VIII. BOYS BOYS BOYS

999 31 0
                                    

VIII. BOYS, BOYS, BOYS....

"Here's your food, anak.  Kumain ka muna.  Pagkatapos uuwi na tayo," boses iyon ng mom ko na hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala uli sa ospital.  I was so engrossed in talking to Erno, mentally.  May bitbit siyang tray ng pagkain.  Nang muli akong lumingon sa kinauupuan ni Erno kani-kanina lang, wala na siya don.  Gutom na rin ako kaya hindi ko tinanggihan ang pagkain.  Sinubukan kong kumain kahit wala akong gana.  "Anak, oo nga pala.  Dumalaw din dito 'yung ka-partner mo raw sa school dance.  Kaaalis nga lang niya bago ka magising eh.  Ano nga bang pangalan no'n?  Hindi ba siya 'yong salutatorian niyo no'ng high school?"  Si Lou pala ang tinutukoy niya.  Parang hindi ako makapaniwala na dinalaw ako ni Lou.  I remembered he also asked me to be his partner in front of the whole class.  Why would he suddenly be interested in me?  High school pa lang ay magkaklase na kami.  Ni hindi niya ako pinapansin noon at mabilang-bilang lang ang mga pagkakataong nag-usap kami.  It felt so weird to think na bigla siyang nagkagusto sa akin.

"Anak, bakit?  Natutulala ka na naman," sabi ng mom ko.  "Tinatanong ko kung siya ba 'yung high school salutatorian niyo."  Tumango ako.  "Nanliligaw ba siya sa 'yo?  Worried na worried siya sa 'yo..."

The doctor advised me to stay overnight.  Kinahapunan, dinalaw ako ni Grigor at alalang-alala siya sa akin.  Pilit niya akong tinatanong kung ano ang problema ko.

"Wala, Grigor.  Wala talaga.  Kung meron man, I would tell you that," I told him, glad to finally have my voice back.

"Bakit ka nagtangkang magpakamatay?  I know there's something wrong, Fille.  I asked some of your classmates.  Sinabi sa akin ni Dominika na nagwalk out ka daw sa Psych class," he insisted.

"Okay, you're right.  There really is a problem.  Pero hindi totoong nagtangka akong magpakamatay.  It's just that things have been getting weird lately."

"Yeah, I know," pag-ayon niya.  "Naaalala mo pa ba 'yong unang beses na nakita natin si Kei sa disco bar?"  Tumango ako.  "Grabe siyang makatitig sa 'yo di ba?  Nase-sense kong may something sa pagkatao no'n, kasi kahapon tatlong beses kaming nagkabanggaan.  I swear sinasadya niya akong bungguin, kasi hindi siya lumilihis ng direksiyon kahit magkakasalubong na kami."

"Hinahamon ka niya ng away?"

"No.  But it's like he couldn't see me, or he doesn't care kung mabunggo man niya ako.  I can't explain why I find him weird at all, Fille.  I just could sense danger when he's around.  Nag-aalala ako para sa 'yo 'cause you hang out a lot with him these days.  Baka may balak na masama sa yo 'yon."  No, hindi magagawa iyon ni Kei.  At isa pa, kumportable naman ako sa kanya, maliban lang sa paraan niya ng pagtingin.  But I remembered, lahat ng weird na mga pangyayari ay nag-umpisa nang mapansin ko siyang titig na titig sa akin sa disco bar.  Could Kei be dangerous?  Should I stop hanging out with him?  Bakit ganito ang mga nangyayari?  Lou started acting weird.  Erno was trying to tell me something before my mom interrupted.  Ano nga kaya 'yon?  At si Kei, what is it with the way he stares?  Ano nga kaya ang nangyari sa akin kagabi?  Did I really have an overdose?  Did I really try committing suicide?

"Grigor, may kakaibang nangyayari sa akin..." bago ko sabihin sa kanya ang tungkol sa pag-uusap namin ni Erno sa isip, I've decided to talk through his mind to see if he could also hear me.

*Grigor, naririnig mo ba ako?

But Grigor was just staring at me, tila naghihintay ng sunod kong sasabihin.

"Ano ang kakaibang nangyayari sa 'yo?" tanong niya.  Kinuwento ko sa kanya ang madalas na pagsakit ng ulo ko, pati ang tawag na natanggap noong alas tres ng umaga.  Nagpasya akong 'wag ng sabihin sa kanya ang tungkol sa mga mind talks namin ni Erno dahil alam kong hindi naman niya iyon paniniwalaan.

"Siguro stress lang 'yan, Fille.  Pahinga ka lang.  And make sure na kakain ka ng dinner later.  I'll see you tomorrow at school."

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon