06 : Gunita

40 7 0
                                        

Consolacion, Cebu
Ika-3 ng Oktubre, 1964

Para sa ginoo na aking
laging nais maalala,

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Narito na naman ako ngayon at sumusulat ng liham sa iyo. Nais kong ipabasa sa iyo ang mga isinusulat ko, ngunit hindi pa ngayon. Habang nakaupo ako sa aming hardin, katabi ang rosas na iyong ibinigay, isinusulat ko ang liham para sa iyo sa hindi malilimutang araw na ito. Ang puso ko ay wari'y nagagalak at gustong kumawala dahil sa labis na saya. Parang kahapon lamang noong una tayong nagkita at ako ay 'yong hinarana, ngayon, hindi ko makita ang buhay ko na wala ka. Nais kong palagi kang nasa aking tabi, at hangad ko ang kasiyahan sa ating puso oras na magkasama na tayong tumanda.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Hindi naman lingid sa iyong kaalaman kung gaano ako kasiya tuwing ikaw ay nakikita, ngunit hindi mo alam kung paano nabihag ng iyong kaluluwa at mainit na pagmamahal ang aking puso. Bawat sandali at oras na ating pinagsasaluhan ay talaga namang aking hindi makakalimutan. Noong nakaraang dalawang araw pa ang huli nating pagkikita ngunit pakiramdam ko ay napaka-tagal na niyon. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasanay ka na sa presensya ng isang tao? Hangad kong hanggang dulo ay ganito ako dahil hindi ko kailanman natatanaw ang sarili ko na sa presensya ng iba nasasanay.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Ngayon ay nagmamarka ng isang paninibugho ang aking puso bagkus sa araw ding ito ay napagtanto kong palalim na nang palalim ang aking nararamdaman para sa iyo. Isang araw ay sabik na sabik na naman akong hinihintay ka sa ilalim ng puso ng aratilis. Napupuno ako ng napakalaking kagalakan dahil alam kong gumigising ako araw-araw nang may ikaw; upang ibahagi ang aking buhay sa iyo at tumanda kasama ka.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan ka sa pagiging kahanga-hanga mong tao. Nasa iyo na ang lahat at wala na akong mahihiling pa. Binuhusan mo ako ng pagmamahal, sinuportahan mo ako sa lahat ng aking pagsisikap, at ginawa mong mas maliwanag ang bawat araw sa iyong presensya. Ang iyong pag-ibig ay nagdulot ng labis na kaligayahan at kahulugan sa aking buhay at ako ay nagpapasalamat magpakailanman para doon. Sa araw na ito, gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin.

‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎‎ ‎ ‎ ‎ ‎Hindi na ako makapaghintay na makita ang hinaharap nating dalawa nang magkasama. Ikaw at ako, pawang isinusulat ang ating kwento nang nasa iisang bubong. Ngayon, aking napag-isip-isip na ibibigay ko ang mga liham na ito sa iyo sa panahong maging iisa ang ating puso. At kapag iyon ay naisakatuparan, hangad kong dalawang beses na sumibol ang galak sa iyong puso, dahil sa magkaibang gunita.

Palaging sa iyo,
Aking puso

Lihim Na LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon