Year 2024 . . .
I scanned every letters once again, and the year that was written there is 1964. Ibig sabihin, kung 2024 na ngayon, 60 years na ang mga letter na 'to sa cabinet? I took the box containing the letters and closed the old cabinet. I ran outside my room and started looking for my mom.
"How many times do I have to tell you, Jennica, do not run inside this house!"
I stopped. I guess I don't have to look for her now. Marahan akong naglakad palapit sa kaniya at ibinagsak sa sahig ang karton na naglalaman ng mga sulat. Tiningnan ko ang ekspresyon ng aking ina na tila hindi makapaniwala.
"Ma, tingnan mo. Ang daming sulat. Panahon pa siguro 'to ng Kastila kasi ang baho na ng papel," patuloy kong pagsasalita, pero parang wala man lang sa sarili si mama at nakatitig lang sa kahon ng mga sulat. "Ma!" I shouted as I wave my hands in front of her.
She cleared her throat, trying to recover. She, then, asked, "Where did you get those?"
"Doon sa kwarto ko. 'Di ba may malaking lumang aparador doon? Nililinis ko 'yon, tapos pagbukas ko sa isang drawer, nakita ko 'yang kahon. Alam mo na, may lahing pusa ang pamilya natin kaya sa sobrang curious ko, binuksan ko 'yong kahon." Mukhang hindi natuwa si mama sa paliwanag ko kaya muli akong nagtanong sa kaniya. "Juanita ang pangalan ni lola, 'di ba? Kilala mo ba si Maximo, ma?" That random question made her uncomfortable. Kahit malinis ang table counter ay pinunasan niya 'yon nang paulit-ulit.
"Itago mo na 'yang mga 'yan. Hindi 'yan sa atin."
I won't deny that these letters made me feel shocked as I read it all through the last letter. Ilang letters ba 'yon? I lost count after reading the sixteenth letter.
I kept my gaze on my mother, who was still busy trying to clean the clean table counter. She sighed in disbelief as she looked at me. Binitawan niya ang hawak na pamunas.
"Why do you want to know the history of those letters?"
"Wala lang, nabasa ko kasi. Parang ang lalim ng mga nilalaman. At saka ma, 'di ba bahay ito ni lola? Dito ka tumira dati, kaya baka alam mo kung kanino 'yang mga sulat."
"Jennica."
"Ma?"
"Jenni."
"Bakit, ma?"
"Jen."
"Mama naman! Bakit nga?"
"Ang mga sulat na 'yan ay sinulat ng iyong lola para sa unang pag-ibig niya."
Those words filled the whole kitchen as my mouth parted. I was silenced.
"Unang pag-ibig? Hindi si lolo ang first love ni lola?"
Umiling si mama.
Hindi na bago sa akin na makarinig ng mga ganitong bagay tungkol sa first love at greatest love kuno dahil sa mga nababasa ko sa libro, pero hindi ko rin maisip na sa dinami-rami ng tao sa mundo, lola ko pa ang makararanas no'n. Totoo pala talagang nangyayari ang mga bagay na 'yon sa totoong buhay.
"Noong bata pa kami ng mga tita at tito mo, palaging may kinu-k'wento sa amin si mama. Tungkol 'yon sa babae at lalaking hindi nagkatuluyan dahil ipinakasal sa iba ang babae-"
"Simulan mo sa umpisa, ma. Please," putol ko sa sasabihin niya. At sa hindi mabilang na pagkakataon, muli na naman siyang bumuntong hininga.
"Ang lola mo, si Juanita, at ang lalaking una niyang minahal, si Maximo, ay nagkakilala sa simbahan. Nasa loob ng tirikan ng kandila si Maximo, habang ang lola mo ay bumibili ng sampaguita. Taimtim na nagdarasal daw no'n si Maximo, at hindi sinasadyang marinig ng lola mo ang sinabi niya." Tumigil siya saglit at ngumiti. "Nawa ay dumating na ang babaeng inilaan Ninyo para sa akin." Mahina akong natawa. "'Yon daw ang sinabi ni Maximo kaya't tinawanan siya ni mama. Akala niya ay papansinin siya ni Maximo noon, pero umalis lang daw ito nang walang sinasabi na kahit ano."
