi.
"San tayo pupunta ? Tutulungan pa naten sila !" tanong ko sa kanya. Pero di man lang ito sumagot. Tuloy-tuloy pa din siya sa pag takbo habang hila hila ako or more like kinakaladkad. Nakarating kami sa sasakyan.
"Oh? Anong gagawin naten dito ?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang to sakin at kinuha ang armas niya.
"Stay here. You don't need to help. You're just going to risk your life. Your life is really precious to me." sabi nito sakin at sabay halik sa noo ko. Nagulat ako sa mga sinasabi niya.
"Ano bang sinasabi mo dyan ha Lavi ? You're risking your life too ! Life's a precious thing. You can't even buy it ! Lahat tayo ! We're ALL risking our life !" Pasigaw kong sabi sa kanya. Ngumiti lang ito inreturn. Sabay halik saking mga labi.
"Dami mong dada, Mahal. Ping iistay lang kita sa loob para bantayan ang kapatid mo." sabi nito sakin at ngumiti ulit. Err.. Babantayan lang si Sofia ? Putek ! Nahiya ako dun ah. Ano bayan ha Trisha ! Kung ano ano na ang pinag sasabi mo ! >_<
"Hahaha ! Mahal, dun ka na sa loob. Ingat ka ha ?" sabi nito at humalik ulit sakin.
"Ikaw dapat ang sinasabihan ko niyan." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Kahit kengkoy to. Mahal na mahal ko yan. :)
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse : Dead End ( The Last Of Us ) [MAJOR REVISIONS]
RomancePaano nalang pag mulat ng iyong mga mata. Hindi na tao ang makakasama mo ? Kundi mga patay na muling nabuhay. In short Zombies. "This world is not safe anymore." - Shiro "Don't look back." - Lavi "Be thankful for everything for soon there will be n...