XVI. THE CALLER
Nagpunta si Erno sa bahay namin kinagabihan. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Kei. Nagpasalamat siya sa akin sa pagtulong ko sa kanya.
+Nakita ni Kei ang nangyari sa pamilya ko? Nandon siya no'n?
"Oo."
+Sinabi ba niya kung ano ang nangyari nang mabaril ako? Paano ako nakaligtas at sino ang nagdala sa akin sa ospital?
Umiling ako. Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang sinabi ni Kei na limang bala ang tumama sa kanya.
"Lou and Kei want to help you. Hindi lang ako. Magtutulung-tulong tayo," sabi ko.
+Salamat sa lahat ng tulong niyo, Fille. Gagawin ko rin ang lahat para sa 'yo. Hindi ko hahayaang masaktan ka. I'm always watching over you. Dahil sa tuwing kasama kita, lagi akong nakakaramdam na may papalapit na panganib at kailangan kitang iligtas.
"Salamat rin, Erno. I feel so safe when I'm with you," nakangiti kong sabi sa kanya. Maya-maya pa, tumawag si Lou kay Erno at tila naging balisa ang anyo niya. Hindi ko siya natanong kung ano ang problema dahil pumasok ang mom ko sa kwarto na may dalang pagkain.
"Kain muna, Erno," sabi niya. "I told you about myself the last time. I'm Oliv, Fille's mother. Now it's your turn to tell me something about yourself." Hinila ko ang mom ko at binulungan.
"Mom, he can't talk. He's mute." She looked at me in disbelief. "But don't worry, mom, he's rich." At kinindatan ko siya. Iniwan kami sandali ni mommy para kumain.
*What is it? What's the problem? Ano'ng sabi ni Lou?
+Nakausap na daw niya 'yong babaeng tumatawag sa 'yo tuwing alas tres ng umaga.
*Sino daw 'yon?
+Isang crime investigator, na pwedeng makapagbigay ng katarungan sa nangyari sa pamilya ko... napapaniginipan raw niya ang nangyari sa pamilya ko. Pati ang cellphone number mo, nakikita niya sa panaginip. That's the time when she always wakes up. Hindi daw siya aware na palaging alas tres siyang nagigising. Basta sa tuwing nagigising raw siya ay tinatawagan niya ang number mo. I'll see you tomorrow.
*Okay.
+Ayoko na sanang madamay ka pa sa pagtuklas kung ano mang sikreto ang dapat nating alamin.
*Don't worry about me. I will help you as long as I can.
Bahagya niyang sinilip kung gising pa ang mom ko. Nang hindi na niya ito mamataan sa living room, hinayaan niya akong humilig sa mga braso niya. At doon na ako dinalaw ng antok...
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOUR
ÜbernatürlichesIsang brutal na pagpatay sa isang pamilya ang nagbunga ng hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa buhay ni Fille. Nakilala niya ang dalawang taong tila may inililihim tungkol sa kanilang pagkatao. Ano ang kaugnayan niya sa buhay ng dalawang ito...