IX. SECRET REVEALED

912 29 2
                                    

IX. SECRET REVEALED

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.  Nakapatay pa ang ilaw kaya lalo akong naging 'di kumportable.  Maya-maya pa ay may narinig na naman akong kaluskos.  Napabalikwas ako sa kama.  "Erno?" tanong ko.

"Si Kei 'to."      

"Kei, ano'ng ginagawa mo dito?"

"Dinalaw kita.  Nag-aalala kasi ako sa 'yo."

"Thanks, Kei.  Don't worry.  I'm fine."

"Mabuti naman.  May sasabihin nga pala ako sa 'yo, Fille.  Pinagpupustahan ka nila.  Kung sino siguro ang sasagutin mo, siya ang mananalo sa pustahan.  Narinig ko silang nag-uusap tungkol do'n.  Ipinagyayabang pa nga ni Lou na sasagutin mo siya sa loob lang ng isang linggo."

"Pati ba si Erno kasali sa pustahan?" tanong kong nanlulumo.

"Hindi namin siya kasama no'ng pinag-usapan nila 'yon, pero sa tingin ko hindi," paliwanag niya.  It wasn't so bad after all.  It doesn't matter kung pinagtitripan lang ako ni Lou.  Pwedeng-pwede ko naman siyang ipatalo sa pustahan nila.  Anyway, touched ako sa effort ni Kei.  Alam kong nagkakamali si Grigor sa pag-iisip niyang mapanganib si Kei.

"Thank you, Kei, for being here."

"Wala 'yon, Fille.  Basta para sa 'yo," sagot niya.

"Ang dilim, Kei.  Hindi ko makita ang mukha mo.  Can you switch on the light?"

"Nasa'n ba ang switch?  Hindi ko mahanap.."

"Nasa likod mo."

Maya-maya pa ay bumukas na ang ilaw.  Nakita ko na naman ang mukha ni Kei.  Titig na titig siya sa akin.  Pero kung delikado siya, bakit wala akong maramdamang panganib?  Nakaramdam na ako ng panghihina. "Kei, nanghihina na ako.  Kailangan ko na sigurong matulog.  Ikaw, uuwi ka pa ba?  Hatinggabi na.  Dito ka na lang matulog.  Pero diyan ka lang sa sahig ah."  Nginitian ko siya.  Humiga na siya sa sahig sa ibaba ng kama ko.  Maya-maya pa, ipinikit ko na ang mga mata ko...

I heard a loud ringing.  Inakala kong alarm clock ko lang 'yon at kailangan ko ng pumasok sa school.  Ringing tone pala ng cellphone ko 'yon.  May tumatawag.  Unregistered number na naman.  Bago pa man ako nakapagdesisyon kung sasagutin ko ang tawag na 'yon, sumakit na naman ang ulo ko.  Parang mabibiyak na ito o sasabog dahil sa sobrang sakit.  Kahit masakit ang ulo, binuksan ko ang ilaw.  Tumambad sa akin ang oras sa wall clock, 3 am.  Nanindig ang mga balahibo ko.  Alas tres na naman.  What a coincidence!  Naalala kong sa sahig nga pala natulog si Kei, kaya nagpasya akong gisingin siya.  But I was so shocked to see his eyes wide open, without blinking, titig na titig sa kisame.

"Kei!  Oh my God, Kei!  Ano'ng nangyari sa 'yo?" hindi siya sumagot.  Nagpatuloy ang pagriring ng cellphone ko.  Lalong sumakit ang ulo ko.  I couldn't take the pain anymore.

"Fille?" narinig ko ang boses ni Kei.  Then I passed out.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon