Consolacion, Cebu
Ika-17 ng Oktubre, 1964Para sa ginoo na
sa akin ay nagpaligaya, Malinaw pa sa aking isipan ang iyong itinuran kaninang hapon nang sabay tayong magtungo sa malapit na burol. Iyong binulong sa akin ang mga katagang, "Pakakasalan kita sa simbahang iyan." Sabay turo mo sa simbahang ating nadaanan habang naglalakad. Iyon din ang simbahan kung saan tayo unang nagtagpo. Hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking naramdaman. Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong una nating pagkikita, ngunit malinaw pa rin sa isip ko ang mga alaala ng ating unang pagtatagpo. Parang noon lamang ay halos hindi ko maatim na ikaw ay kausapin, ngayon ay heto ako, kasama kang hinaharap ang unos ng kasalukuyan.
Napagtanto kong ikaw pala ang unang lalaking nagbigay sa akin ng tunay na pagmamahal at saya. Simula nang pagmasdan kita, alam kong may kakaiba sa iyo. Nang haranahin mo ako isang gabi kahit kita mong nagngangalit ang aking ina ay hindi ka nagpatinag. Tila hindi iyon ang ipinunta mo roon nang gabing iyon kaya't tuloy sa paggigitara. Ang tuwa ko nang gabing iyon ay abot langit. Walang bagay kang ginawa na hindi ko nagustuhan. Kahit ang simpleng pag-iipit mo ng aking buhok sa likuran ng aking tainga ay labis kong ikinatutuwa.
Ipinakita mo sa akin kung ano ang tunay na ibig sabihin ng mahalin bilang ako. Ang iyong walang humpay na suporta, pasensya, at kabaitan ay nagpakita sa akin na ang tunay na pag-ibig ay umiiral. Lagi kong dadalhin sa aking isipan kung paanong ang iyong presensya ang palaging nagpapasaya ng aking araw. Sa pamamagitan man ng iyong nakakahawa na pagtawa o iyong nakakaaliw na yakap, mayroon kang paraan para mawala ang lahat ng aking mga alalahanin. Wala akong mapait na alaalang mahahanap sa aking isipan na ikaw ang kasama.
Para tayong nasa isang pelikula kung saan palaging masayang namumuhay ang mga magkasintahan. Ang atin mga kusang paglalakbay na ako pa ay iyong susunduin at ihahatid sa aming bahay. Bawat sandali na kasama ka ay punong-puno ng hindi matatawarang pagmamahal at saya. Hindi ko malilimutan ang paraan ng pagtingin mo sa akin nang may pagmamahal at pagsamba sa iyong mga mata. Salamat sa pagiging unang lalaking nagbigay sa akin ng tunay na pagmamahal at saya. Palagi kang magkakaroon ng isang espesyal na lugar sa aking puso, at iingatan ko ang ating mga alaala nang magkasama.
Alam kong maraming beses ko na itong naisulat sa aking liham, ngunit lubos akong nagpapasalamat dahil dumating ka sa aking buhay. Ikaw ang lahat sa akin. Ikaw ang kahulugan ko ng higit pa. Ang buong pagkatao mo ay naghahatid sa akin ng ligaya. Parati. Ikaw at ako, tayo palagi.
Taos-pusong sumusulat,
Isipan ko at kaluluwa

BINABASA MO ANG
Lihim Na Liham
Truyện Ngắn[An Epistolary: Completed] Madalas sabihin ng mga manunulat na kapag nakatanggap sila ng isang sulat, itatabi nila iyon sa madaling makita. Ngunit may mga tao rin na kapag nakatatanggap ng liham ay itinatago iyon sa lugar na hindi madaling tingnan u...