Binuksan ko ulit ang kahon na may lamang mga sulat at binilang iyon isa-isa.
Twenty.
"Mula noon ay lagi nang nabibigyan ni mama ng pansin si Maximo kahit sa simbahan lang sila nagkikita. Hanggang sa palagi iyong nangyari, at nagkaroon na ng lakas ng loob umakyat ng ligaw si Maximo. Masaya raw sila, sabi ni mama. Puno raw sila palagi ng pagmamahal kahit noong hindi pa sila nagkaka-aminan. Parang kahit ang tadhana, walang tutol sa relasyon nila. Kilala sila pareho ng mga magulang nila kaya wala silang nagiging problema."
"Pero? May pero 'yan, ma. Pero ano?"
"Pero sinabi ni nanay, mama ng lola Juanita mo, na gusto niyang sa mayaman maikasal ang lola mo. Gusto niya ng lalaking kayang buhayin si mama at magiging pamilya nila."
"Bakit po hindi pinaglaban ni lola si Maximo?"
Umiling si mama bago nagpatuloy, "Ilang beses daw niyang ipinaglaban ang pagmamahal niya kay Maximo. Maraming beses daw siyang nakiusap kay nanay na tanggapin si Maximo, pero kahit anong gawin niya ay hindi nito mapantayan ang kagustuhan ni nanay na ipakasal siya sa mayamang lalaki." Her smile was full of sadness, kitang-kita 'yon sa mga mata niya. "Sumulat si mama kay Maximo tungkol sa bagay na iyon, pero hindi niya raw pinadala."
"Anong nangyari kay Maximo? Nagkita pa ba sila ni lola?"
Tumango si mama. "Nagkita sila sa mismong kasal ng lola mo. Handa na raw sanang tumakbo ang lola mo palabas ng simabahan kasama si Maximo, pero nang magtama ang mga mata nila, ngumiti lang si Maximo at lumabas ng simbahan. At alam mo kung anong pinaka-masakit sa k'wento nilang dalawa?" Sandali itong tumigil bago muling nagpatuloy. "Ikinasal ang lola mo sa simbahan kung saan nila ipinangako ni Maximo na magpapakasal, pero ibang lalaki ang naghihintay sa harap ng altar. Ang simbahan kung saan ikinasal ang lola mo ay ang simbahan kung saan una at huli silang nagtagpo ni Maximo."
"That's... way more painful that I thought."
"Kaya ang mga liham na 'yan kasama ang pamamaalam niya ay nanatiling lihim hanggang ngayon dahil hindi na siya nagkaroon ulit ng tyansa na makita si Maximo matapos niyang ikasal sa Lolo Ismael mo."
I cannot imagine how painful it is for the both of them. Ako nga na hindi nakaranas ay nasaktan sa mga narinig ko mula kay mama. Paano pa si lola? Si Maximo? Paano nakayanan ni lola na humiling na sana mahanap ni Maximo ang babaeng kaya siyang ipaglaban hanggang dulo dahil sa tingin ko, si lola lang ang tanging babaeng nais ni Maximo na lumaban hanggang dulo. Paano si lolo? Natutuhan kaya siyang mahalin ni lola katagalan? Hindi ko maisip kung gaano kasakit iyon para sa kanila.
I wonder if Maximo still wrote poems to lola after she ended things between them. It's clearly stated in those letters how they love each other, how they found peace in their very own ways. Pero sana sa susunod nilang buhay, sila na talaga at hindi na hadlangan ng tadhana.
But one thing's for sure. Ang mga liham na iyon ay mananatiling lihim ng aking namayapang lola para sa kaniyang unang pag-ibig.
YOU ARE READING
Lihim Na Liham
Short Story[An Epistolary: Completed] Madalas sabihin ng mga manunulat na kapag nakatanggap sila ng isang sulat, itatabi nila iyon sa madaling makita. Ngunit may mga tao rin na kapag nakatatanggap ng liham ay itinatago iyon sa lugar na hindi madaling tingnan u...