11 : Buwan

35 7 0
                                        

Consolacion, Cebu
Ika-25 ng Nobyembre, 1964

Para sa lalaki na
inihambing ako sa buwan,

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎"Tingnan mo, hugis pakwan ang buwan." Iyon ang katagang binitawan ko nang masilayan ang kanais-nais na ganda ng buwang nagniningning sa kalangitan. Hindi iyon buo, ngunit kahit gayon ay masisipat ng iyong mga mata ang perpektong hugis nito sa pasyong kaniyang dinadala. "Ipagpaumanhin mo ang aking pagsalungat sa iyong opinyon, ngunit, hindi ko wari makitang ikaw ay hugis pakwan." Iyong isinagot na aking ikinabigla. Hindi ko masyadong maintindihan ang koneksyon at gusto kong diretso mong sabihin sa akin nag nilalaman ng pangungusap na iyon.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ngunit sa pagtitig mo nang matagal sa aking mga mata, tila iyon na ang koneksyong nagpaliwanag sa akin ng nais mong sabihin. Ang repleksyong ng buwan sa iyong mga mata ay aking tanaw na tanaw habang sa likod niyon ay ang aking natutuwang ekspresyon. Ito ay maaaring tila isang maliit na kilos lamang para sa iyo, ngunit nang iyo akong ihambing sa buwan na nagniningning ay tila naantig nito ang kung ano sa aking puso at hanggang ngayon, kahit pasikat na ang araw ay nanatili pa rin sa akin ang mga salitang iyong inusal.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ipinaliwanag mo sa akin na, tulad ng buwan, ako ay patuloy na nagbabago at palaging nagbabago. Sinabi mo sa akin na nagpapalabas ako ng isang tiyak na liwanag at kagandahan, tulad ng ginagawa ng buwan sa kalangitan sa gabi. Noong una, hindi ako masyadong naniniwala sa iyo. Hindi ko akalain na ako ay magiging kasing perpekto at kahanga-hanga gaya ng buwan. Ngunit habang iniisip ko ang iyong mga salita, nagsimula akong makita ang aking sarili sa ibang liwanag.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ayaw kong inihahambing ako sa kahit ano, ngunit walang salita ang namutawi sa akin nang buwan ang iyong ihambing sa akin. Ang iyong mga salita ay mananatili sa akin sa buong taon, o kahit pa dekada. Hindi rin lingid sa akin na sila ay waring magbibigay sa akin ng isang pakiramdam ng kamalayan sa sarili na hindi ko kailanman naranasan. Ako ay walang hanggan na nagpapasalamat sa paraan ng pagtingin mo sa akin at para sa natatanging paghahambing na ginawa mo. Maaaring ito ay isang maliit na bagay at wala lamang sa iyo, ngunit para sa akin, ito ay isang sandali ng pagtuklas sa sarili at pagtanggap.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Salamat, dahil nakita mo ako sa paraang hindi ko nakita ang sarili ko dati. Maraming salamat sa iyong pagpapakita ng magandang intensyon, dahil walang bakas ng panggogoyo sa iyong boses. Dahil doon, lagi kong aalalahanin na minsan sa aking buhay, mayroong lalaki ang nagawa akong ikumpara sa buwan. Tila ako ay nabuhay sa panaginip, dahil hindi ko kailanman naisip na iyon ay mangyayari. Ayaw kong inihahambing ako sa kahit ano, ngunit kung ikaw ang maghahambing sa akin, paniguradong ikatutuwa ko pa iyon dahil alam kong sa dalawang bagay mo lang nakikita ang sarili ko: kalangitan at buwan.

Lubusang ngumingiti,
Iyong inihambing sa buwan

Lihim Na LihamMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon