VI. THREE A.M. CALL

951 28 0
                                    

VI. THREE A.M. CALL

Naghahanda na ako sa pagtulog ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari.  Sino ba talaga si Erno at ano ang hiwagang bumabalot sa pagkatao niya?  Bakit kami nakakapag-usap sa isip?  At bakit may mga bagay siyang kayang gawin na hindi kaya ng isang ordinaryong tao?  Bakit ayaw niyang magsalita?  Pipi ba siya?  Pero naalala kong nung unang beses siyang ipakilala ni Dominika as their family friend, she tried talking to him.  Iniba nga lang niya ang usapan sa pamamagitan ng pagsenyas ng 'inom'.  Why would Dominika ask him if she knows he couldn't talk?  Ako nga lang kaya ang nakakausap niya sa isip?  Hindi rin maalis sa isip ko ang pagkakatitig niya kay Lou.  Kitang-kita ko ang takot sa mukha ni Lou bago siya nagmamadaling umalis.  I know I have to find out everything.  We can't remain friends hangga't hindi niya sinasagot ang napakaraming mga katanungang bumabagabag sa akin.  Papikit na sana ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.  I checked the time.  It was already 3 am.  Sino naman ang tatawag sa akin ng ganoong oras?  Wala sa contacts ng phone ko ang tumatawag na 'yon.  Biglang-bigla ay sumakit ng matindi ang ulo ko.  I answered the phone though my head was about to explode.

"Sino 'to?" isang di-pamilyar na boses ng isang babae ang nagtanong mula sa kabilang linya. Sino ako?  Hindi ba't ako dapat ang magtanong kung sino siya?

"Please naman.  Magsalita ka," pakiusap nito.  Naisip ko na baka crank caller lang ito at walang magawa.  I hung up the phone and turned it off.  Sobrang sakit na talaga ng ulo ko so I've decided I need a medicine.  Something, anything that could take away the pain.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon