XIII. DARK PAST

982 31 6
                                    

XIII. DARK PAST

Sinadya kong umalis ng maaga sa bahay para hindi ako abutan ni Erno.  Nagpa-late din ako sa school dance, para maisagawa ang plano ko.  Pagdating ko, halos lahat ay nagsisipagsayawan na.  Mag-isang sumasayaw si Lou.  Agad ko siyang nilapitan.

"Akala ko si Erno ang kapartner mo?" bati niya sa akin.  " Bakit nagbago yata ang isip mo?  'Wag kang mag-hallucinate.  Even if I agree to dance with you tonight, it's just a dance, and this doesn't mean anything to me."  Hindi ko pinansin ang pang-iinsulto niya.  Agad akong nakipagsayaw sa kanya.  Habang sumasayaw kami, napansin kong masyado na kaming malapit sa isa't isa dahil malakas ang music at hindi kami magkarinigan.

"Anyway, 'yong itatanong ko nga pala sa 'yo..." biglang naputol ang sasabihin niya nang mapatingin siya sa direksyong kinatatayuan ni Erno.  Napatingin rin ako.  My heart stopped because he was so gorgeous in his tuxedo.  It was hard to stick to my plan seeing him that stunning.

+Fille, I've been looking for you everywhere.  Nandito ka na pala.  Why didn't you wait for me?  Nagpunta ako sa inyo, pero nakaalis ka na daw...

Hindi ako tumingin sa mga mata niya.  Baka kasi umurong lang ako sa pinaplano ko.  I reminded myself na para kay Kei ang gagawin ko.

*Leave me alone, freak.

+Bakit, ano'ng problema?

*Ikaw ang problema!  Get out!  May kapartner na ako.

Ngunit, hindi pa rin siya natinag.  Papalapit na siya sa amin ni Lou.  When I saw him getting near us, I suddenly kissed Lou.  Matatalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Erno before he walked out of the dancefloor.

"Ano 'to, Cainglet, drama niyo?" natatawang sabi ni Lou.  "Akala ko noon, kilay mo lang ang makapal, pati pala mukha mo."  Hindi ko siya pinansin.  I felt bad about what happened.  Parang matutunaw ako sa kahihiyan.  I tried to walk out, pero hinila ni Lou ang kamay ko.

"You're not going anywhere hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko.  May nangyari bang kakaiba sa 'yo two months ago?"

Pamilyar ang tanong na 'yon, hindi ko lang maalala kung sino ang nagtanong sa akin ng gano'n.

"Are you hallucinating?  And what about the phone calls?  Na-save mo na ba ang number ng caller?" sunud-sunod niyang tanong.  "May nangyayaring kakaiba sa akin, Cainglet.  At hindi ko 'to gusto."  I just stared at him, confused.

"'Di ba tinatanong mo sa akin kung paano ko nalaman ang lahat kahit hindi mo sinasabi sa akin?Well, it's because I'm hallucinating too.  Palagi kong naririnig ang boses mo, kahit gaano ka kalayo sa akin," paliwanag niya.  "As weird as it sounds, naisip kong baka kailangan mo ng tulong at ako lang ang makakatulong s 'yo."

Everything he was saying didn't make sense.  Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya.

"Nararamdaman ko, Cainglet.  Maybe you're in danger with either Erno or Kei."

"Or with you," dugtong ko.  Hindi niya pinansin ang sinabi ko.  Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.

"I checked Erno's records.  There is nothing there that says he can't speak.  Ibig sabihin, hindi siya pipi pero bakit wala pang nakakarinig sa kanya na magsalita?  Don't you think it's kinda weird?  'Pag inoobserbahan ko ang mga kilos niya, I notice that he seems to really like you.  Kaya naisip kong baka... delikado ka sa kanya."

"Wala siyang record that he can't speak?" tanong ko.

Baka isa rin 'yon sa mga kasinungalingan niya.  Maybe he is just pretending he is mute.  Pero bakit?

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon