XV. CONFESSIONS

867 31 4
                                    

XV. CONFESSIONS

Dumalaw ako kay Kei sa ospital.  Sa labas pa lang ng room niya, 'di sinasadyang nakarinig ako ng usapan...

"What?  Pinatay ang parents ni Erno?  I don't believe it," boses 'yon ni Dominika.

"Kaya pala siya napipi, dahil nasa state of shock pa siya sa nangyari," boses naman iyon ni Lou.

"Kailan sila pinatay?" tanong ni Simo.

"Almost two months ago.  Nagbabakasyon raw sila no'n dito," kwento ni Lou.

"Nahuli ba 'yung mga pumatay?" tanong naman ni Jonathan.

"Wala siyang idea kung nahuli ang mga 'yon.  Pero mukhang malaki daw ang galit sa mga magulang niya dahil hindi daw tinanggap 'yung perang inalok niya.  Hindi raw niya alam kung pa'no pinatay yung kapatid niyang babae, o kung talagang patay na ba ito, kasi lumaban daw siya no'n para protektahan ito, kaya siya ang binaril.  Hindi niya alam kung paano siya nabuhay, o kung sino ang nagdala sa kanya sa ospital.  Hanggang ngayon daw ay nawawala pa rin 'yung bangkay ng parents niya."

"Weird," komento ni Simo.  "Itsura pa lang no'n, wala na akong tiwala.  Isa lang ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya, baliw siya, pinatay niya ang pamilya, at itinago niya ang mga bangkay para hindi siya lumabas na suspect sa krimen.  Pa'no nga pala niyang nakwento sa 'yo lahat 'yon, Lou eh pipi siya?"  I interrupted them by entering the room, pero nagkunwari akong walang alam.

"Kumusta na si Kei?" tanong ko.  Tumingin ako kay Lou.

*Hindi naman si Erno ang bumugbog kay Kei 'diba?

Hindi sumagot si Lou kaya hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinasabi ko sa isip.  Maya-maya pa, bumalikwas si Kei sa higaan at nagsisigaw.  "Huwag!  Wala akong kasalanan!"  Natawa si Simo.

"Sige, Lou, ikaw na ang bahala sa kanya," sabi niya.  Lumabas sina Jonathan, Dominika, at Simo.  Naiwan kaming tatlo.

"Tigilan mo na ang drama mo, Kei!  Kailangan mong sabihin sa amin kung bakit at kung paano ka nagkunwaring hindi isang bulag.  Alam na namin ang sikreto mo, Kei.  Alam naming bulag ka!" pagkompronta ni Lou.

"Hindi ako bulag!  Alam kong ikaw si Lou.  At alam ko rin na.. nandito si Fille ngayon," nahintakutang depensa ni Kei.  "Bakit niyo ba ako ginaganito?"

"Kei, please," nakiusap na sabi ko.  "Sabihin mo na ang totoo."

Isinalaysay ni Kei ang mga pangyayari, kahit na tila nanginginig pa siya sa pag-alala ng mga ito.  Hindi raw siya bulag noon.  Isang gabi, nakasaksi raw siya sa brutal na pagpaslang sa isang pamilya.  Pinatay raw ang mag-asawa, at ang binatang anak nito.  Ang babae naman ay ginahasa.  Hindi na raw niya natagalan ang ga'nong tagpo kaya sa halip na humingi siya ng tulong sa mga pulis, minabuti niya na lang na lisanin ang lugar.  Hindi raw niya alam kung pinatay ang dalagang ginahasa.  Hindi rin daw alam kung saan itinago ng mga kalalakihan ang mga bangkay.  Nang magising raw siya kinabukasan, hindi na siya nakakakita.  Nagpatingin na siya sa iba't ibang mga doktor para malaman ang sanhi ng kanyang pagkabulag, ngunit isa man sa mga ito ay walang naniwalang nagkaro'n ng diperensiya ang kanyang paningin.  Wala daw lumalabas sa mga pagsusuri nila na bulag siya, kaya isang doktor ang sapilitan siyang dinala sa mental hospital sa pag-aakalang baliw siya.  Tumakas raw siya sa mental hospital, at simula noon ay pinilit niyang itago ang kanyang pagkabulag dahil ayaw niya na muling bumalik sa mental hospital.

Hindi ko maintindihan pero habang pinakikinggan ko ang pagsasalaysay niya, lumalakas ang kaba ko.  Ang pamilya ba ni Erno ang nasaksihan niyang brutal na pinatay?  But it doesn't make sense.  Kung tama ang dinig ko, sinabi niyang pinatay rin ang binata.  Pero bakit buhay pa si Erno, at paano siyang nakaligtas?

*Can you hear me, Kei?

Hindi siya sumagot.  He can't hear my thoughts after all.

"Konektado ang lahat sa krimeng 'yon, lahat ng kakaibang nangyayari sa atin ngayon, konektado ro'n.  Maybe we should really report the massacre to the police," sabi ni Lou.

"Fille?" tawag ni Kei.  "Nandito ka 'diba?  Salamat ha.. sa concern mo sa akin," sabi ni Kei.  Hindi na naman siya sa akin nakatingin kaya't iniharap ko pa siya sa akin.

"Wala 'yon.  Magpagaling ka, Kei, dahil tutulong tayo sa paglutas ng kasong 'yon," sabi ko.

"Pero, Fille, natatakot ako," ngarag ang tinig na sabi ni Kei.  "Paano kung..ubusin din tayo ng mga lalaking 'yon kagaya ng ginawa nila sa pamilyang 'yon?"

Nagkatinginan kami ni Lou.

"Hindi naubos ang pamilyang 'yon.  Nakaligtas ang lalaki," paliwanag ni Lou.

"Imposible!" agad na pagkontra ni Kei.  "Imposibleng makaligtas ang lalaki.  Limang bala ang tumama sa kanya!"

"Ligtas ang lalaki.  Dahil ang lalaking 'yon ay si Erno," muling paliwanag ni Lou.

Tila hindi makapaniwala si Kei.  "Si Erno?  Pero pa'nong...?"

"Hindi niya rin alam kung pa'no siya nakaligtas.  Kaya 'yon ang dapat nating alamin," sabi ni Lou.

Saglit na nag-isip si Kei at napailing.  "Wala ba si Erno rito?  Hindi ba siya concerned sa akin?"

"Huwag ka na ngang magtampo diyan," sabi ko.  "Hindi bagay."  Itinuro ko sa kanya ang V-sign.  "Ganyan.. ganyan ang pinapasabi niya sa 'yo."

"Ano'ng ibig sabihin no'n?" kunut-noo niyang tanong.

"Basta.  Kei, alam mo, naisip ko lang.. siguro kapag nabigyan na natin ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya ni Erno, baka bumalik na sa ayos ang lahat," sabi ko.

Tumango rin si Lou.  "Teka nga Kei, may special ability ka ba?"

"Math wizard ako," mabilis niyang tugon.

"Hindi 'yon ang gusto kong malaman.  Ang ibig kong sabihin kung may nagagawa ka bang bagay na ikaw lang ang nakakagawa?"

"Oo.  Malakas ang pakiramdam ko kapag may tao," sagot ni Kei.

"Dapat lang.  At natural lang 'yon dahil bulag ka!" inis na sigaw ni Lou.

CRIMES AND MYSTERIES 1: OXYGEN FIFTY FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon