I. EYES AND LIPS

1.6K 40 4
                                    

TWO MONTHS LATER...

I. EYES AND LIPS

"Grigor, tingnan mo nga yung face ko kung marumi," bulong ko sa kaibigan kong si Grigor.  Nasa isang disco bar kami, kasi niyaya kami roon ni Dominika, ang diyosa ng school namin.  Maswerte ako dahil itinuturing niya akong kaibigan kahit pa simple lang ako, at hindi kagaya niya na talaga namang pinagpapantasyahan ng mga guys.  Nagme-make up ako noon, nang mapansin ko ang isang lalaki na malagkit ang tingin sa akin, that's why I asked Grigor kung madumi ang face ko.  Napansin kong busy siya sa kaka-text kaya hindi niya sinagot ang tanong ko.  I was starting to feel uneasy.

"Grigor, ano ba!  Madumi ba face ko?" tanong ko ulit.

"Tigilan mo na nga yang mga pa-cute antics mo," natatawa niyang sabi.  "Kung alam mo lang, Fille, mas maganda ka pa sa Dominika na 'yon."  Lihim akong natuwa sa tinuran niyang 'yon, kaso nga lang super close kami no'n kaya alam ko sasabihin niya talaga 'yon para lang matuwa ako, o kaya ilibre siya.  Gusto ko sanang makipag-asaran sa kanya but upon looking at the guy again, I felt really weird.  Titig na titig talaga sa 'kin 'yung guy, at ni hindi man lang kumukurap.

"Grigor, tingnan mo 'yung guy o."  Bakas siguro ang takot sa mukha ko kaya agad niyang nilingon ang lalaking tinutukoy ko.

"Kilala mo ba 'yon?" tanong niya.

"Hindi nga eh.  Ba't gano'n makatingin yon?  Nakakatakot," sabi ko.

Nakipagpalit siya ng pwesto sa akin para hindi ko na kaharap yung lalaki.

"Mukha bang masamang tao?" bulong ko sa kanya.  Umiling siya.

"Basta, chill ka lang diyan.  Walang mangyayaring masama sa 'yo coz I'm here," he assured me.  Iyon si Grigor, very optimistic, kaya kahit mas bata siya sa akin ay parang kuya ang turing ko sa kanya.

"There you are, Fille."  It was Dominika.  Finally, dumating na siya.  I was starting to think na ginood-time niya lang ako when she invited me to be there pa naman.  She is really so stunning.  Bahagya siyang tumango kay Grigor to acknowledge his presence.  "C'mon, Fille, join us," paanyaya niya.  Itinuro niya ang table nilang magbabarkada.  I recognized Lou, Jonathan, and her boyfriend, Simo.  Nang maupo kami sa bakanteng silya sa table nila, hindi ako pinansin nina Lou at Jonathan.  But Simo smiled at me.  Of course, he is also handsome.  I was carefully examining his face nang magsalita si Jonathan. "Si Kei o," sabi niya, pointing to somebody.  "Pare, dito ka."  Nagulat ako nang lumapit ang lalaking nagngangalang Kei.  It was the guy staring at me.

"O, 'tol, ano'ng problema mo, ba't tulala ka?" natatawang sabi ni Lou dito.

"A..wala.  May iniisip lang ako," matalinghagang tugon nito.

"Iba ka na ngayon ha, nag-iisip ka na", nakangising pang-aasar ni Jonathan.

"Oo nga eh.  Atsaka napa'no ka ba, parang antagal mong nawala," sabad ni Lou.

"Anyway, Kei.." pagputol ni Dominika sa asaran.  These are Fille and Grigor, our new friends."

"Nice meeting you, mga pare," sabi ni Kei.  "Ako si Kei."

Mga pare?  Mukha ba akong lalaki?

"Same to you, pare," sagot ko na pinalaki pa ang boses.  Nagtawanan ang mga kasama ko.

"Oh, sorry.  Miss pala", paghingi niya ng paumanhin.  "Maganda ka."

Pagkatapos niya akong tawaging pare sasabihan niya akong maganda?

"I think we should dance now."  Si Simo ang nagsalitang iyon.  Sinuklian naman ito ni Dominika ng isang matamis na ngiti, pagkatapos ay nagtungo na sila sa dancefloor.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon