XXIV. THE ART STUDIO
Sa kotse habang papunta sila sa lugar na pinagsimulan umano ng lahat ayon kay Lou, hindi pa rin mapakali si Carla. Napatingin siya sa kanina pa tahimik na si Lou.
"Walang kinalaman sina Simo at Jonathan, tama ba?"
Umiling si Lou.
"Alam mo na ba ang kaugnayan ng oxygen, 5 at 4 sa krimen?" muling tanong ni Carla.
"Oo. Lahat ng tanong mo masasagot sa lugar na pupuntahan natin," tugon ni Lou.
Lugar na masasagot ang lahat ng mga tanong ko? naisip ni Carla. Ano ang lugar na 'yon? Naroroon din ba ang nawawalang si Erno at naroon na ba ang kasagutan kung bakit ito nagpanggap na isang pipi, at bakit niya kami pilit pinaniniwalang imbento lang niya ang nangyaring krimen sa pamilya niya? May kinalaman nga kaya siya kaya't bigla siyang nawala? But I saw it happen. It was like I was there. Ako ang makakapagpatotoo na tinangka niyang iligtas ang kapatid niyang si Laura. And for God's sake, he was also shot, five times. How the heck did he survive? No one was there to help him...
Inihinto ni Lou ang kotse sa isang art studio. Pumasok sila. Pinauna ni Lou si Carla sa pagpasok, at sumunod naman siya rito. Nagpalinga-linga si Carla sa paligid ng art studio. Pansamantala niyang nakalimutan ang tensyong nararamdaman because she was amazed at the paintings. "Wow! These are nice!" buong paghangang sambit niya. Tiningnan niya ang lahat ng paintings na nadadaanan niya. Hindi siya makapili kung alin sa mga ito ang pinakamaganda. Ang bawat paintings ay may kanya-kanyang alindog. She noticed the initials carved in every painting. E.G.
E.G.? Bakit parang pamilyar sa kaniya ang initials na 'yon. May kakilala nga ba siyang E.G. ang initials? Could it be...?
"Lou?" saka lamang niya napansing hindi na pala ito sumusunod sa kanya. "Nasa'n si Erno? At si Fille?" Ngunit walang sumagot. Kinabahan na si Carla. "Lou? Nasaan ka ba?" Namatay ang lahat ng ilaw sa art studio. Napasigaw siya sa sobrang takot. "Lou, natatakot na ako. Nasa'n ka ba? Sabi mo nandito na lahat ng sagot sa mga tanong ko. Ang tanong ko ngayon, nasa'n ka? Ba't hindi mo masagot?" Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa may maapakan siya. Ulo ng isang bangkay. Napasigaw siyang muli.
"Lou, there's a.. there's a dead body in here. Help me!" Umilaw na muli ang art studio and she saw three decaying corpses. Muntik na siyang masuka. She covered her mouth, and started thinking. Tatlong bangkay? Hindi kaya sila ang mga pinatay sa panaginip ko? Pero bakit naririto ang mga bangkay nila? Dito ba sila itinago sa loob halos ng dalawang buwan? What is this place? Could E.G. possibly mean Erno Gulbis??? She walked away from the corpse quickly. Kailangan niyang makalabas at maireport sa mga pulis ang mga bangkay sa art studio. Mabilis na ang bawat hakbang niya nang biglang may humawak sa kanya.
"Lou?" nagulat na sabi ni Carla. She breathed a sigh of relief. Akala niya ay kung sino na ang humawak sa braso niya. Si Lou lang pala.
"Masyado kang matatakutin," natatawang sabi nito.
"This place is a graveyard, Lou. Dito itinago ang mga bangkay."
"This is an art studio. You must be hallucinating," kalmadong sabi ni Lou.
"No! Kung hindi ka naniniwala sa akin, halika at ipapakita ko sa 'yo ang mga bangkay. Erno could be behind all these. All the paintings have his initials. E.G." Inakay niya si Lou pabalik. Pero pagbalik sa lugar kung saan niya nakita ang mga naaagnas na bangkay, wala na ang mga ito roon.
"Nandito talaga 'yung mga bangkay, nakita ko.." takang-takang sabi ni Carla. Hinanap niya ang mga ito sa paligid.
"Ito ba ang hinahanap mo?" nakangising sabi ni Lou, sabay turo sa lalaking duguang nakahandusay sa sahig. Litung-lito si Carla, dahil pamilyar ang itsura ng lalaking nakahandusay kahit duguan ang buong mukha nito. Napatingin muli si Carla sa kausap, at bago pa muling makasigaw, isang malakas na suntok ang dumapo sa tiyan niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay...
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...