XXII. UNDER THE BED
Please wake up, Fille. I can't make it without you. I can't make it without you. I can't make it without you... paulit-ulit kong narinig ang mga katagang 'yon, bago ako nagising. Boses ba 'yon ni Erno? Bakit ko siya napanaginipan? Sinubukan kong dumilat kahit mabigat ang mga talukap ko. Nakita ko ang mom ko, umiiyak.
"Ma, what's wrong?"
"Sino'ng may gawa nito sa 'yo, anak?" sabi niyang nagpupunas ng luha.
My mind went black. Sino ang may gawa ng ano? Did something happen to me again? I tried to think of the recent events, then I remembered. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Grigor nang magkausap kami sa phone. Kei is dead. I killed him. Your family's next. Niyakap ko agad ang mom ko.
"What is it, Fille?" tanong niya nang mapansing hysterical ako.
"Si Grigor, 'ma.. papatayin niya tayo..." Pinapakalma ako ng mom ko nang muling marinig ko ang boses ni Lou sa isip.
#Alam na namin ang lahat ng clues. Oxygen, 5, at 4!
*Lou? Ikaw ba 'yan?
#Oo nga. Pinakaba mo ako, Cainglet. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa 'yo. Ilang araw ka ng walang malay rito sa ospital, and I've been coming here every night... Anyway, I'm under your bed, but don't look, 'cause your mom might see me.. bakit ka umiiyak?
*Natatakot kasi ako, Lou. Natatakot ako kay Grigor. Pinatay niya si Kei.
#That's absurd! Inannounce sa school na nawawala sina Kei, Grigor, at Erno, kaya hinanap namin sila ni Carla. So far we've found Kei and Grigor, and they're unconscious. Papa'no siyang makakatawag sa 'yo eh wala siyang malay ngayon?
*I don't know. Naguguluhan na talaga ako...
#Then stop crying. Kei is fine. Alam mo ba kung saan namin sila nahanap? Sa kotse ni Simo. Mukhang tinatago niya silang dalawa. But we have no idea why. I also have a feeling that he might be innocent, na baka may naglagay lang ng mga katawan nila do'n pagkatapos silang bugbugin. But everything doesn't make sense, kaya lalo lang kaming naguguluhan na pag-ugnay-ugnayin ang mga pangyayari.
Tumayo ako at sinilip ang ilalim ng kama ko. Nakita ko si Lou, pilit pinagkakasya ang sarili sa ilalim. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatinginan kami, at nag-usap sa isip.
#Ano'ng nangyari sa 'yo?
Umiling ako.
#I don't believe that you tried committing suicide. I believed someone attacked you pero gustong palabasin na nag-suicide attempt ka. Wala akong ibang naisip na rason kung bakit may gagawa nito sa 'yo, so I've concluded it's because of what we know, about a family murder. Pinipigilan niya tayong malaman ang katotohanan.
"Naguguluhan talaga ako. Why would Grigor tell me a joke like that if that was really supposed to be a joke? Im sure si Grigor ang nakausap ko because it was his number that I dialed at boses niya talaga ang narinig ko. I knew his voice well. And the tone of his voice was serious. Tinakot niya 'ko na isusunod niya ang pamilya ko," sabi ko. Bago pa man makasagot muli sa isip...
"Fille?" nagulat ang mom ko na nagising habang natutulog sa tabi ko. "Sino'ng kausap mo? Are you talking to yourself?"
"N-no, mom," I stammered. Bumalik ako sa pagkakahiga sa bed. Hindi siya umimik pero bigla niyang sinilip ang ilalim ng kama ko.
"Lou? Ano'ng ibig sabihin nito? Ikaw ang may kagagawan ng lahat kung bakit muntik ng mamatay ang anak ko!" pag-aakusa ni mommy na pareho naming ikinabigla ni Lou.
"No!" halos sabay naming nasambit ni Lou.
"Wag kang magtiwala sa kanya, anak," muling sabi ng mom ko. "He was trying to kill you that's why he's here. Guards! Tulungan niyo kami!"
"No mom. Please listen," pakiusap ko pero nakita kong pumasok agad ang dalawang security guards ng ospital.
*Tumakas ka na, Lou. I'll explain everything to my mom. Just get out of here. Hysterical na rin ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Tumango si Lou at kaagad na tumakbo palabas, but he didn't make it out, dahil hinarang na siya ng dalawang armadong gwardiya...
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ParanormalIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...