V. BETTING GAME

995 31 0
                                    

V. BETTING GAME

"Ayoko na.  Ang sakit na ng ulo ko," daing ni Lou habang nakikipaglaro ng baraha sa mga kaibigan.

"Baka naman ang bulsa mo," pang-aasar ni Simo. "..dahil sa dami mo ng perang ipinatalo."  Nagtawanan ang magkakasama.

"Hey, guys.  Nasaan nga pala si Erno?  Bakit wala siya rito?" tanong ni Dominika.

"Wag na wag niyong papupuntahin dito 'yon," galit na pagbabanta ni Lou.

"Why?  What's wrong with you?  Threatened ka ba dahil baka matalo ka sa pustahan?" natatawang sabi ni Dominika.  Nakipag-appear pa ito kay Jonathan.

"Pustahan?  Pinagpupustahan niyo si Fille?" tanong ni Kei na kanina pa walang imik at nakikinig lang sa usapan.

"Hoy, abnormal.  Wag kang makialam dito.  Wag na wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol dito, kung hindi.." banta ni Simo.

"Chill lang, Simo.  Hindi ako matatalo sa pustahan.  Alam kong sasagutin ako no'n in just a week."

"Pwede ka pa namang mag-back out, tsong.  Mukhang di ka naman mananalo kay Erno.  Mukhang may tama si Fille do'n, lalo na kung ang pagbabasehan eh 'yong nakasakay na siya sa kotse mo, bumaba pa, at kay Erno sumabay nang makita niya ito," sabad ni Jonathan.  Walang naisagot si Lou sa sinabi nito.

"Pipi ba 'yon?" tatawa-tawang tanong ni Simo.

"No, babe.  Of course not," sagot ni Dominika.

"But I've never heard him talk since he came here," sabi ni Simo.

"Ako nga rin eh," pag-ayon ni Jonathan.  "Baka naman nag-aaral ng sign language."  Nagtawanan ang lahat maliban kina Kei at Lou.  Iniisip ni Kei kung paano niya sasabihin kay Fille ang tungkol sa natuklasan niya.  Ayaw niyang masaktan ito, at mapaglaruan.  Si Lou naman ay biglang naisip ang mga pangyayari kanina.  Hindi nga umimik si Erno nang magkatitigan sila, pero parang may narinig siyang nagbanta na masasaktan siya kung hindi pa siya aalis.  He knew it was just a hallucination, that it was only in his head, but still.  That stare of Erno.  It was almost as if siya ang nagbantang 'yon sa isip ni Lou... 

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon