XXVI. THE UNACCEPTABLE TRUTH
"Mommy, Daddy, 'wag niyo akong iwan. Mommy, Daddy..."
Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. Nasa kwarto ako nang magising ako. My mind was blank. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto ko. Pilit kong inalala ang mga nangyari. Si Erno, at ang mga kasinungalingan niya, ang banta ni Grigor na papatayin ang pamilya ko. Totoo ba ang lahat ng 'yon o bahagi lamang ng masamang panaginip ko? Matagal na kaming magkakilala ni Grigor, hindi niya magagawang pumatay na tao. Pero, sabi ni Lou nakita ang mga walang malay nilang katawan sa kotse ni Simo? Posible kaya na tinangka silang patayin ni Simo? The more I think of the recent chain of events, the more it gets complicated. Nang maisip ko si Lou, bigla kong naalala na hinuli nga pala siya ng mga gwardiya. I have to help him. It's all my fault. It was because of me that he was in that hospital in the first place. Binabantayan niya ako. Sinubukan kong magpaliwanag kay mommy, but she didn't believe me. Ipinakulong niya si Lou. Why was I in that hospital anyway? I remembered what they all told me. Nagtangka raw akong magpakamatay. Then I remembered how I was so mad and depressed about learning the truth about Erno. How I've always thought that he was like a superhero only to realize na siya pala ang kontrabida at pinapaikot lang niya kami sa mga palad niya. Maybe I committed suicide without realizing it! I was so mad at myself for falling in love with a person like him. Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may mag-text sa akin.
ART STUDIO, 14 PALM STREET, DREAMLAND VILLAGE, MAKATI. PLS HELP.
It was Carla. Napaisip ako kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Wala naman akong ibang alam tungkol sa kanya maliban sa crime detective raw siya. Then I thought of Lou. He trusts her. Kapag nalaman ni Carla ang sitwasyon ni Lou, baka matulungan niya ako. Kailangan kong tulungan si Lou. Whatever it takes. Binuksan ko ang bintana ng silid ko na nasa ikalawang palapag ng bahay namin. Paulit-ulit kong naisip na kailangan ni Lou ang tulong ko, so I jumped from the window! Akala ko ay nabali na ang lahat ng mga buto ko sa binti, pero nang bumagsak ako sa lupa, I didn't feel any muscle pain or anything. How was it possible that I was able to do that? But I had no time to think about it. Patakbo akong umalis sa bahay namin patungo sa address na itinext ni Carla. Bumaba ako sa art studio. Napakatahimik ng lugar na 'yon, pero parang lalo akong natakot. Dahan-dahan akong pumasok sa nakaawang na pinto.
+Fille.
Napahawak ako sa ulo ko. Naririnig ko na naman ba ang boses ni Erno sa isip ko?
+Fille.
Tinatawag niya ang pangalan ko. Nagbalik ang galit ko sa kanya.
"Duwag ka at traydor pa! Hindi ako natatakot sa 'yo, kahit na anong klaseng nilalang ka pa. Harapin mo ako. Magpakita ka!"
+Hindi kita maintindihan, Fille. Galit ka ba sa akin? Please don't be mad at me. You shouldn't have come here. Run away now! Please don't talk. Someone is manipulating all this. And maybe I survived this far para masabi sa 'yo 'to. Save yourself, please.
Namuo ang mga luha sa mga mata ko. I didn't know why but I believed him instantly. Madami akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko siya makita.
+Hindi ko na hinihiling na mabigyan ng katarungan ang nangyari sa pamilya ko. What I want right now is for you not to risk your life anymore. Trust me, I will never hurt you.
I couldn't think straight. Kanino ako tatakbo? At bakit naririnig ko ang boses ni Erno sa isip ko, pero hindi ko siya mahanap.
"Erno? Nasaan ka?" Hindi na siya sumagot. "I just want you to know that I believe everything you said just now." Umiiyak ako habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Erno. Then, an unexpected thing happened. Nabunggo ko si Lou. Ano'ng ginagawa niya dito? I thought nakakulong siya.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...